Chapter 15

437 137 36
                                    

Derek's Point of View.

Madaming nagbago simula nang mangyari ang araw na nagkagulo kaming dalawa ni Drei. Hindi lang kaming dalawa ang naapektuhan. Maging si Philippe at Rainne. Syempre kaibigan ko si Philippe kaya mas pipiliin niyang ako ang samahan. Lalo't alam naman niya na hindi ko kasalanan 'yong nangyari.

Everytime that we are encountering each other. Halos patayin na ako ni Drei sa mga titig niya. Kulang na lang ay magbaon siya ng kutsilyo sa dibdib ko. Masyado yata siyang nilamon ng galit niya dahil sa nangyari. Hindi niya ba naisip na in the first place ay siya naman ang may kasalanan?

Hindi kami nakaligtas sa parusa ni Ms. Quinta at parehas niya kaming pinatawag sa office niya. Pinagawa niya samin ang katulad nang ginawa niya kay Cloud at Snow. But it doesn't work. Masyadong matigas si Drei. Nanatili lang siya sa upuan niya while crossing his arms habang nakatingin ng deretso kay Ms. Quinta.

Kung ako ang tatanungin, okay lang sakin na magkaayos kami. I even said that it was my fault kahit hindi naman. Hindi ko sinabi ang tunay na dahilan ng pagkakasuntok ko sa kaniya dahil alam kong mag-pro-produce lang 'yon ng another issue. Mas lalong lalala ang sitwasyon kaya inako ko na 'yong nangyari pero imbis na matuwa siya hindi, e. Matigas talaga siya.

Sa huli, sumuko na si Ms. Quinta. Dahil hindi niya talaga magawang paki-usapan si Drei na ayusin 'yong nangyari. And as a result. Sa labas niya kami pinatulog nang gabing 'yon. Take note, wala kaming dala na kahit na ano. Sabay niya kaming pinalabas na halos ipagtulakan pa kami. Hindi ko naman masisisi si Ms. Quinta dahil alam ko namang nag-cross na kami sa limitation namin. Pagkalabas namin ay agad niyang sinaraduhan ang pinto sabay patay ng ilaw sa sala. Boom! Para kaming mga batang pinalayas ng mga magulang. Hahaha.

Akala ko pagkasara na pagkasara ng pinto ay susuntukin na naman ako ni Drei but I was wrong. Tumalikod ito sakin at doon siya nahiga sa kalsada. Without even thinking na sobrang lamig doon. Napailing na lang ako at the same time napatawa. Mukha Kasi siyang namamalimos sa lagay niyang 'yon.

Nahiga ako sa tapat ng pintuan ng bahay. Para akong aso na nakalugmok. I embrace myself dahil nararamdaman kong paunti-unti ay lumalamig na. Plus, ang dami pang lamok na kanina pa kagat-kagat sakin. Sarap na sarap sila sakin.

Sinilip ko si Drei. Mukhang tulog na agad siya. Natawa na naman ako sa isip ko. Paano siya nakatulog sa ganung posisyon at sitwasyon? Matutulog na din sana ako pero naramdaman kong dahan-dahang bumukas ang pinto. Maliit lamang na awang 'yon. Nagulat na lang ako ng may lumabas na kumot at unan. Sandali pa akong napatitig doon nang gumalaw 'yong kamay ng nag-aabot sakin. Para bang sinasabi niyang abutin ko na kasi baka makita siya ni Ms. Quinta at sa labas din patulugin kaya naman agad ko nang inabot. Kahit hindi ko makita ang mukha niya ay alam ko naman kung sino siya.

"Thank you, Rainne," sabi ko. "Goodnight."

Naghintay ako sagot niya pero wala akong nakuha. Sinaraduhan niya na 'yong pinto. Sa isip-isip ko ay nahihiya lang siya sigurong mag-goodnight at baka magising pa si Ms. Quinta. Napangiti na lang ako.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang mangyari 'yon at sa isang linggo na 'yon. Madami na ngang nagbago. Lagi na kami magkakasamang apat --- si Rainne, Philippe at ang mortal na kaaway nito, si Winter. I separated myseft from Drei hindi dahil sa natatakot ako kundi ayaw ko ng gulo. At dahil doon parang lumayo na din ako dun sa dalawa. Kay Thunder and Volt.

Kapag lumamig ang sitwasyon kakausapin ko din silang dalawa.

Ngayon ay kabababa lang namin sa trike na sinakyan namin. Nasa harapan na naman kami ng malaking gate na kulay blue, na kailan lang ay pinuntahan namin. It is our first day sa bagong school na papasukan namin. And yeah, aaminin ko na medyo nakaka-excite dahil lahat bago, bagong classmate, bagong environment at bagong magiging kaibigan. Pero, ewan ko lang sa katabi ko ngayon kung pati siya ay excited.

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now