Chapter 22

334 81 23
                                    

Volt's Point of View.

"Uy pre. Sasama ka ba lumabas?" I asked Thunder. We had just finished our two subjects. Balak sana naming pumuntang cafeteria para kumain. Nakatayo na kami sa pintuan ng room pero nakaupo pa rin siya sa upuan niya. "Hindi ka ba nagugutom?"

"No, kayo na lang." He answered without even looking at us. Ano bang problema nang isang 'to?

Nang hindi namin siya napilit ay naglakad na kami. Nang mapadako ang tingin ko kay Drei ay binigyan na naman niya ako ng isang makahulugang tingin. He's pointing Snow. I just shook my head.

Dahil medyo malayo sakin si Snow ay binilisan ko ang lakad ko at nang marating ko siya ay hindi ako nagdalawang isip na akbayan siya. Nagulat pa siya dahil doon. "May naisip ka na bang pwede nating kainin?" I asked her as I played her hair.

"H-ha?"

Hinawi ko ang buhok ko at malambing na tumingin sa kaniya. "Libre ko na. Ano bang gusto mo? Ako mismo ang oorder."

Umiwas siya ng tingin, "Y-you don't need to do that. May pera ako. Ano ka ba?"

"Just let me. Ang liit lang na bagay nitong gagawin ko." Hinuli ko ang tingin niya. "Please."

"O-okay."

Tumuloy na kami sa cafeteria. Nang makaupo na silang dalawa ni Aviana ay sinamahan ako ni Drei na umorder ng kakainin namin.

"Ayos ba?" Nginisian ko si Drei.

"Mukhang mananalo ka. It looks like I need to prepare my bet?" He grinned.

"Hey, dude. Let's play a game."

Matutulog na sana ako nang tawagin ako ni Drei. Kaming dalawa lang ang nasa kwarto dahil lumabas si Thunder para kausapin ni Aviana. Asensado ang g*go. Siya na ang hinahanap ng mga babae.

"Ano namang laro? Huwag mong sabihing ngayong gabi mo pa naisip maglaro. Ano ka bata?" Tumawa ako.

"Tanga. Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Hindi mo ba napapansin? Walang thrilll ang buhay natin dito sa bahay. Naisip ko lang na bakit hindi tayo gumawa ng magiging libangan natin. Ano sa tingin mo?" Kumikindat-kindat pa siya na parang sobrang ganda ng naiisip niya sa mga oras na 'to. "Are you in?"

Napaisip naman ako. Kung sabagay maganda rin ang idea ng lokong 'to. "How about Thunder? Hindi ba natin siya isasali dito?"

"No. Sa larong 'to. Maganda na tayong dalawa lang ang nakakaalam. To be more challenging." Tumawa lang ako.

Sa huli ay pumayag na din ako sa gusto niyang mangyari.

Nakita kong kumuha siya ng papel at ballpen at nagsimulang magsulat. Natatawa pa ako dahil seryosong seryoso siya sa ginagawa niya. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya hanggang sa nakita kong pinunit niya 'yong papel.

"Pick one, dude." Pinakita niya sakin 'yong mga papel. May mga nakasulat doon pero hindi ko makita kong ano dahil nakaharap sa kaniya. Umiling-iling ako habang kumukuha.

"Sinong napili mo?" tanong niya sakin matapos kong makabunot ng papel.

Nang tingnan ko ay aga nangunot ang noo ko. "Anong gagawin ko kay Snow?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya. Ngumisi lang siya hanggang sa unti-unti ay may pumapasok na idea sa utak ko. Shit!

Agad akong tumayo. "Hey, dude. Hindi ko gusto 'yang iniisip mo."

Sa tagal na naming magkama dito sa bahay. Karamihan sa mga lumalabas sa bibig niya ay puro kabastusan. Alam ko na ang iniisip ng lalaking 'to.

When Brats Meets The Badass On viuen les histories. Descobreix ara