35

10 0 0
                                    

35

"Zer, it's been a month!" Inis na sabi ni Pride sakin.

"Oo nga. And besides botong boto kami nila Papa sa kanya. approval mo nalang ang kailangan." sabi ni Ate habang nagta-type sa laptop niya. Andito kami sa kwarto niya at naguusap kaming tatlo tungkol sa pagsagot ko kay Chrysler.

"Wag kayong mainip! Humahanap ako ng timing, okay?" Nasa sahig lang ako at naka-patong ang dalawang braso ko sa kama.

Gusto nilang sagutin ko na si Chrysler. Ang hindi nila alam, nagawa ko na yun. A week ago.

"Chrysler" tawag ko sakanya. Nagda-drive siya, alam kong wala sa timing pero hindi ko na kayang antayin pang makababa kami sa school dahil kating-kati na ang dila ko sa pagsasalita.

"Hmm?" Nakataas ang dalawang kilay niya at bahagyang nakanguso, hindi siya tumitingin sakin at naka-focus lang sa dinadaanan namin.

"Mahal na mahal kita. Wag ka ng magpakahirap. I'm yours simula palang." Sabi ko nang nakangiti at nakatingin sa kanya kahit na hindi siya nakatingin sakin.

Nag-preno naman siya ng malakas halos masubsob na ko sa dashboard ng kotse niya. Pero hinawakan niya ang noo ko bago pa man tumama.

"Shit. Haha. Sorry, Zer. Oo alam kong mahal mo ko dati pa pero sa sinabi mo, pakiramdam ko sinasagot mo na ko." Pagyayabang niya na may katotohanan naman. Binatukan ko siya. "Oo nga! Sinagot nga kita! Ugh"

Natatawa kami pareho dahil sa kalokohan namin. Pero mas matagal ang tawa niya dahil sa itsura ko kanina. "Damn, bakit habang nagda-drive pa ko?! Pano kung naging tayo nga tapos napatay kita?"

"Whaaat? Di ka masaya? Anong magagawa ko. Di ko na kayang pigilan hanggang sa school." Natatawa kong sabi.

Bago pa siya makapag-salita may bumusina ng sasakyan sa likod namin. Tska ko lang narealize na hininto niya sa gitna ng kalsada yung sasakyan! Arghhh!

"HOY CELESTRIO PUMASOK NA TAYO SA SCHOOL!" Agad naman niyang pinaharurot ang kotse habang natatawa pa sa kalokohan niya.

Hindi ko lang sinasabi kila Ate na sinagot ko na dahil ewan ko. Di pa ko ready na ikwento ang epic na pangyayari nong sinagot ko siya.

Nag-ring naman ang cellphone ko. Si Chrysler. Natahimik sila Ate at Pride nang makitang may kausap ako. Nakikinig sila.

"Oh?"

'Anong oh? Baka nakakalimutan mo, may usapan tayo ngayon. Lunch with Mom.'

Ay shoot! Oo nga pala! Magla-lunch ako sa kanila!

"Oo nga pala. Wait maliligo na ko. Susunduin mo ba ko?" Natataranta kong sagot habang tumatayo mula sa sahig. Nakita kong nakatingin lang yung dalawa sakin.

'Yup.' At nag-end call na. Lalabas na dapat ako para maligo sa kwarto ko pero nagsalita si Pride.

"Uy may date! Hahaha! Sagutin mo na!" Nakahiga na siya ngayon sa kama ni Ate. Nagmake-face lang ako sa kanilang dalawa na tumatawa at nag-ayos na.

Naka-white fitted floral dress ako na above the knee at pumps. Nag-antay na din ako sa sala. After 5 minutes dumating na si Chry. Hindi na siya pumasok dahil nagmamadali na kami.

"Nice dress." Pinasadahan niya lang ng tingin ang suot ko at nagpatuloy na sa pagda-drive. "But I think that's not appropriate for our activity later." Nagtaas siya ng isang kilay.

"Ha? Magla-lunch lang naman tayo diba?" Nagtataka kong tanong. Wala naman siyang sinabing may plano siyang gawin today after lunch.

"Nevermind. Ako na bahala mamaya"

Epic LoveWhere stories live. Discover now