Chapter 28

206 29 0
                                    

Rainne's Point of View.

We wake up early today. We discussed yesterday that we would be going to Carla's house to see what her Mom did that we would wear to the Acquaintance Party. Wala rin namang klase ngayon dahil busy ang lahat. Dadaan na rin kami sa Mini Mall para bumili ng mga kakailanganin namin bukas. Yes, bukas na ang party.

Aside from we're all excited to the upcoming Party. Hindi na rin kami makapaghintay pang makita ang mga mangyayari bukas. Siguradong mapapahiya ang dapat mapahiya. Everything is settled. Hindi kami makakapayag na mananahimik na lang kami sa nangyari at ginawa nila.

Nagpaalam na kami kay Ms. Quinta na aalis na kami at nang sabihin namin sa kaniya na pupunta kami sa lugar nina Carla ay hindi na siya nagtanong pa. Pinayagan na niya kami agad na umalis.

Kasama rin namin sina Derek.

Nakita ko si Cloud na tumitingin sa kaniya. Kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Naalala ko kasi ang nangyari n'ung isang gabi, dahil hindi kami makatulog pare-parehas. Naisip namin na maglarong apat. Para kaming mga bata. Isasali pa sana namin 'yong tatlong lalaki pero baka tulog na sila.

Spin the bottle ang laro namin. Kung saan tatapat ang head ng bottle ay pipili sa Truth or Dare.

Sa unang ikot ay kay Winter tumapat. Ako ang nagtanong sa kaniya. "Truth or Dare?"

"Truth."

"Hmm. May chance ba na magkaroon ka ng feelings kay Philippe? 'Yong totoo ha?"

Biglang sumimangot ang mukha niya, "Alam niyo kasi gwapo naman si Philippe. Talented pa. Magaling kumanta at sumayaw. Lahat na siguro ng katangian ng lalaki ay nasa kaniya na. Kaso hindi naman siya lalaki. Kaya no! Not ever!"

"Hoy. Cute naman si Philippe, ah," sabi ni Aviana. "Saka saan ka ba nakakuha ng dahilan para tawagin siyang bakla? Baka kasi mamaya magulat ka na lang sa kabibiro mo sa kaniya. Bigla ka na lang niyang halikan."

Dahil magkalapit lang silang dalawa ay mabilis siyang pinalo ni Winter, "Yuck! As if naman nuh? Saka bago niya magawa 'yon baka nasuntok ko na siya sa mukha."

Sa pangalawang pag-ikot ay kay Aviana naman tumapat. Si Winter ang nagtanong sa kaniya. Truth din ang pinili niya. "May something ba sa inyo ni Thunder? Aminin!"

"To be honest. Wala. 'Yong mga nakita niyo n'ung nakaraan ay wala lang 'yon. Sinabi ko na sa inyo di ba? He just asked me a favor. Saka alam niyo ba na boring siya?"

"Boring? 'E sa kanilang lima dito. Siya na yata ang may pinakamalakas na appeal. Ang taas naman ng standard mo!"

"Oonga." Pag-ayon ko sa sinabi ni Winter.

"He's boring cause he doesn't know how to seduce! Gusto ko kasi sa lalaki 'yong pagpapawisan ako ng sobra sobra kapag nagpakita siya ng katawan. E n'ung nakaraan. Nakahubad na siya sa harap ko. Wala manlang akong naramdaman. He's boring!" Siya naman ang binatukan ni Winter.

Pinaikot ko na ulit 'yong bote. Ngayon ay kay Cloud naman ito nakatapat. Si Aviana ang nagtanong sa kaniya at gaya ng dalawa ay truth ang pinili niya.

"Sa lahat ng lalaking kasama natin dito sa bahay. Kanino ka unang na-attract? 'Yong unang na-captured ng mga mata mo at unang tumibok ang natutulog mong puso."

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now