Chapter 62

113 11 7
                                    

Volt's Point of View.

I didn't know how many times did I  blinked my eyes just to convinced myself that the figure of a woman who's currently standing next to my co-housemates was not real and I was just in a midst of dreaming.

Pero halos mapatalon ako sa gulat nang akbayan ako ni Philippe mula sa likuran. "Aren't you going to welcome her now she's back?" Bulong nito sa 'kin.

Mahina ko siyang itinulak palayo.

How am I going react? Kahit gusto ko siyang lapitan at kamustahin ay sarili ko na mismo ang pumipigil sa 'kin. Hindi ako tanga na kakamustahin siya na parang walang nangyari. I know what I did to her was something that is not easy to forget. That was the reason I don't know what I would do.

Napainom na lang ako sa hawak kong mineral water. Shit! She really is here.

"How are you, Volt?"

I spit the water inside my mouth when she mentioned my name. Plus the fact the she was staring at me. That was enough for me to froze from where I am standing. Dahil doon ay nagtawanan ang iba naming kasamahan. Pinahid ko ang tubig na kumalat sa mukha ko. That was embarrassing.

"She was asking you Volt. Hindi mo manlang ba siya kukumustahin pabalik?" Tinitigan ko lang ng masama si Philippe. Let me punch you just this once.

"I'm okay. H-how about you?" Sinusubukan kong makipagtitigan sa kaniya pero kahit 'yon ay hindi ko magawa. Mabilis akong napapabaling sa ibang direksyon kapag napapatingin siya sa 'kin.

Ganito ba kapag guilty ka?

"I'm more than okay. Thanks for asking."

Inakala ko na kakausapin niya pa ako pero sa iba na napunta ang atensyon niya. That relieved me.

"Bakit ka nga ba nandito ngayon, Snow?" tanong sa kaniya ni Ms. Quinta. "Paano mo nalamang nandito ako sa hospital?"

"Someone had called my mom about happened here Ms. It was a friend of her. Gusto sana nilang sila na mismo ang bumisita but I insist na ako na lang ang mag-check sa 'yo if you're okay. Pero mukhang okay na naman po kayo," nakangiting sagot niya.

Ilang beses kaming nagkakatinginan ng iba kong kasama sa tuwing sasabihin ni Snow ang salitang po sa pakikipag-usap niya. Maging si Ms. Quinta ay mukhang hindi sanay sa naririnig.

"'Yon lang ba ang ipinunta mo rito?" tanong ulit sa kaniya ni Ms. Quinta.

"Actually, there's another thing why I'm here..."

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Base sa pananalita niya. Parang may kinalaman sa 'kin kung bakit siya nandito ngayon.

Hindi malabong nandito siya para gantihan ako sa ginawa ko sa kaniya. Muli kong binuksan ang hawak kong mineral water at muling ininom 'yon.

"I want to back Ms. Quinta. Gusto kong tapusin ang kontrata niyo ng magulang ko. Gusto ko na ulit tumira sa bahay niyo."

For the second time. Muli ko na namang naibuga ang tubig sa loob ng bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tama ba ang narinig ko?

"S-sigurado ka ba?"

"If you were still thinking about my condition..." Sumulyap siya sa 'kin. Kumurba ang ngisi sa labi niya nang magtama ang paningin namin. "I'm already fine. Wala na sa 'kin ang nangyari sa 'min ni Volt. But it doesn't mean that I already forgive him."

I gulped the lump in my throat. That was straight forward! Pakiramdam ko ay bigla akong pinawisan kahit malamig dito sa loob.

"Masaya ako na naglaan ka ng oras para kumustahin ako pero..." Naging malungkot ang reaction ng mukha ni Ms. Quinta. "Pero, ito na ang huling araw nila sa bahay. Mamaya lang ay darating na ang mga magulang nila para iuwi sila. Kaya hindi ko magagawa ang gusto mong mangyari."

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now