Chapter 9

592 229 113
                                    

Volt's Point of View.

Nang matumba si Snow ay agad ko siyang binuhat para dalahin sa loob ng bahay habang 'yong mga dala niya ay iniwan ko muna sa labas.

Pagkapasok ko ay nagtayuan sila ng makitang buhat-buhat ko si Snow. Kita sa mukha nila ang pagtataka kung anong nangyari. Nagulat naman ako ng biglang tumakbo si Thunder sa direksyon naming dalawa.

"Anong nangyari?" Sobrang nag-aalala ang mukha niya.

"Hindi ko alam." Sagot ko. Inilapag ko siya sa malapit na sofa habang itinapat naman ni Winter sa kaniya 'yong electric fan. At nang mailapag ko na siya ay agad kong hinanap si Cloud para tanungin sa kaniya kung ano ang nangyari kanilang dalawa.

Pero hindi na ako nakalapit nang makita kong si Thunder na 'yong lumapit dito. "Anong ginawa mo Cloud?!" Pasigaw na tanong nito kay Cloud at saka hinawakan ang mga braso nito. Dahil doon ay namula si Cloud. Kaya bago pa man may mangyaring hindi maganda ay lumapit na ako sa kanila, "Hey guys. Huminahon muna kayo. Mas mabuti kung magiging kalma lang tayo." Sa tingin ko ay natauhan si Thunder at unti-unti na niyang tinanggal ang mga kamay nito kay Cloud.

"Ano bang nangyari sa inyo? Bakit nagkaganun si Snow, Cloud?" I asked.

"Okay fine! Hindi ko kasalanan kung bakit s'ya nagkaganyan, okay? Sinunod ko lang naman 'yong gusto niyang mangyari. Kaya huwag ako ang sisihin niyo!" Pagkasabi n'un ay umupo siya sa hagdan atsaka sinabi ang nangyari sa kanilang dalawa.

"Masaya na ba kayo?" Tanong nito ng maekwento niya ang lahat.

"Bakit hinayaan mo lang sya? Alam mo namang mabigat yun at hindi sanay yung tao diba?" Tanong naman ni Thunder.

"Hindi ko na kasalanan yun! Ano ba?! Sinabi ko na lahat di 'ba? Bakit hindi na lang siya ang tanungin mo pag gising niya?" Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad pataas sa kwarto. At nang mawala siya sa paningin namin ay kami naman ang nag-usap-usap.

"You know what? Kung saan akin ginawa ni Cloud 'yon? Hay naku, masasabunutan ko siya!" Sabi ni Aviana.

"Huwag na kayong magbigay ng side comments okay? Hintayin na lang natin si Ms. Quinta. Siya na lang ang bahala sa kanilang dalawa." Sabi naman ni Rainne.

"Teka? Asan na nga pala 'yong matabang 'yon?" Napakibit-balikat na lang ako sa tanong na 'yon ni Derek.

"May kailangan daw siyang ayusin. Something about sa papasukan nating school." Sabi naman ni Winter.

Sandali na kaming natahimik. Nabasag lamang ng biglang magsalita si Thunder.

"Dadalhin ko muna si Snow sa kwarto namin." Sabi nito. Bigla nitong binuhat si Snow pero bago pa man siya makapaglakad ay napigilan pa siya ni Winter.

"Teka bakit sa kwarto nyo?" Tanong nito.

"Baka naman kung anong gawin mo diyan?" Dugtong pa ni Rainne.

Humarap naman si Thunder sa kanila. "Kung sa kwarto n'yo ko dadalhin 'tong si Snow baka hindi lang siya himatayin, baka matuluyan pa siya. Nasa kwarto niyo si Cloud di 'ba?"

I get his point. Tama naman. Baka nga kung ano pang gawin ni Cloud dito. Pagkasabi n'un ay tumalikod na siya at nagpatuloy nang maglakad.

When Brats Meets The Badass Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum