15

16 0 0
                                    

15

Hindi ko alam kung bakit ako nagpunta dito pero andito ko ngayon sa tapat ng bahay nila Leslie

"Oh Zereena, kamusta?" Tanong ng Yaya nila Leslie pagkapasok ko sa gate.

Ngumiti ako at sumagot. "Ahh, okay lang po. Asan po si Les?" Pagtatanong ko

"Nasa kwarto niya. May kailangan ka bang sabihin? Ayaw paabala, kasama yung kasintahan niya." Pabirong sabi ng matandang katulong sakin

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Pumasok naman ako sa loob mismo at umupo na.

"Tatawagin ko ba o ikaw na ang aakyat?"

Baka kung anong makita ko dun, kaya pinatawag ko nalang sa kanya. Buti nalang at kilala ko ni Manang.

"Kumatok ako, sandali lang daw eh. Sige magantay ka muna dyan at paghahanda kita ng makakain."

Nagintay ako ng mahigit 20 minutes at saka lang sila bumaba.

"Oh bat andito ka Zer?"

"Ahhh... May itatanong lang kasi ako."

Gusto kong magusap kaming dalawa ng private, ayokong makinig si Lans sa mga paguusapan namin.

"Ano yun?" Umupo sila sa harap ko, saktong dating ni Manang dala yung pagkain, binaba niya sa mesa at umalis na. Tska ako nagsimula.

"Kung ayaw mo naman ng private, tabi ka muna sakin, may itatanong lang ako, mabilis lang to"

Tumango naman siya, medyo iritado ang mukha ni Lans pero wala siyang magagawa, andito na si Les sa tabi ko.

"Ano ba kasi yun?" Tanong ni Les habang umaayos ng upo

"Sino yung mga kasama mo sa canteen nong nakita ko kayo?" Gusto ko lang linawin sa kanya ang estado ng friendship namin

"Ah? Ahmm..mga... ibang kaklase lang" medyo di niya mapakaling sagot

"Okay. Nilinaw ko lang, kala ko kasi nalimutan mo na ko." Malakas kong sabe sabay tingin kay Lans na mukhang mainit na ang ulo

Umirap siya at tumayo, "tss tara na nga Les, nagsasayang ka lang ng oras."

"Kapal mo." Tumayo na din ako.

"Zer! Stop it." Pagsaway sakin ni Les. That's my cue. Umalis na ko ng tuluyan.

"Zer!" Paghabol ni Les sakin ng tawag niya

"Ge alis na ko"

Narinig ko pa ngang nagkakainisan na sila dahil ayaw syang bitiwan ni Lans

Mukhang di maganda tong desisyon mo Leslie Ann Bermudez. Pagsisisihan mo din yan, someday.

Pag-alis ko don ay umuwi na ako sa bahay. Di ako makapaniwalang kinampihan pa niya ang lalaking yon kaysa sakin! Umupo lang ako sa bench sa labas at hinarap ang aking laptop. Magfefacebook nga ako, ilang bwan na din akong hindi nakapag open nito.

Chrysler Celestrio added you as a friend. AcceptNot now

At iba pang mga friend requests at notifications. Inaccept ko lang si Chrysler dahil marami na yung mga nagadd at halos lahat naman ay di ko kakilala. Naglog out na din ako at bumalik na sa kwarto para makapaligo. Magpapasa lang ako ng requirements at uuwi na. Last day na bukas nawalan pa ng pasok ngayon. Tsk.

"San punta?" Tanong ni Kuya habang naglalagay ng tubig sa baso niya pagdating ko sa kusina para uminom din ng tubig.

"School. Requirements" tas inangat ko yung hawak kong envelope at winagayway ko.

Tumango naman siya at binigay sa kin yung baso niya. Uminom lang ako at umalis na.

---

"Thank you Ms. Dervena, you may leave now" sabi ng aking professor pagkaabot ko ng envelope sa kanya.

Paglabas ko ng room andun si Leslie, kasama si Lans. Tss. Napairap nalang ako pagdaan ko sa kanila. Alam kong walang sinabi si Leslie na wala na yung friendship namin, o na nakalimutan niya na ko, pero masakit na hindi niya ko pinanigan.

Ibig sabihin, may tendency na kapag nagkagalit kami ni Lans, magagalit din siya sakin at kakampihan niya ang isang yon!

Dumiretso ko sa parking dahil inaantay ako ni Manong Lim doon. Naglalakad na ko ng may humigit sa braso ko galing sa isang building, napasigaw naman ako.

"Ano ba?! Ugh!" Inaalis ko ang hawak niya sakin. Lumingon ako at.. Tssss. "Anong kailangan mo Chrysler Celestrio?" Mahinahon kong tanong sa kanya. Di ko na pinansin ang pagkalabog ng puso ko.

"Have you decided?" Nung una hindi ko maisip kung ano ang ibig nyang sabihin pero napagtanto ko na iyon nang maalala ko ang usapan namin kahapon.

"Ahh.. No, at hindi rin ako nagisip na magbigay ng time dyan, so back off okay? Uuwi na ko" sabi ko habang hinahawi ang kamay niya sa braso ko.

"Tss. Bahala ka. Kita mo na ngang ni hindi ka na pinapansin nung kaibigan mong walang inisip kundi ang boyfriend niyang bad influence. Tsk" binitawan niya ko ng padarag at naglakad na paalis

"Teka nga! Bat ba inis na inis ka kay Leslie?! Ano bang ginawa niya sayo?!" Naniniwala naman ako sa kanya nang sabihan niya si Lans ng BI. Totoo naman eh, yun ang napapansin ko.

"W-wala." Sabi niya nang di lumilingon. "Kung makakapagdecide ka, after sembreak, just tell me"

"Why do you think I have to decide? Problema ko to kaya wag kang makialam!" Hindi ko lang maisip kung bakit ganyan siya makapangelam.

"Bahala ka, I just wanna help you. Sige." Umalis na siya ng tuluyan.

Umuwi na din ako pero hindi naalis sa isip ko ang tungkol sa mga sinabi niya mula nung usapan namin kahapon hanggang kanina.

Di ko naman maintindihan kung anong ibig niyang palabasin. Tsk. Ayoko! No!

Epic LoveWhere stories live. Discover now