65

5 0 0
                                    

65

7 am ako gumising kahit wala na akong pasok. Kailangan kong ma-impress ang mahal kong mga relatives ano! Nagbihis ako ng loose shirt at jumper tska nagsimulang mag-vacuum, mag-mop at mag-punas ng mga furniture. Buong bahay nilinis ko, lalo na ang mga guestrooms. Tignan ko lang kung hindi kayo masilaw sa kintab ng bahay.

Ako din ang magluluto ng mga kakainin namin, katulong ko si Mama at Papa. Well, baligtarin natin. Ako ang tutulong sa kanila. Madami kaya yun! Ako lang ang tiga-hiwa, fry, yung mga easy easy lang.

Dinner time pa naman ang eksaktong dating nila, syempre naman siguradong mga lunch darating yung iba kaya dapat handa na. 10 pm palang ay dumating na sila Tita Candy and family. Sumunod ang pamilya nila Pride, dito nga rin lang kasi sila sa Manila, sumunod ang family nila Tita Zayla. Sabay sabay kaming nag-lunch.

Noong pagabi na, dumating sila Tito Gener at family. Nagkakagulo na dito sa bahay, puro tawanan at kwentuhan. Nagpapatugtog pa ng music sila Sean. Lalong nakadagdag sa ingay at sa fun. Di ko namalayan na hindi pa ko naliligo kaka-entertain sa lahat. Sabik din naman ako ano, minsan lang mangyari to. Sobrang nakaka-excite at nakaka-energize.

Nag-dinner na at dumating din si Tito Roz. Kanya kanyang pwesto na ang mga hindi kumasya sa dining table. Hanggang 12 persons lang kasi ang long table namin. Yung iba sa sala nalang. Nagiging close narin namin ang relatives ko sa side ni Mama. Buti at friendly sila Sean kaya madali maka-sabayan.

Dumating si Ate sa kalagitnaan ng kainan. Binati nilang lahat si Ate hanggang makarating siya sa kitchen kung nasan kami nila Mama at Papa. Nasa dining room ang iba kaya hindi masyadong maririnig. Maingay pa sila.

"Ano to, Ma? Farewell party para sakin?" Inis niyang sabi.

"Ano ka ba, Ate. Surprise party nga ito eh, inorganize ko to. Dapat matuwa ka." Sabi ko na parang walang nangyaring away samin. Normal na normal lang ang pagkasabi ko.

"Surprise? Dapat na ba kong matuwa dun? Okay. Woow ang saya saya naman, pinamukha mo pa sakin na ang saya ng pamilya niyo, samantalang ako nag-iisa." Sarkastiko niyang sabi. Nainis ako kaya lumabas ako sa sala at sumigaw, sinigaw ko sa lahat ang dapat sasabihin ko kay Ate.

"Hindi naman nag-iisa si Ate Celest di ba? Kaya nga pinapunta ko kayong lahat dito dahil gusto kong makita niya na nandito tayo para sa kanya at tinuturing natin siyang tunay na kapamilya. Kahit kailan naman hindi namin inisip na hindi ka namin pamilya. Ikaw lang ang nag-iisip niyan sa sarili mo. Kaya pwede ba.." Huminga ko ng malalim. Hindi ako iiyak ngayon, masyadong masaya ang araw na to. Ayokong masira ng ganun nalang.

"Pwede ba, wag mong isipin na porket ampon ka hindi ka na mahal. Ikaw nga ang the best sa lahat, ano pa bang gusto mo? Binigay nila Mama't Papa sayo lahat kahit ganun. Wag mo naman sana silang suklian ng pagrerebelde mo." Sigaw ko. Ilalabas ko lahat ng hinanakit ko sa kanya. Para maintindihan niya na hindi lang siya ang nasaktan sa katotohanan.

Si Pride ay sumigaw din, "super group hug para kay Celestine Dervena. Na Dervena sa dugo, sa balat at kasu-kasuan!" Nagtawanan sila at niyakap nila si Ate. Natangay na nila ko dahil nagkakagulo sila kaya napagroup hug na din ako.

Umiiyak na ngayon si Ate. "Ang sama ko. Ang tanga ko. Sorry sorry. Ma, Pa." Sabi niya saming lahat. Samu't saring comforting words ang sinabi namin sa kanya hanggang sa tumahan na siya.

Pagkatapos mag-dinner at mag-dramahan, balak ko na sanang maligo kaso nag-declare si Renz na magswimming daw kami. Oh ano pa nga bang gagawin ko? Eh di syempre magsu-swimming nalang muna ko. Aakyat sana ko sa taas para magbihis pero naalala kong naiwan ko sa kitchen yung phone ko. Binalikan ko doon at chineck kung nagtext o tumawag si Chry. Buong araw ata kaming hindi nagkausap ah?

