Chapter 25

260 36 1
                                    

Volt's Point of View.

Uwian na. Hindi namin kasama ngayon si Aviana at Cloud dahil dinala nila ito sa clinic matapos nang nangyari. Hindi na ako magtataka na baka isang araw siya naman ang makaranas ng dinanas ni Cloud. We warned her. Matigas lang talaga ang ulo niya.

"Hey, Thunder, you should talk with your baby. Baka madamay siya sa ginawang gulo ni Cloud." I was expecting that he's going to answer me but he's not. Hanggang ngayon ba ay badtrip pa rin siya? Kasi kung oo, ang lakas makahawa ng bad vibes niya. Nababadtrip na rin ako!

Hindi ko maintindihan kung bakit simula nang sabihin kong si Snow ang makakapartner ko sa party ay hindi na niya ako kinausap.

"Sabihin mo nga. May galit ka ba sakin?" Natigil kami sa paglalakad. "Thunder, kinakausap kita. Huwag kang bastos."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Snow at Drei sa'ming dalawa.

"What's this all about? Nag-aaway ba kayo?" naguguluhang tanong ni Snow. Hindi ko siya sinagot.

"You are talking nonsense."

Lalong uminit ang ulo ko dahil sa sinagot niya. "Nonsense? Ikaw ang nonsense. Hindi mo pa ako sinasagot sa tanong ko sa'yo. Tell me. May galit ka ba? Kanino? Sakin?"

"Ano bang gusto mong isagot ko sa tanong mo?" Lalapit na sana ako sa kaniya para birahin ang mukha niya pero napigilan ako ni Snow.

"Can you please stop! Ano bang nangyayari sa inyo? Aapat na nga lang tayo. Nag-aaway-away pa kayo!" Pagpipigil ni Snow. Si Drei ay nakatingin lang samin.

Tumawa ako, "I get it. Is it because of Snow?" Biglang nanlaki ang mata ni Snow dahil sa sinabi ko.

"Bakit nadamay ako?" Hindi ko siya nilingon. Nananatili akong nakatingin kay Thunder.

"Tell me. Dahil ba kay Snow?"

Hindi pa rin siya nagsasalita. Mas lalong uminit ang ulo ko. "I just want your fvcking answer, Thunder."

Imbis na magsalita siya ay tinalikuran niya ako. Bastusan ba ang gusto niyang mangyari?

"Hey." Sa huling pagkakataon ay lumingon siya. Ngumisi ako. Ayaw mong sabihin ha?

Agad kong hinapit ang bewang ni Snow at inilapit siya sa katawan ko. Hindi na ako nagdalawang isip pang gawin ang gagawin ko pero bago ko ituloy 'yon ay tumingin muna ako kay Thunder at ngumisi. Agad kong hinalikan si Snow sa harapan nilang dalawa. Ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko pero wala na siyang magagawa. Ilang segundo kaming nasa posisyon na gan'un bago ako lumayo kay Snow. Nanlalaki ang mga mata niya.

"Hindi naman dahil sa kaniya 'di ba? Kaya okay lang ang ginawa ko." Ngumisi ako. "Anyway, bago ko makalimutan." Hinawakan ko ang kamay ni Snow. "I just want to inform you that she said yes. Yes, she's my girlfriend."

___

Rainne's Point of View.

Nang makarating kami sa bahay ay dinala agad namin si Cloud sa kwarto para makapagpahinga. "Kapag may kailangan ka. Sabihan mo lang kami," sabi ko bago lumabas ng kwarto.

Nandito kami ngayon sa sala. Hindi pa kami nakakapagpalit ng uniform namin. Wala pa 'yong apat. Sana lang ay huwag na silang dumating pa. Umiinit ang ulo kapag naiisip kong wala silang ginawa para ipagtanggol si Cloud. Coward!

"I'm sorry. I really tried to stop them, pero natatakot ako. Masyado silang madami." Kanina pa humihingi ng tawad si Aviana dahil sa nangyari.

"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. At least may ginawa ka pa rin naman para kay Cloud," sagot sa kaniya ni Derek.

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now