Chapter 20

364 82 15
                                    

Winter's Point of View.

"They are siblings."

Nagkatinginan kaming apat habang nakikinig sa mga sinasabi ni Carla. Nang mapadako ang paningin ko kay Philippe ay agad ko naman siyang inirapan. Hindi pa kami close.

'Yong mga babaeng nakabungguan ko kanina ay ang tinatawag nilang Queens. Medyo eww lang ha? Why the hell are they being called Queens? Queens pero mga mukha namang katulong? At hanggang doon na lang ba ang level ng pagtataray nila? Todo na 'yon? Hindi manlang nanindig ang mga balahibo ko sa pinakita nila.

'Yong leader nila na nagngangalang Caye ay 'yong anak ni Mr. Anderson na kapatid naman ni Carlo. At 'yong dalawa pang babae na kasama 'nung Caye. Wala, props lang sila.

"But they are not close as other siblings. You know why?" She started to move her body towards us. "Dahil anak si Carlo sa ibang babae ni Mr. Anderson."

So kaya pala ganun? Nang kaninang dumating si Carlo para sabihing hinahanap na ito ng ama nila ay ganun na lang ang naging reaction niya. She looks irritated at halos ayaw dumikit kay Carlo.

"Malandi naman pala si Mr. Anderson." Kusang umikot ang mga mata ko.

"Dont judge easily Winter. Hindi natin alam ang ibang dahilan kung bakit nangyari 'yon." Inayos ni Carla ang mga salamin niya. "Basta huwag na lang kayong maingay. Kunti lang kasi ang nakakaalam ng tungkol doon. So, please keep your mouth shut, okay?" Nginitian niya kami.

Tatayo na sana kami ng muling magsalita si Carla. "May mga damit na ba kayo?" Tanong niya samin.

"For what?"

Umirap sa kawalan si Carla, "Party. For Acquaintance Party."

___

Thunder's Point of View.

"Her favorite color is pink. She likes taking pictures and upload it on her social medias. Other than that. She's a famewhore." I was a little bit confused about her last word.

"Famewhore?"

"Yep. Famewhore si Snow dahil ayaw niyang nababawasan ang followers niya sa mga social medias niya." Tumawa siya. 'Yong tawang parang nang iinsulto. "She likes being admired by lot of people. It gives her satisfaction." Tumaas ang kilay niya at saka ngumisi.

Dahil sa mga ikinikilos niya ay bigla uminit ang ulo, "I do whatever you want, Aviana. Hindi ako nagrereklamo sa lahat ng inutos mo. Can you please do the same way?"

She crossed her arms. "Ano pa ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Kinaibigan ko si Snow just like what you said para malaman ang mga information na gusto mong malaman. Ano bang mali sa sinabi ko?" She raised her eyebrows.

"Tss. The tone of your voice is annoying. I don't like it." Tumayo na ako. Aalis na lang ako sa harapan niya dahil baka mamaya makalimutan kong babae siya. Baka may magawa akong hindi maganda.

I'm a short-tempered kind of person. She will not going to like it when I reached my limits.

Aalis na sana ako nang magsalita siya. "Wala pa siyang partner this coming Acquaintance Party." Tumigil ako at humarap sa kaniya.

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now