Walang text. Ano bang ginagawa ng isang yun at nakaligtaan din akong itext man lang o tawagan? Hmm. Ako na nga lang ang tatawag, tutal nakalimot din ako.

Naka-ilang rings pero hindi pa rin pini-pick up. Tinext ko nalang siya na tawagan ako kapag nabasa na niya ang text ko. Tinanong ko rin kung asan siya. Wala na rin naman siyang ginagawa, bakit kaya?

Di ko maiwasang hindi kabahan. Fresh from away palang kami, kaka-ayos lang namin ng parents niya, baka mamaya nagbago na pala ang isip nila tapos narealize nilang nagmukhang kawawa ang mga anak nila ng dahil sakin. Pano kung pigilan---no. Ayokong mag-overthink. It will just worsen the situation. Mabuti pa, magrelax ako at makisama sa mga pinsan ko. Tama.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa pool area namin. Nakalimutan ko na tuloy magpalit ng swimsuit. Manunuod na nga lang muna ko sa kanila. Umupo ako sa upuan sa tabi ng pinto. Tawanan ng tawanan yung mga lalaki dahil pinagtripan nila si Kuya. Napailing nalang ako sa kalokohan ng mga pinsan kong sira.

"Zereena, may humahanap sayo." Sabi ni Ate sakin na naglalabas ng beers para sa mga Tita't Tito namin.

"Sino daw? Sa labas? Teka nga." Tumayo na ko at pumunta sa may gate. Sino naman kayang pupunta sa gantong oras? Di naman siguro si Bes, di rin si Chry. Mukhang busy yun eh.

Wala namang tao ah? Jinojoke ata ako ni Ate eh! Natawa nalang akong mag-isa dahil nagpa-loko ako sa kanya. Tsk.

Paglapit ko sa pintuan ng bahay wala akong naririnig na ingay, naka-dim na din ang lights. Inisip kong nasa likod na silang lahat kaya tumahimik na dito. Binuksan ko ang pinto.

"Surprise!" Nagulat ako dahil nandito si Chrysler kasama sila Tito at Tita pati si Kaiz at Monica, si Leslie, Coach Lani, Vyanna. Pati lahat ng relatives ko naki-sigaw din ng surpries. Inisip ko kung bakit sila nag-ganyan. Hawak ni Chrysler ang cake na may maraming kandila habang nasa gitna siya. Tska ko naisip. March 8. Birthday ko pala. Hindi ko naalala. Kinantahan nila ko ng happy birthday.

Natawa ko at napangiti pagkatapos. Kaya naman pala willing na pumunta ang lahat dahil epic debut ko. Forgotten 18th birthday.

"Legal age ka na! Pwede ng mag-asawa!" Sigaw ni Pride somewhere sa nagkakagulong mga kamag-anak ko. Nagtawanan ang lahat. Nakikitawa pa ko nung una pero unti-unting nag-fade yun at naging luha.

"Happies birthday ever." Sabi ko sa kanila. "Maayos na ang family ko, wala ng problema at maayos na lahat. Pinakamagandang regalo na yun para sakin. Thanks sa surprise and greeting."

Pagkatapos ng greeting part and everything, nang gabing yon, isa isang lumapit sakin si Monica, Vyanna at Klariz to tell me how much they are sorry sa mga nagawa nila. Pinatawad ko sila. Alam kong nadala lang sila ng maling pag-iisip. Hindi ko na kailangan pang patagalin, sa huli patatawarin ko din naman sila. Why prolong, right?

Nagkainan ang mga bagong dating ng mga niluto namin kanina nila Mama. Kaya pala ang dami ng niluto nila, handa ko pala to.

Naka-jumper ako sa 18th birthday ko at hindi pa ko naliligo. Ako ang nagprepare. Ako mismo ang nag-invite sa mga bisita ko. Yun naman pala, alam nilang lahat. Ako lang ang walang kaalam-alam. Lumalabas tuloy na gumawa ako ng surprise para sa sarili ko. Epic debut.

Sa lahat ata ng nag-18 ako yung pinaka-masaya. Even without the gowns, the 18 roses, 18 candles and the like. With my family and friends, I am the happiest birthday celebrant in the world.

--

A/N:

Helleeww helleww. Hi! Last chapter before the epilogue, huhu I did my best and I'm contented with it. Binago ko ang title at prologue kung mapapansin ninyo. Parang hindi kasi appropriate ang confusing love para sa storyang ito. Yun lang! Thanks for reading this! I love you!

Epic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon