Chapter 39

77 7 0
                                    

Rainne's Point of View.

Naririnig at nakikita ko ang bawat galaw ng mga kasama ko rito sa bahay pero mas pinipili kong tumahimik na lang at huwag makialam. Kahit gustong gusto kong makipag-usap sandali sa mga kaibigan ko para kamustahin sila ay hindi ko magawa. Kahit patago.

Kahit kasi sabihin na nasa bahay kami ngayon ay nandiyan pa rin ang mga mata ni Drei. Nakabantay pa rin sa lahat ng gagawin ko. 'Pag hindi si Drei ay si Volt naman.

Ayaw na ayaw nilang makipag-usap ako sa kina Winter.

Akala mo naman ay may gagawin akong isang krimen sa ginagawa nilang pagbabantay sa'kin. Kung gagawa man siguro ako, iyon ay ang paslangin na lang silang dalawa nang mawala na ang existence nila dito sa mundo. Tutal wala rin naman silang naidudulot na maganda, edi mas magandang mawala na lang sila. Kung hindi lang talaga kasalanan ang pumatay ay matagal ko nang ginawa 'yon. Wala rin naman silang kakwenta-kwenta.

Katulad na lamang kanina habang namamalengke. Kung minamalas ka nga naman ay si Drei pa ang nakasama ko doon. Si Snow sana ang makakasama ko pero nag-insist si Drei na siya na lang daw para mayroong magdadala ng lahat ng bibilhin namin. Kaya ayon, pinayagan siya ni Ms. Quinta.

Okay sana kasi akala ko totoo 'yong mga sinabi niya pero wala 'e. Puro kasinungalingan ang lahat ng 'yon. Sa dinami-rami ng pinamili namin ay hinayaan niya lang ako na magdala ng lahat ng 'yon. Samantalang siya, ang tanging ginagawa lang niya ay ang panoorin ako habang hirap na hirap sa pagdadala sa lahat ng pinamili namin.

Napakawalang hiya!

Tumulong na lang siya nang nasa harapan na kami ng bahay. Ang galing 'di ba? Napakagaling.

Nang tanghali na tapos na kaming kumain ng tanghalian ay dumeretso ako sa kwarto namin para matulog at magpahinga. Pero bago ako makapasok sa kwarto ay nakita kong nag-uusap si Drei at Snow. Nang makita nila akong paparating ay nginisian ako ng walang hiyang si Drei. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Kahit hindi ko narinig ang pinag-usapan nilang dalawa ay alam kong pinababantayan niya na naman ako.

Hinayaan ko na lang sila at pumasok na sa kwarto.

Matutulog na sana ako ng marinig ko namang nag-uusap sina Cloud about sa kung saan. Tinatanong siya ni Winter kung saan siya pupunta kasi mukhang may lakad ito. Pasimple naman akong natawa ng sabihin niyanfmg secret daw. May nalalaman na siya ngayong secret secret ha? Siguro ay may date sila ni Derek.

Agad namang nawala ang ngiti ko ng biglang pumasok sa isip ko si Derek. Kamusta na kaya ang lalaking 'yon?

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang marinig kong parang nagkakagulo sa labas ng kwarto namin kaya napabikwas agad ako sa higaan ko. Anong nangyayari?

Palabas na sana si Winter nang pigilan ko siya. Napatingin pa siya sa kamay kong nasa braso niya. Hindi naman siguro masamang magtanong sa kaniya kung ano nangyayari at bakit mukhang nagkakagulo. "Anong nangyari?"

"S-si Derek. Sinugod siya sa hospital."

Bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ni Winter.

S-si Derek?!

___

Sina Cloud ang sumama kay Ms. Quinta nang ihatid nila si Derek sa hospital. Ang taas daw ng lagnat niya kaya dinala siya sa roon. Nabawasan naman ng kaunti ang pag-aalala ko sa kaniya nang ibalita nila na medyo okay na siya. Bumaba na raw ang lagnat niya.

Gustuhin ko mang pumunta doon para bisitahin siya ay hindi ko rin magawa. Bukod sa mainit ang mata sa'kin ng tatlong kontrabida sa buhay ko ay hindi pa rin ako ready na kausapin siya. Baka kasi galit pa siya sa'kin. I'm just hoping na gumaling agad siya.

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now