50

10 0 0
                                    

50

Goood morning sa inyoooooo!!! Woohooo! What time is it?! Monthsary time!!! Joke yan -.-

Nag-alarm ako ng 8 am. Maghahanap kasi ako ng isusuot. Maaga ang date namin. Lunch. May practice kasi ako after lunch. Hay -.-

Sa huli, isang sleeveless na floral top lang ang naisuot ko tska skater skirt. Bahala na kung OA o pangit, basta may damit!

Bago ko bumaba, kinuha ko na yung mga rings na binili ko pa ng bagong box. Ang pangit kaya ng pasunod na box sa mall!

**

10:30 na wala pa rin si Chrysler. Sabi niya dapat medyo maaga dahil malayu-layo rin yung pupuntahan namin, ngayon asan na siya? Huhu.

Nakita kong bumaba si Kuya galing sa taas. Okay, malamang. Meron na bang bumaba galing sa baba? LOOOOL.

"Tara." Sabi niya pagkakita niya sakin. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Abno? Pagkakaalam ko wala kaming lakad ngayon no!

"Ha? Anong tara? Bakit? May date ako! Wag mo nga akong idelay!"

"Ihahatid nga kita, inutusan ako ni Chrysler."

"Di nga?! Di nga?! Tara na bilis! Baka mamaya malate pa ko!" Nagmamadali akong tumayo at tumakbo papunta sa garahe. Syempre sa car ko. Waaah! Pero si Kuya ang magdadrive. Syempre, dahil maganda ko, dapat maganda rin ang sasakyan ko. Charot.

"Bat ba kasi hindi daw niya ko sinundo? Hindi nga ako tinext nun na hindi niya ko masusundo eh."

Okay lang naman sakin, dapat lang kasi sinabi niya para alam ko, baka malate pa tuloy ako eh di siya rin ang maiinip dun sa kung saan man.

Teka nga! Parang papunta to sa bahay nila Chrysler! Ibig sabihin dun kami magdedate? Well, I'm not disappointed or what. Ayos lang naman dito dahil malaki naman at isa pa, may privacy dito. Kaysa sa ibang lugar pa. Maraming mga matang umaaligid.

"Bye, Kuya. Ingatan mo baby ko pauwi ah, baka magasgasan wag ka masyadong mabilis kasi baka mabigla, tapos wag kang aandar kapag maraming sasakyan, sa gilid ka nalang. Wag mong hahayaang madumihan tapos sa tuyo ka lang dumaan!" Di ko alam kung anong katangahan na ang sinabi ko sa kanya. Gusto ko lang naman makasiguro!!!

"Maglakad nalang kaya ako pauwi, ano sa tingin mo?" Inis na sabi niya.

"HAHAHA! Sige na biro lang yun pero jokes are half meant, remember!! Babush!"

Nagdoorbell ako ng tatlong beses at inintay na pagbuksan ako. Pero wala talaga. Tinry kong itulak yung mataas na gate. Ampucha na yan! Bukas naman pala nag-intay pa ko don!

Pagpasok ko, may mga petals ng blue rose sa madamong lupain nila. Sinundan ko lang, malay ko ba kung eto yung pathway patungo sa surprise! Oha! Napapanuod ko sa mga movies syempre!

Naubos na yung mga petals sa baba. May nakita kong isang tulip sa end ng petals. Pinulot ko, baka mamaya makabuo na ko ng bouquet nito. :))

Pagkapulot ko sa tulip, may lumabas na papel galing sa loob. "Stay there and wait for me. We'll be together till the end."

Ohanalpandbwma! Bem!!!! Nagkariot na sa sistema ko. Halos maki-riot na rin ako kundi lang ako nagpipigil dito baka lumupasay na ko kanina pa sa sobrang kilig ko.

Ilang minuto lang na pagnamnam ko sa kilig na yun, dumating si Chrysler na naka polo at pants tapos mukhang hingal na hingal.

"Sorry. Kanina ka pa nag-iintay rito?" Hinhingal niyang sabi.

"Nope. :)"

"Buti naman. Tamang tama lang pala. Now, are you ready to be with me on the next stage?" Para bang lahat ng sinasabi niya may laman. Asdfghjkl. Napapangisi nalang ako dito sa sobrang kilig.

"Super ready!" Tinaas ko pa yung dalawang kamay ko at naglakad na kami. Mainit pero keri lang. Atleast kasama ko si Chry na nagpapaka-tunaw.

