2

20 1 0
                                    

"Grabe Ma, di ko kinakaya yung lalaking yon! Sabihan ba naman ako ng ganun!" Pagrereklamo ko kay Mama. Sa kanya lang naman ako nakakapag open eh.

"Nak, wapakels nalang. Papansin lang yun! O kaya pasikat. Baka KSP. Pabayaan mo na."

*face palm*

"De joke lang Xyrel. Sa totoo lang, normal naman yung ganyan pero sana di ka nya pinatulan. Kasi babae ka pa din. Kahit ba di kayo magkakilala. Pero wag mo na pansinin yun, isang subject mo lang pala kaklase eh. Basta, dedma."

Tumayo na ko, nilagay sa lababo yung pinagkainan at nagayos na para makapasok. 2 pa naman ang pasok ko dahil walang mga prof kaya umuwi muna ko kaninang umaga after ng 1st subject.

"Ma alis na ko may bibilin pa ko eh"

"Ano ba bibilin mo? Isang oras macoconsume ganon ba? Tsk! Hala sige layas!" Tapos tinulak niya na ko palabas ng pinto. Mama -_______-

Nagpunta na agad ako sa bookstore para sa ballpen. Yes. Ballpen lang naman ang bibilhin ko.

*krringg*

"Oh Les?"

'Zer bilis maaga start ng klase. 1:15. Shocks naman oh ang gugulo!'

"What?! Teka sige malapit na ko sa school"

15 minutes nalang start na. Ano na naman kayang nakain ng prof na yun at ang aga magsstart? =____=

Ang haba pa naman ng pila dito! Kylngan ko na ng ballpen!!!

After 5 minutes!!! Nakabili din!

"Manong full speed, sa school tayo"

------

"So.. that's all. Please cooperate tomorrow" tapos out of the scene na ang peg niya.

Bulungan naman kaagad ang mga kaklase kong atat.

"Uy Zer anong isusuot mo? Magpapalda ka?" Tanong ni Jyra, yung seatmate ko

Huh? Kylangan pati suot malaman?

Mayron kasing magaganap na acquaintance party tomorrow since kakasimula lang ng year na to.

"Ahh, ewan ko pa."

Pag mga gantong mga event di ko naman na pinaghahandaan, kung ano makita ko sa closet yun na.

Pero bukas kylangan daw semi formal. Tsk. Ang arti.

"Zer! Anong balak?" Tanong ni Les sa isang tabi ko.

Napatulala lang ako iniimagine yung susuot ko. "Basta"

Never pa ko naging handa ng ganto para sa party na yan, kaya excited ako!

Maaga kaming pinauwi para magprepare. 6 pm pa naman simula bukas pero may mga binigay din kasing home works so kylangan na matapos. Hay buhay.

"Te! Samahan mo ko sa mall mamaya ah. Ha?!" Pangungulit ko ky Ate. Pano naman kasi! Naisip ko na yung susuot ko. Kylangan ngayon na! Baka mawala pa sa isip ko.

"Ayoko! Kay Kuya ka magpasama! Andyan naman ngayon eh!"

"Kainis naman oh!!!!! Okay okay tsk!" Binagsak ko na yung ballpen ko sa desk para magbihis na ng pangalis.

Ayoko na tapusin yung math na yan! Nababaliw na ko! Grrrr!

"Kuya kuya kuya! Tara na sa mall dali!" Walang tanong tanong basta hinatak ko nalang siya sa garahe

"Buset naman Zer oh! Kita mong nanunuod ako ng tv eh! Ano gagawin mo dun?! Tsk!" Napakamot nalang sa ulo si kuya at inistart yung kotse niya.

Wala eh, minsan lang kasi kami magkita kaya malakas ako dyan, di ako matanggihan. ^____^

"Ano nga ba talaga bibilhin mo? Pag yan walang kakwenta kwenta ha!"

"Pano pag meron?"

"Eh pag wala?"

"Huuuuuuu"

"Bahala ka!"

Tapos natahimik na kami. Ganyan lang usapan namin lagi. Di naman kasi kami yung magkapatid na close na close. Medyo distansya din kami at di kami nagpapakelamanan ng buhay. Wala nakasanayan lang.

Pagdating sa mall dire diretso ko sa bilihan ng mga damit. Si kuya kasunod ko lang palagi. Yan ang gusto ko sa mga kapatid ko eh, mahaba pasensya.

"Kuya ayos ba to?" Kakalabas ko lang ng fitting room, nagsukat ako ng white palda na hanggang paa at sleeveless na royal blue tapos nakapumps.

"Nice. Pero para san ba yan? Baka di appropriate sa event ah."

"Acquaintance"

"Masyado kang casual, para kang magpupunta sa mall. Hanap ka pa"

Nakakuha ko ng black tight dress na hanggang braso yung sleeves tapos medyo maiksi yung baba.

"Much better." Tumayo na siya at pumunta sa counter. This is the best part of all!!!! Waaaah

'1,550 po, Sir!' Sabi nung cashier na kinikilig pa

Binigay ni Kuya yung 2k tapos ngumiti na naman yung cashier ng kilig kilig

'I received 2,000, Sir.' Nagpipindot pa siya dun tapos ayun nabili na din naman namin.

Naglibot pa kami sandali para sa mga accesories naman. At pumps. All set. Yezzzz I'm so exciteeeddd!

"Thanks Brothaaa, you the best. Hahaha" yinakap ko siya at kiniss sa cheeks. In public. HAHAHA best panginis sa kanya. Hahahaha ayaw na ayaw ng PDA.

"Sht naman Zeeeeer." Pabulong pero pagalit niyang sabi.

Tapos hinila niya na ko palabas ng mall papunta sa car niya at umuwi na kami. Tawa padin ako ng tawa habang nagdadrive siya. Asar na asar kasi yung mukha eh.

Nakauwi kami ng malumanay at matiwasay at walang galos at kung ano man, wooo buti nalang.

Halos di ako makatulog kakaisip sa itsura ko bukas. Usually walang make up, walang hair do, pero bukas, feel ko magayos kaya, brace yourselves schoolmates. Bwahahahaha.

-

Epic LoveWhere stories live. Discover now