Chapter 47

69 8 0
                                    

Snow's Point of View.

The moment when Drei took him out. It was also the time I chose to escape from the sight of the crowd around me. Kahit pakiramdam ko ay sobrang hina ng tuhod ko at wala ng lakas ay pinilit ko pa ring tumayo. Pinahid ko ang mga luha sa mata ko at patakbong nakipagsisikan sa kumpol ng mga tao. Ang dami kong nababangga pero wala na akong pakialam doon! Ang gusto ko lang, makaalis sa paningin nilang lahat!

Habang tumatakbo ay unti-unting nawawala sa pandinig ko ang tugtug na nanggagaling mula sa bahay ng mga Anderson. Nang lumingon ako ay malayo na nga ako sa lugar na 'yon. Malayo na ako sa kanila. And that indicates me to stop from running.

Unti-unti kong isinalampak ang sarili sa malamig na kalsada. Walang tao, tanging ako lang. Ang pakisap-kisap lamang na ilaw na nanggagaling sa poste ang siyang nagbibigay liwanag sa lugar kong nasaan ako ngayon. Sobrang tahimik dito. Ang ingay lang na naririnig ko ay ang mga huni ng kung anong mga hayop sa paligid. I'm alone. I embraced myself when a cold brezze suddenly covered my whole body.

Sinapo ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko nang maramdaman kong aagos na naman ang mga luha sa mga mata ko.

Why Volt? Why?

I was hoping that it's just one of my nightmare. Na mamaya lang ay gigising ako at magiging maayos na ulit ang lahat, but it's not. Totoo ang lahat. Totoo ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na 'to at totoong wala na kami. Wala na kami ni Volt. 'Yong lalaking nangako sa 'kin na ipagtatanggol ako. Siya rin pala ang mananakit sa 'kin ng husto. Sobrang sakit!

Hindi ko tuloy maiwasang hindi magtanong sa sarili ko. Bakit nagawa niya sa 'kin 'yon? Bakit siya nakipaghiwalay sa 'kin sa ganoong paraan? Did I do something wrong to make him do it? Kung oo. Magiging okay lang sana sa 'kin kung sa private niya ako kinausap. Pag-usapan namin ng maayos. Kahit masakit at least hindi ganito na napahiya pa ako sa harap ng maraming tao.

Is this a some kind of game of him and Drei? Kasi kung oo? Ang laki kong tanga para hindi mahalata 'yon. Masyado akong napaniwala ng matatamis niyang salita.

I was in the midst of crying when I suddenly felt that there's someone behind me and that made me to stop from what I'm doing. Dumaloy ang kaba sa buong katawan ko.

Sino ba naman kasing tao ang basta na lamang susulpot sa ganitong lugar nang ganitong oras? Mas lalong nadagdagan ang kabang naramdaman ko nang tumikhim ito. Lalaki.

Kung masamang lalaki man ang nasa likuran ko sa mga oras na 'to. Please, don't kill me. I still want to live. Kahit na gan'un ang nangyari, I still want to live longer.

"A-are you okay, Snow?"

Unti-unting nawala ang kabang naramdaman ko ng ma-bosesan ko ang may-ari ng boses na 'yon. Pinunasan ko ang pisngi ko bago tumayo at humarap sa kaniya.

"Bakit nandito ka? Ano? Para ipamukha sa 'kin 'yong nangyari? Go! Hindi kita pipigilan." Tuloy-tuloy na sabi ko sa kaniya at dahil doon ay muli namang nangilid ang luha ko. "Siguro masaya na kayo ngayon dahil sa nakita niyo nuh? Siguro pinagtawanan niyo na ako."

Lumapit siya sa 'kin pero umurong ako kaya natigilan siya sa paglapit. Tuwid siyang tumingin sa 'kin. "I don't know why am I doing this but... Can we go home? Hindi magandang mag-isa ka rito sa gitna ng kalsada at mag-isa. Masyadong dilikado."

Tumawa lang ako dahil sa sinabi niya. "Sino bang nagsabing sundan mo ako  rito? Kung gusto mong umuwi, umuwi kang mag-isa. I don't need you here, Thunder. I don't need your help." I bit my lower lip to stop me from crying. Ayokong magmukhang kaawa-awa sa harapan ng lalaking ',to. "Hindi mo ako kailangang kaawaan kung 'yan ang nararamdaman mo sa 'kin sa mga oras na 'to dahil hindi ko kailangan ng awa mo!" Lumapit ako sa kaniya. "Go!" I pushed his chest as hard as I can. "Go away! Hindi ko kailangan ng tulong niyo!"

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now