61

10 0 0
                                    

61

Kahit na labag sa loob ko ay pumasok ako sa mga klase ko ngayon. Napaka-empty ng pakiramdam ko. Wala si Chrysler na kasama kong naglalakad at iniiwan ako. Walang humahawak ng kamay ko sa harap ng maraming tao. Hindi ko maramdaman yung pagiging safe kapag mag-isa ko at wala siya. Sa kabila ng lahat, mahal ko pa rin siya. Napaka-martir ko naman ata. Huh. Pero wala akong magagawa don, hindi ko siya kayang iwan eh.

"Oo grabe! Mas gumwapo siya nung hindi maayos ang sarili niya. Kahit mukhang sabog ang hot pa rin! Sheeeeeet! Chrysler ko!!!!!"

What the?! Napatingin ako sa dalawang babaeng nagtitilian habang nakatingin sa may bleachers sa grounds.

Chrysler. Napangiti ako ng mapait at nagtutubig na ang mata ko. Miss na miss na kita, Chry. Namimiss mo kaya ako? Naiisip mo kaya ako?

"Huuuyy! Ano iniiyak mo dyan?!" Bigla naman akong sinapak sa braso ni Pride. Magkasama sila ni Kuya.

"Ha? Ano? Wala tara sunduin na natin si Les." Tsk. Nahuli ako. Wrong timing naman ng dalawang to!

Tinignan nila ang direksyon ng tinitignan ko kanina. Nagkatinginan sila pagkatapos. "Ahhhhh! Hahaha! Tara!"

Inakbayan ako ni Pride at akala ko papunta kami sa room ni Leslie pero nakita kong naglalakad na kami papunta sa grounds. NO. PLEASE.

Ang higpit ng pagkaakbay niya, tawa sila ng tawa ni Kuya habang sapilitan akong dinadala sa mga bleachers.

"Wag kasi, Pride, Kuya! Ano ba!" Hindi talaga ko makawala. Mabilis pa ang lakad namin, halos magkandarapa na ko nang makarating kami sa bleachers. Nasa kabila sila Chrysler at pinaglalaruan ang bola ng basketball.

"Kausapin mo kasi. Di yung ganyan ka, tatanaw tanaw!" Nakaupo na kami ngayon at tuwang-tuwa sila sa ginawa nilang pagpilit sakin. Ugh -____-

"Ayoko nga! Wala kayong alam sa ginawa ng Chrysler na yan sakin sa E Mall! Tigilan niyo nga ako." Natahimik sila. Wala silang alam dun. Si Bes lang. Kaya talagang natigilan sila.

Tumayo sila. "Sige. Dyan ka muna, may gagawin pa ko." Sabi ni Kuya. "Sama ko!" Sumunod si Pride at umalis silang dalawa. Mga loko loko talaga.

Te-teka?! Nilapitan nila si Chrysler!!!! Umalis sila at hindi ko alam kung saan nagpunta. Hindi ko sila magawang sundan dahil natatakot ako sa pwedeng marinig ko kay Chrysler.

Kumain akong mag-isa at nagpunta na sa klase ko. Agad silang nagsitahimik nang pumasok ako, may mga nag-irapan at nagparinig sakin pero hindi ko pinansin. Nagbingi bingihan nalang ako para wala ng gulo.

Natapos ang araw na yun na may kaba sa dibdib ko. Anong pinag-usapan nila? Sinaktan ba nila si Chrysler? Anong sinabi ni Chrysler sa kanila? Lutang akong naglakad patungo sa parking lot. Naabutan ko si Pride sa sasakyan nag-iintay. Wala si Kuya sa driver's seat at mukhang di maganda ang timpla ni Pride. Umupo ako sa likuran.

"Anong nangyari?"

Tumingin si Pride sakin. "Kinausap namin ng Kuya mo si Chrysler. Hindi pa man siya nagsasalita umalis na. Ni hindi sinagot ang mga tanong namin, tapos parang di mapakali. Tss. A*shole." Umiiling na sabi ni Pride. Iniwanan din sila sa ere? Ang galing niya talagang mang-iwan. Bakit ayaw niyang makipag-usap? Kung gusto niya na magkaayos kami, makikipag-usap siya kila Kuya.

"Nasan na si Kuya?" Baka mamaya sinaktan niya na si Chrysler sa pagka-inis niya. Di pwede to.

"Hinahanap lang ang Ate mo. Nakita niya kasi kanina na may kasamang lalaki, sinundan."

