25

13 0 0
                                    

25

"Pero Zer!" Pagpupumilit ni Pride

"Ayoko nga! Ayoko!" Inaaya niya kong umuwi sa Preciosa, this coming weekend. Ayokong sumama dahil boring dun kapag konti lang ang tao.

"Bat ba gusto mong umuwi? Wala naman sila Tito dun ah." Andito kami sa bleachers ng school. Nanunuod ng mga nagpapractice na cheerleaders, malapit na kasi ang labanan ng basketball ng mga universities.

"Wala lang. Just wanna relax. Eh di papuntahin natin sila!" Bwisit din tong si Pride eh. Basta maisipan gusto gagawin agad.

"Mag-isa ka. O kaya isama mo sila Renz at Sean." Lunch break ngayon at hindi kami kumakain. Nawalan ako ng gana kanina sa cafeteria.

"Sige na nga, bibigyan kita ng time. Alam ko namang selos ka pa din dun sa kanina eh kaya aantayin muna kitang makapag-isip. Hahaha"

O_______O!!!

"Di ako selos! Tantanan mo ko, Pride ah!! Naiinis ako!"

Tumawa lang siya na parang masayang-masaya sa lahat ng pangyayari sa buhay niya. -_-

"Totoo ba yan? Di ka selos? Eh bakit inis na inis ka? Sus! Masyado kang in-denial!"

Inirapan ko nalang. Wala akong oras para sa mga kalokohan niya.

"Uy! Si Celestrio ba yun?! Kasama na naman yung chicks!"

Automatic naman na napalingon ako sa tinuturo ni Pride.

"HOY BWISIT KA HA!!!" Wala naman si Chrysler doon kaya pinagpapalo ko siya hanggang sa napagod na din ako.

"Wag kang mag-deny deny dyan, nagmumukha ka lang sira. Aminin mo na kasi na nagseselos ka, at mahal mo na! Woooo!" Tumakbo na siya bago pa siya mahagip ng kamay ko.

Ughh. Oo. Selos ako. Oo na, nakakainggit naman kasi! Masama ba yun?

*flashback*

"Wooahh, pare, who's that chick?" Tanong ng isang varsity. Wait. That was an understatement, sigaw ng isang varsity player na kasama ni Chrysler. Nasa katabing table lang namin sila.

Napatingin ako sa table nila at nakitang may kasama siyang babae. Morena at mukhang beauty queen. Nakakapit pa sa braso niya at medyo nakatago sa likod niya.

Narinig kong Daze ang pangalan niya. Manager ng Cheering Squad ng University.

Grabe! Parang ang special ng turing ni Chrysler sa kanya. Pag sakin napaka-rude at parang wala lang. Sa kanya, pinag-hatak pa ng upuan, binili ng pagkain, nakikipagtawanan at kwentuhan. Ughhhhh nakaka---walaaa!!!

*end of flashback*

Okay selos ako pero hindi ibig sabihin nun mahal ko na siya. Normal lang naman magselos kapag gusto mo yung tao eh. Basta! Mali si Pride! Isa lang ang naitama niya! Selos ako. -____-

Epic LoveWhere stories live. Discover now