Eto na talaga! Ang dulo ng lahat ng dulo! Sa wakas narating din namin ang Bundok Makiling!!!! Mabuhay!!!! *wengk wengk wengkkkk* (joke yan bat ba!)

Narating na namin ang dulo.

O_________O

Covered ang place, parang isang convention center, ganun? I don't know. Basta covered tapos may mga candles, malamig na dito, di katulad sa labas na boooom na boooom ang init. Feeling ko tuloy amoy jutoks na ko dahil sa init kanina.

"Oh my god" napabulong ako sa sarili ko

Puno ng rose petals na blue and red ang paligid. May mga lobo rin na nagkalat. Mga lumilipad, nasa roof at iba't iba ang kulay. Sa gitna, may platform na parang mini stage. May nakalagay na mesa doon, may mga pagkain at may dalawang upuan. Hindi masyadong maliwanag dahil candles lang ang nagpapa-ilaw. Parang gabi na rin tuloy.

"Ikaw bang gumawa nito?" Manghang mangha kong sabi. Napakapit pa nga ako sa braso niya at niyugyog yun.

"Of course. Sino pa ba? Aso namin?" Arghhh. Pilosopo!

"Malay ko ba kung aso niyo nga talaga." Pagganti ko. Hindi ko maiwasang di masira yung moment. Nasanay na ata ako na sa bawat pang-iinis niya may ganti ako.

"Oo na. Ako nga kasi ang gumawa tska yung foods."

Waaaahh! Ang sweet pucheks! Bakit kailangan niyang maging sweet ng ganito? Naiiyak ako. Tuloy feeling ko walang kaeffort effort yung bigay ko.

"Pinapatay ko lahat ng ilaw, balak naman talaga natin dinner di ba? Kaso nga lang, hanggang gabi pala yung practice niyo. Isipin mo nalang dinner na."

Yung gumawa siya ng paraan para mag-date kami, masaya na ko. Pero yung nag-effort siya para maiparamdam sakin na sobrang importante ko sa kanya, ako na ata ang pinakamasaya.

"Kahit agahan, meryenda o lunch pa man, wala na sakin yun. Basta kasama kita." Niyakap ko siya. Natouch ako sobra. Never in my life may nag-effort ng ganito para sakin.

"Haha. Kumain na nga tayo. Lalamig na yang mga pagkain."

Nagsimula na kaming kumain. Grabe pwede ng chef sa 5-star restau. Sobrang sarap!

"Bakit hindi mo ko sinundo pala?"

"Kasi nga, kailangan madelay ka ng konti. Kung maaga ka pupunta, maaabutan mo ko dito na nagtatanggal ng petals ng roses at nagluluto. Naisip ko kasi, kung kagabi ako nag-ayos sa loob nito, baka malanta na yung flowers tapos yung mga balloons baka pumutok na kaya kanina ko nalang ginawa."

"Thank you for this. For everything you did for me. Nahihiya nga ako kasi ako walang kaeffort-effort yung regalo ko, pero ikaw, tignan mo." Minwestra ko pa ang paligid at tumawa naman siya.

"Mas gusto kong ako ang nage-effort kaya wag kang magalala. Tska yung regalo, kahit ano naman yun, basta ikaw ang nagbigay."

Ngumiti ako. Inabot ko sa kanya ang regalo ko. Mangha naman ang itsura niya.

"Ano, pangit ba? Don't worry pwede kong palitan."

Nakatingin lang siya sa loob at nakangiti na parang ulol. Hahahaha! Seryoso. Parang nang-aasar na ewan.

"Sabi ko naman sayo after graduation pa diba? Pero kung gusto mo na talaga kong pakasalan, why not?"

ARGH! Nang-aasar na naman siya -.-

"Di ako nagpo-propose, sira! Gift nga lang! Bawal na ba magregalo ng ring ngayon? Partner nga pala yan, akin na yung isa."

Nilahad ko ang kamay ko pero binaligtad niya at siya ang nagsuot ng singsing sakin. Woooh. Kinilig ako dun. :"""">

Masaya ang buong araw namin na yon. Sobra-sobrang saya ang naramdaman ko ngayon. Maganda ang takbo ng buhay ko. Mukhang umaayon sakin ang mga bagay bagay. :)

Epic LoveWhere stories live. Discover now