Pakiramdam ko dinadala rin ni Kuya ang mga problema ko at ng pamilya. Siya ang pumapasan ng lahat mapaayos lang kami. Napaka-useless ko. Dapat hindi ko nalang siya dinamay sa problema ko para naman di ako naging pabigat.

Bumalik si Kuya na hindi kasama si Ate. Bwisit na bwisit siya sa mga nangyari ngayong araw kaya ang bilis ng patakbo, nakauwi kami kaagad ng mabilisan.

Pagdating sa bahay hinanap agad ni Kuya si Ate. "Ma! Nasaan si Celest?" Galit niyang sabi. Nakita niya palang nakikipaghalikan si Ate dun sa lalaki at nung sinundan niya, nakita niyang puro lalaki ang kasama at may mga babaeng napaka-iikli raw ng damit at mga naninigarilyo. Iniisip niyang kabarkada yun ni Ate at boyfriend niya ang lalaking gangster, kaya ayan galit na galit.

"Hindi ko alam. Umuwi kanina at nagpalit ng damit tapos umalis na." Naiiyak na sabi ni Mama. Lagi nalang siyang ganyan, depressed din sa mga nangyari. Si Papa ganun din.

"Fck! Humanda siya sakin pag-uwi niya! Hindi niyo kami pinalaki para lang mag-bisyo at magbulakbol!!" Sinapak niya ang pader at umakyat sa taas ng kwarto niya.

Si Pride ay umakyat na rin at ako nalang ang naiwan dito sa baba. Dumating si Ate na may kasamang lalaking matangkad, may hikaw sa tenga, marami. Tapos may peklat sa kaliwang pisngi at naninigarilyo. Nakakatakot ang kasama niya. Nakaakbay sa kanya at nakakapit naman siya sa leeg. What the hell? Ano to?! Naghiwalay sila nang makita ko nung lalaki. Ngumiti siya sakin at kumindat. Fck! Flirt! Nakita yun ni Ate kaya agad niya kong nilapitan at sinampal. "Malandi ka talaga! Kahit boyfriend ko inaakit mo! Leche!" sa lakas ng sigaw niya narinig kami ni Mama kaya lumabas siya. Nagulat siya ng makita ang kasama ni Ate.

"Anong nangyayari dito?!" Galit na sabi ni Mama.

Umiling lang ako at umakyat na. "Malandi ka, Zer! Malandi! Makati! Leche ka!" Sigaw niya noong nasa hagdanan ako. Narinig ko ang sampal ni Mama sa kanya pagtapos niyang sabihin yun sakin. Umiling nalang ako at umiyak sa kwarto. Napakasakit kapag sa mismong tinuring mong kapatid mula pagkabata nanggaling ang mga ganung salita. Parang kung pagsalitaan niya ko wala kaming pinagsamahan buong buhay namin.

Dahil lang sa lalaki gaganunin niya ko? Yung boyfriend niya nga ang flirt eh! Nakita lang ako kinindatan agad ako. Manyak. Sht! Nakakatakot!

Pumasok si Mama sa kwarto ko ilang oras matapos akong umiyak. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Anak. Pasensya ka na sa ginawa at sinabi ng Ate mo ha? Sorry. Kung hindi namin sinabi sa kanya na ampon siya hindi naman siya magrerebelde ng ganun." Umiiyak na sabi niya.

"Bakit ba kasi kailangan niyang magrebelde? Inalagaan niyo siya buong buhay niya! Lahat ginawa niyo! Tinuring niyo siyang inyo. Pero yan lang isusukli niya, hindi ba siya nakokonsensya man lang?"

Ilang beses kong nakitang umiyak si Mama mula nang mangyari yun, tapos lalo lang papasakitin ni Ate ang kalooban nila ni Papa? Sobra naman na ata yun! Lahat ginawa nila para sa kanya at para mapabuti siya! Ngayon yan ang igaganti niya. Ang galing tumanaw ng utang na loob.

Hindi nagsalita si Mama at umiyak lang. Tinatahan ko siya. Pinakamasakit na makita ang nanay mo na umiiyak. Mahal na mahal ko si Mama, mula nang magkaproblema kami halos hindi na kami nagkakausap kung hindi tungkol sa importanteng bagay. Nabalewala namin siya dahil may sari-sarili din kaming problema. Hindi namin alam, siya ang pinaka-nasasaktan. Higit pa sa sakit na naramdaman namin.

Pumasok si Papa sa kwarto at tinahan niya si Mama. Inalalayan niya to palabas habang patuloy na tinatahan. Nasira na ang pamilya namin.

Epic LoveWhere stories live. Discover now