Chapter 17

481 138 32
                                    

Aviana's Point of View.

"Kumusta naman ang first day niyo?" tanong samin ni Ms. Quinta. Kumakain kami ngayon ng dinner.

Gusto ko sanang sabihin na wala. Walang nangyaring maganda at walang mangyayaring maganda! But I was taken a back when I saw Drei looking at me. His cold look. Naalala ko ang kaninang pinag-usapan namin.

"Is it okay if we tell Ms. Quinta about this?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad sa hallway.

"No," mabilis na sagot ni Drei.

"Why?" I asked again. Confused. "Bakit naman hindi? Kapag nalaman niyang hindi maganda ang section na kinabibilangan natin. Baka ilipat niya tayo sa section nina Rainne, 'di ba?"

"Why are you making this thing big deal, Aviana?" Tumingin siya sakin. "Nakakalimutan mo na yata kung bakit tayo nandito at nakatira sa bahay na 'yon? Ipapaalala ko lang. Gusto nila tayong pahirapan. Gusto nilang may marealize tayo sa mga pagkakamali natin at kasama 'yon 'don. Kaya kung iniisip mo na sabihin 'to kay Ms. Quinta." Ngumisi siya, "Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo. You are wasting your effort."

"Bakit si Rainne? Sina Derek? Bakit sila nand'un?"

Humawak siya sa noo niya. Parang naiinis na siya sa kakatanong ko. "Hindi pa ba obvious na may paborito ang matabang 'yon? Kaya please, Aviana. Huwag ka nang magtanong. Sinasayang mo oras ko sa pagpapaliwanag sayo." Mas lalo siyang lumapit sakin, "Saka bakit ka ba natatakot? Are you that afraid to face people na katulad mo ang ugali?" Ngumisi na naman siya, "Takot sa sariling multo."

Napatungo ako. Bakit nasapol ako sa mga sinabi niya? Bakit feeling ko tama lahat ng sinabi niya. Takot nga ba ako na harapin mga taong katulad ko.

"Huwag ka nang mag-alala Aviana. Kung may mangyayaring hindi natin inaasahan. We're here, hindi ka naman nag-iisa." Hinawakan ni Cloud ang kamay ko. For the first nakita ko ang malumanay na mukha ni Cloud. I just smiled at her.

Nagising ako sa reyalidad ng magsalita si Drei, "Great. Okay naman. Madami kaming naencounter na tao. They are all great," sagot niya kay Ms. Quinta. Walang mababasang emosyon sa mukha niya habang nagsasalita.

"Good. Maayos naman talaga ang Anderson Academy. Sigurado akong wala kayong magiging problema," tumigil siya at saka tumingin samin. "Kaya kayo, huwag kayong gagawa ng gulo doon. Ayaw kong mapapatawag ako ni Mr. Anderson dahil lang sa may gulo kayong ginawa. Kapag nangyari 'yon. Sa labas kayo lahat matutulog."

I grinned. She's not aware of everything about the school. Ang nakikita niya lang ang ganda 'nun.

Mabilis kaming natapos sa pagkain. At ngayon ay kaming dalawa ni Thunder ang nandito sa kusina. Kami kasi ang naka-assign para maghugas ng pinggan. Magsisimula na sana akong magligpit ng pinagkainan pero nagulat ako dahil siya 'yong nagsimulang kumuha ng mga pinggan sa lamesa at naglagay 'non sa lababo, "Ako na, Aviana." Kinuha niya pa 'yong mga nasa kamay ko.

Wait? Nananaginip ba ako? Tama ba ang mga nakikita ko?

"Thunder, okay ka lang?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Oo naman. Bakit mo natanong?" Tumatawa pa niyang sagot.

Lumapit ako sa kaniya. "No. Hindi ka okay." Tinaasan ko siya ng kilay. "May sakit ka nuh?" Hahawakan ko sana ang noo niya pero lumayo siya.

When Brats Meets The Badass On viuen les histories. Descobreix ara