49

6 0 0
                                    

49

Anong gagawin mo? Kung masaya ka na, tapos pinasaya ka pa lalo? Iiyak ka na ba sa saya o magwawala na sa saya?

Di ko na kaya! Sobrang saya ko! Grabe! Remember my reward for the exams? Here it is!!!! Oh my god! May kotse na ko!!!!!

"Aaaahh! Grabe Papa! Naiiyak ako!!! Hahaha" pagdating ko sa bahay galing sa school, sabi nila Papa aalis kami. Pumunta agad ako sa garahe namin para sundan si Manong at mauna ng sumakay. DAPAT. Pero pagdating sa garahe sobrang shock at saya lang ang nafeel ko. Nakapark doon ang dream car ko. Waaah! Red Lamborghini baby! Oh yeah! Grabe.

"Ano? Bakit? Hahaha" pinagkakatuwaan nila ko ngayon dahil mukha akong engeng na tumatawa habang umiiyak.

"I love you, Pa!! Thank you! Thank you!!" Paulit-ulit ko siyang kiniss sa cheeks habang nakayakap ako sa leeg niya. Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata at nabigyan ako ng candy na mamahalin. Waaaahh. Happiness overload!

"Di ka naman marunong magdrive!" Pagkontra ni Mama.

"Pwede namang mag-aral!" Sabi ko.

"Oo na! Oo na! Ako ba walang kiss? Ako kaya pumilit sa Papa mo na ngayon na bilin yan dahil matagal ka naman ng nakakuha ng mataas na grades sa exams mo, tapos para mainspire ka pa sa volleyball tska dahil alam kong kailangan mo rin yan. Hindi laging andyan ang mga kapatid mo para samahan ka. Si Manong lagi pa namin kasama." Siya talaga ang laging may pinaka-mahabang line, pero may sense naman.

"Love you, Mama! Thank you talaga sa inyong dalawa! Sobrang.. Uhhh! Sobrang saya ko!" Tumatawa pa rin ako habang tumutulo ang luha. Tears of joy. Agad akong tumawag kay Chrysler pagpasok ko sa kwarto para magpalit ng damit.

"Yes?"

'Chrysler Van oh my god!!!!' Hindi ko maituloy yung sasabihin ko dahil naiiyak na naman ako sa saya. Urgh.

"Bakit? Ano?"

'I got my dream car. I got my dream car! Aaaahhh. Ang saya ko!' Sumisigaw ako dito sa kwarto habang kausap ko siya. Marinig na nila pero masaya lang talaga ko!

"Wooww! Congrats! Oh ano, tuturuan na ba kita?" Naiimagine ko siyang nagwi-wiggle ng eyebrows.

'Sure sure! Teka, ita-try ko munang i-start ngayon. Call you later, see you bukas.'

"Galingan mo. Hahaha! See you. Bye"

Bumaba na ko at naabutan kong nag-uusap sila Mama at Papa sa sala habang umiinom ng juice.

"Ma, Pa! Pwede ko bang istart yun? Watch me. Tara na!"

Sila Ate at Kuya biglang nawala, pati si Pride din. Hmm. Bahala sila, basta magtatry ako dito. Pumunta kong garahe at nagpaturo kay Papa kung paano istart, natutunan ko naman kaagad.

"Oh yes!!! Oo nga pala, Pa. Si Chrysler gusto kong magturo sakin. Besides, naka-lambo rin siya, maraming alam yun."

"Hmm. Ok lang sige, kung saan ka mas comfortable. Tutal lagi din kayong magkasama, mas matututukan ka niya."

***

Pagkauwi ko galing practice, tinuruan kaagad ako ni Chry. Sa una, medyo hirap talaga ko. Pero pagtagal naman, nakukuha ko na rin. Nang matapos kami ako ang pinagdrive niya pauwi, pero syempre sa gilid gilid lang ako tska nakaguide pa rin siya, ilang beses pa nga akong namatayan ng makina dahil sa kaba ko.

"Good job! Pero wag kang magdadrive papunta sa date natin bukas ah. Baka mamaya eh..." Pangaasar niya. Kasi naman sigaw ako ng sigaw habang nagmamaneho, bawat bigay ni Chrysler ng mga instructions, sumisigaw ako.

"Buset na to! Kayang kaya ko na kaya! Gusto mo magkarera pa tayo!" Pagyayabang ko kahit na wala namang katotohanan. Engk engk engkkk. Hahahah.

"Oo na, magaling ka na. Best driver in the world. Aalis na ko, hindi pa kaya ako nagpapalit ng damit."

Kahit na haggard siya, gwapo padin. Walang palya! Gulu-gulo ang buhok, bukas na yung ibang butones tapos may pawis pawis pa. Urghhh. Ohhh lalaaa :">

Pinunasan ko yung pawis niya sa noo at leeg. "Thanks sa pagtuturo, best driving instructor. Ingat ka sa pag-uwi wag mo kong gayahin."

Nagtawanan lang kami. Sumakay na siya sa sasakyan niyang iniwan niya sa bahay namin kanina bago niya ko turuan. "Kiss mo nga ako." Utos niya sakin pagtapat ng bintana niya sa side ko.

"Kung makahingi ka dyan. May patago?"

"Wala, pero kailangan mo kong bayaran. Tinuruan kita. Pasalamat ka nga hindi baby hinihingi ko."

Ay shwet. -.- dapat pala hindi na ko nagreklamo, kung alam ko lang na ganyan ang sasabihin ng lalaking to.

"Manahimik ka nga! Pag narinig ka nila Papa tignan ko kung hindi makiskis yang mukha mo sa pader." Umikot ako para sumakay sa front seat. Alangan namang bulgaran ko siyang halikan dito sa may kalsada! PDA!

"I love you. Good night." Sabi ko pagkatapos ng aming sweet passionate kiss. LOL! Pero totoo.

"I love you forever and always. Good night."

Bumaba na ko sa kotse niya at umalis na siya.

Epic LoveWhere stories live. Discover now