Aray ko pow! Masakit! T_T

"Tita!!," pinalo pa niya yung kamay ng tita niya para bitawan niya ako. Napahawak ako sa pisngi ko. Feeling ko namumula na ako.

"Hihi. Ok. I'm sorry! Napakapossesive mo naman!. Anyway, I'm sorry. Hehe. Alam mo kasi, wala akong anak na sobrang cute na gaya mo," tapos nag-peace sign pa siya.

"Tss. Stop your childish acts tita. His name is
Zhane Klark Anderson. Klark meet my tita, Jessie," sabi ni Josh.

"Hi po," tapos ngumiti ako. Ganun din ang tita niya. Tapos lumapit na naman siya sa akin

"Tita! Stop it!," saway ni Josh.

"Tss. Fine! Napaka-possesive nama neto. Klark kung sakaling ligawan ka naman netong si Josh, wag mong sagutin hah? Napakawalang galang eh," tapos hinawakan pa niya ako sa braso. Pareho kaming namula ni Josh. Ano ba tong pinagsasabi niya?

"Tita!!"-Josh

"Haha. Oo na. Titigil na ako! Pero Klark, tandaan ko yung sinabi ko ha. Wahahahahaha," sh*t! What made she think na liligawan ako ni Josh?

Yumuko lang ako. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Tsaka bakit ang init ata?? May aircon naman dito sa loob eh! >_<

"Anyway, ano bang ginagawa niyo dito? May kailangan ka?," tanong ng tita niya kay Josh.

"Yhup. Bigyan mo ko ng susoutin namin para mamaya sa Opening Ball," teka? Namin?

"Wala akong pera!," bigla kong sabi.

Narinig kong humagikgik ang tita ni Josh

"Haha. Silly. Wag kang mag-alala Klark. Wala kang babayaran," sabi niya sa akin.

"Po? Pero-"

"Wala ng pero pero. At isa pa, wag mo na akong i-po! Just call me Tita Jessie," sabi niya.

"Ho..?"

"Tss. Magtigil-tigil ka nga! Magpasalamat ka nalang at wala kang babayaran!," bulong sa akin ni Josh. Ramdam ko tuloy yung mainit niya hininga sa tenga ko. Tumayo pa mga balahibo ko.

Pero wala parin siyang modo. Ediwow bakulaw!

"Sige, dyan lang kayo at kukunin ko na yung isusuot niyo," paalam ni Tita Jessie.

Ilang saglit pa ay bumalik na siya. May dala-dala siyang dalawang tuxedo. Isang black and blue.

"Hmm..I think, bagay kay Klark itong blue. What do you think Josh?," tapos tumingin siya kay Josh.

Nagkibit-balikat lang si Josh.

"Wala talagang modo tong batang to. Oh ayan! At ikaw na naman Klark, itong sa'yo. Ay wait! Kukunin ko lang yung pares niyang susuotin mo Klark," sabi niya tapos pumasok siya sa office niya.

Tapos lumabas niya at binigay niya yung kinuha niya sa loob ng office. Isang black pants, white long sleeves then black shoes.

Tapos binigay niya sa akin.

"Ah T-tita, nakakahiya na po ito. At...," hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil nagsalita si Josh.

"Tss. Ang dami pang satsat! Tara na nga!," tapos hinila niya ako papalabas.

"Aba't bastos 'to! Hoy!! Bumalik ka!!! Aish! KLARK, KAPAG NAGKATAONG LILIGAWAN KA NI JOSH WAG MO NG SAGUTIN HAH? PARA MAGDUSA NAMAN," napanganga ako sa huli niyang sinabi. Seriously?

"Tss. Wag mong isipin yung sinabi niya. And why do I have to court you? Hindi ako magkakagusto sayo," aray! Pinamukha niya mga kuys.

Tinignan ko siya ng masama.

"At bakit naman ako magpalaligaw sayo? Hindi rin ako magkakagusto sayo," tapos inwaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Ako na yung naunang umalis. Bahala siya. Buti nalang may pera ako in case of emergency. At ngayon na tung emergency. Magko-commute nalang ako.

"Hey!!! Servant! Comeback here!," rinig kong sigaw niya.

"Comeback mo mukha mo," bulong ko.

Bahala ka diyan.

Sa ibang araw nalang ako magpapasalamat kay Tita. Tsa. Yung jerk kasing si Josh hindi ako pinatapos. Magpapasalamat na sana ako eh.

Agad akong pumunta sa bus terminal. Buti nalang madali ko lang maalala yung direksyon papuntang Aeden Academy.

Nang dumating yung bus ay sasakay na sana ako nang may humila sa damit ko.

"At saan ka pupunta?," sino pa ba? Eh di yung walang modo kong AMO!

"Bitaw"-Ako

"So inuutusan mo na ako ngayon SERVANT?"-Josh

Magsasalita pa sana ako nang marinig kong nagsalita yung driver ng bus.

"Ano ba mga hijo? Sasakay ba kayo o hindi?"-Driver

"Hindi na ho. Sige na alis na po kayo," tapos ngumiti soya sa driver. Kainis!

Tapos umalis na yung bus. Kuyang driver! Bakit kayo sumunod sa sinabi niya??? T_T

Tumingin ako sa kaniya ng masama.

"Bitaw na"-Ako

"For what?," walang modo niyang sabi.

"Bitaw sabi eh"

"Ayoko"

"Bitaw"

"Ayoko"

"Isa"

"Ayoko"

"Dalawa"

"Tatlo apat lima anim," tapos ngumisi pa siya sakin. Ay p*tapete...

Pinikit ko ang mata ko para pakalmahin ang sarili ko. Relax Klark. After all, master mo parin siya.

Walang master-masster kung ganyan din lang yung pag-uugali niyan- sabi ng konsensiya ko.

Hindi ko nalang siya pinansin at mas pinili ko nalang na wag magsalita baka kasi kung ano na naman ang lumabas sa matabil niyang dila.

Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako.

Tapos hinila niya ako papuntang parking lot and then binuksan niya ang passenger's seat. Hinawakan niya ang ulo ko at sapilitan niya akong pinasok sa loob ng kotse niya. How rude. And jerk as always.

Pumasok narin siya sa kotse at pinaandar ito. Kainis talaga. Tumingin nalang ako sa bintana ng kotse niya nang magsimula na siyang magdrive.

••••|
A/N: What's up? Haha. Sana nagugustuhan niyo tong story ko. Magsabi kayo hah? 😂 Para alam ko yung gagawin ko para sa story na 'to. Feel free to comment. And yun lang. Kbye.

*edited*

Entering All Boys' School (boyxboy)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