Chapter 4

735 294 360
                                    

Rainne's Point of View.

Ganun na ba talaga kaliit ang mundo para muli kong makita ang lalaking 'yon? 'Yong mayabang na lalaki na 'yon? At anong ginagawa niya dito? Namin dito?

Pagkapasok namin sa loob ay agad nanlaki ang mga mata ko. Bakit ang daming tao dito? May mga dala din silang maleta at mga gamit. Don't tell, ipapadala kami sa Hogwarts para maging estudyante doon? Mabuti sana kung ganoon nga ang mangyayari. I would be so much grateful.

Tapos 'tong magaling kong ina. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya mapakali sa kinalalagyan niya. Panay ang tayo niya at pakikipag-usap sa ibang tao dito na as if sobrang close nila. I rolled my eyes.

Tumayo ako at saka nilapitan siya. "Umayos ka nga, nakakahiya ka." Bulong ko sa kaniya. Hello? Hindi manlang ba siya nakakaramdam ng hiya?

"Ano bang nakakahiya sa ginagawa ko Rainne?" Tanong pa niya sakin.

Hinila ko siya sa gilid, "Feeling close ka kasi. As if naman kakilala mo si--

"Kakilala ko sila. Matagal na." Natigilan ako sa sagot niya. Nakita ko na lang na umalis na siya sa tabi ko at muling bumalik dun sa babaeng kausap niya.

Okay.

Umupo na lang ako sa upuang malapit sakin at pinagmasdan na lang ang kabuuan ng bahay.

This house is so boring, old fashioned and low class. Sino man ay hindi magkakagustong manirahan dito.

Nakita ko na lang na naglalakad na si Mama papunta sakin at para naman malaman ko kung bakit talaga kami nandito ay agad akong tumayo at hinarap siya. "Ano bang ginagawa natin dito? Bakit ang dami-daming tao?" Naiinis na tanong ko sa kan'ya.

"Hindi ba sinabi ko na sayo bago pa lang tayo umalis ng bahay? Na lilipat ka ng bahay kung saan wala ako? Hindi ka ba masaya?"

"Masaya." Mabilis na sagot ko sa kaniya. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin niya sakin pero wala akong pakialam. "Pero hindi mo sinabi sakin na sa bulok na bahay mo ako papatirahin."

"M-may purpose Rainne kung bakit dito ka pansamantala maninirahan. Alam kong magagalit ka sakin ngayon. Pero sana dumating ang araw na kapag matagal ka na dito. May marealize ka." Dere-deretso niyang sabi. Muling umikot ang mata ko sa mga sinabi niya. Ano naman kayang realization ang mangyayari sakin dito?

"You know what? Bahala ka. Saka, tama ka. Mas mabuti na siguro na nandito ako na hindi kita kasama." Inirapan ko siya atsaka siya tinalikuran.

Lalabas sana ako para magpahingin pero ng agad din akong napatigil sa kinatatayuan ko ng makita ko na naman ang lalaking 'yon. Nakatayo siya malapit sa pinto habang nakangiti at nakatingin sakin.

That boy again! Everytime na makikita ko siya simula nang maencounter ko siya ay kumukulo dugo ko. Punyeta!

Hindi ko nga kasama ang nanay ko pero mukhang makakasama ko naman ang isang 'yon dito!

___

Cloud's Point of View.

Habang tumatagal ay unti-unting napupuno ang loob ng bagong bahay na nalilipatan ko at hindi ko alam kung anong meron kung bakit ang dami-daming nilang nagdadatingan dito

Karamihan ay may mga dalang gamit at kung hindi ako nagkakamali ay siyam ang kaedad ko dito. Ang iba ay ang mukhang ka edad na ni Dad na malamang pa sa malamang ay mga magulang din.

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now