Chapter 58

80 8 2
                                    

Volt's Point of View.

Hindi ko naabutan si Rainne nang bumalik ako sa upuan na pinag-iwanan ko sa kaniya. Tumingin ako sa paligid para e-check siya pero hindi ko siya nakita. Umupo na lang ako at hinintay siyang makabalik. Baka kasi naisipan niyang gumamit muna ng cr sandali. Hindi ko muna ginalaw ang in-order kong pagkain para sana sabay na kaming kumain 'pag bumalik na siya.

Lumipas ang bente minuto pero hindi pa rin siya bumabalik. That's something strange. Kung gumamit siya ng cr, sana nandito na siya ngayon.

We still have fifteen minutes before the break ends. Naisip ko na baka naman pumunta lang siyang clinic para humingi ng gamot. I know she's still suffering from headache because of what she did last night.

Hindi ko na ginalaw ang pagkain na in-order ko at napagpasyahan nang maglakad palabas ng cafeteria. Pupuntahan ko siya sa clinic kung nand'un man siya. I should check on her. Sa paglalakad ay nakasalubong ko sina Derek na mukang papasok pa lang ng cafeteria. Mukhang late na sila mag-break.

"Saan ka?" Aviana asked me.

Sasabihin ko sana na hahanapin ko si Rainne. Pero nagdadalawang-isip naman ako. Baka kasi bigla na lang silang magpanic at mag-isip ng kung ano. I'm still not sure if my assumption is correct. Kaya hindi rin ako kinakabahan.

"A-ah, sa room. Malapit na rin kasing mag-time. Kayo?"

It seems like we're so close in a way we exchange conversation. Well, sa kabilang banda. Maganda na rin na ganitong magkakaayos kami. Hindi man ganun kaayos at least nakakapag-usap kami ng ganito. That answered why Thunder chose them over Drei and I. Hindi ko rin siya masisisi ngayon na nakita ko na ang sagot. Ibang iba ang trato nila sa isa't isa. Malayong malayo sa mga ipinapakita ni Drei.

"Ah, ngayon pa lang kami magte-take ng break. Kakatapos lang kasi ng quiz namin."

"Gan'un ba? Sige. Kailangan ko na ring umalis. Mahirap nang ma-late." Paalis na sana ako nang bigla namang magsalita si Derek.

"Where's Rainne? Bakit hindi mo siya kasama?" At first. Hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata ni Derek. Alam ko kung gaano naging mahalaga si Rainne sa kaniya at kapag sinabi ko sa kaniya na hahanapin ko si Rainne. Gaya nga ng sinabi ko kanina. Baka magtaka sila at mag-isip na ng kung anong bagay. Kailangan kong makaisip ng palusot para hindi sila mag-alala.

"Gumamit siguro nang cr."

"Hindi ka sigurado?"

That slapped me that my excuse was not convincing.

"Ah kasi..."

"May hindi ka sinasabi sa 'min." They were looking at me now as if they were saying that I should say what happen. Humugot ako ng isang buntong hininga bago sumagot sa kanila.

"Okay. Hindi pa ako sigurado pero kasi." Still nag-aalalangan pa rin ako. "Sabay kaming pumuntang cafeteria ni Rainne nang matapos ang second subject namin para kumain. Iniwan ko muna siya sandali sa napili naming pwesto para um-order ng makakain namin kasi alam kong nahihilo pa siya. Pero nang bumalik ako, hindi ko na siya naabutan. Hindi ako nag-alala kaagad dahil inakala kong gumamit lang siya ng cr sandali pero lumipas ang ilang minuto na hindi pa rin siya bumabalik."

Nagsimula silang magkatinginan matapos kong magsalita.

"Pero huwag kayong mag-alala. Pupunta akong clinic para e-check kung nand'un siya. Baka kasi pumunta siya doon para humingi ng gamot o kaya'y nagpahinga siya doon sandali. Alam niyo naman ang mga nangyari kagabi."

Sinubukan kong ngumiti sa kanila para kahit papaano'y maging magaan ang pakiramdam nila at huwag mag-alala pero mukhang hindi 'yon umobra. Still, mababakas sa mga mga mukha nila ang pag-aalala.

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now