Chapter 37

102 8 4
                                    

Philippe's Point of View.

"Loko, kaya pala galit na galit 'yong tao kanina kasi gan'un pala ginawa mo. Pati tuloy kami nadamay sa kalokohan mo." Umiiling-iling si Thunder habang natatawa.

"I don't have any choice. Pinapahiya na niya ako sa buong Club. Hindi naman pwedeng pabayaan ko na lang na masira ang reputasyon ko. Syempre kailangan kong depensahan ang sarili ko," pangangatuwiran ko sa kaniya.

"At 'yon talaga ang naisip mong gawin?" tanong naman ni Derek.

Natawa na lang ako, "'E 'yon ang inutos ng utak ko, e. Wala akong magagawa d'un."

"Pero aminin mo. Ginusto mo rin 'yong ginawa mo ano?" Mapang-asar pa akong kinakatyawan ni Thunder. "Aminin mo."

Natawa na lang ulit ako. "Sort of."

Bigla na lang niya akong binato ng unan. "Naku! Mukhang diyan magsisimula ang pag-iibigan niyong dalawa, bro HAHAHA."

Ibinato ko rin sa kaniya 'yong unang binato niya sa'kin. "LOL! Hindi nuh. Asa naman. Hindi ko maimagine na kasama siya sa iisang bubong na kami lang dalawa. Gyera 'yon kapag nagkataon. Baka kayo ni Aviana."

"Oh, ano namang meron sa'min ni Aviana?"

"Balita ko kasi ay pinopormahan mo na siya." Umiling ako. "Ikaw ha?" Siya naman ang kinatyawan ko.

"Fake news 'yan! Gusto ko lang asaring 'yong babaeng 'yon kaya nakikipagbati ako sa kaniya."

"Alam niyo? May napapansin akong kakaiba sa inyong dalawa." Biglang pagsasalita ni Derek. Napatingin naman kaming dalawa sa kaniya. "Ano naman 'yon?" Halos sabay naming tanong.

"Hindi porque naging tahimik ako nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na mapapansin 'yang mga galaw niyo ngayon." Umiiling-iling siyang umupo sa higaan niya.

"Ano nga 'yon?" Natatawa pa ring tanong ni Thunder.

"Sus. Huwag ka na ngang magkunwari diyan. Parehas lang kayo nitong si Philippe. Kunwari aayaw-ayaw sa babae pero gusto rin naman."

Nagkatinginan kami ni Thunder at sabay na parang inisip kong anong lumalabas sa bibig ngayon ni Derek. "Anong ibig mong sabihin?"

"Magmamaang-maangan pa ba tayo? Ibang iba na 'yang mga reaction niyo kapag si Aviana at Winter ang pinag-uusapan natin. Iba 'yang mga ngiti niyo sa mga mukha niyo. Mukha kayong mga asong nauulol!" Natawa siya. "Parang nabaligtad na ang mundo. Dati asar na asar kayo sa dalawa. Ngayon naman parang ang saya-saya niyo na dahil sa kanila. Hay. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig."

Siya naman ang binato ng unan ni Thunder. "Ewan ko sayo, bro haha. Kung anu-ano iniisip mo. Basta ako matutulog na ako. Sigurado akong maaga na naman tayong gigisingin ni Ms. Quinta bukas dahil sa mga gawaing bahay." Pagkatapos ay nahiga na si Thunder. r

"Mabuti pa nga. At ikaw Derek, itulog mo na rin 'yan. Kung anu-ano naiisip." Nahiga na rin ako.

"Bahala rin kayo. Basta totoo 'tong napapansin ko sa inyo. Sa'kin pa ba kayo magtatago?

Pagkatapos naming mag-usap ay mukhang nahiga na rin si Derek. Loko rin 'yong lalaking 'yon. Kung anu-ano napapansin. Iba 'yong saya? Mukha ba akong masaya sa lagay kong 'to?

When Brats Meets The Badass Onde as histórias ganham vida. Descobre agora