Chapter 41

76 5 0
                                    

Thunder's Point of View.

Uwian na namin ngayon. Mag-isa ko lang nilalakad ang hallway habang iginagala ang paningin ko sa bawat madaanan ko. Ipinatawag kasi si Philippe sa Club nila kaya hindi ko siya kasabay ngayon sa pag-uwi. He's with Winter. Tinatamad naman akong hintayan pa siya kaya sinabi ko sa kaniya na mauuna na akong umuwi. Sigurado rin kasi ako na mamaya pa sila matatapos dahil balita ko'y magprapractice pa sila. Baka kung anong oras pa sila umuwi. Nakakatamad maghintay.

Hindi pa rin ako tumitigil sa kakagala ng paningin ko sa paligid habang naglalakad. Nasaan ka na ba?

Balak ko kasi sanang sabayan si Aviana sa pag-uwi pero hindi ko na siya naabutan. Mabilis siyang nawala sa room. Gusto ko na kasing humingi ng tawad sa kaniya dahil habang tumatagal ay mas lalo akong inuusig ng konsenya ko. Nadagdagan pa ng nangyari kanina. Loko kasing Philippe 'yon. Tinanong pa ng tinanong. Napaka-tsismoso.

Napabuntong hininga na lang ako nang bigla na namang pumasok sa isip ko ang mga sinabi niya kanina. Kung papaanong bumagsak ang sarili niya matapos bitawan ang huling sinabi niya.

Those events must be the reason why she's with us. Kung bakit siya nasa bahay. Kung bakit niya nagawang saktan ang ibang naging maid nila. Marahil gusto niyang paalisin ang mga 'yon at ang saktan sila ang naging paraan ni Aviana. I can't blame her, anyway. She's just scared. It's maybe because she thinks that those things might happen again. Hindi rin naman talaga imposible. Iba na mag-isip ang mga tao ngayon.

Right after ng activity namin sa History ay hindi na ako nakapag-focus pa sa mga sumunod naming mga subject. Because, obviously. Kinain ng sistema ng utak ko ang lahat ng sinabi niya.

"T-they molested me."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bumagsak ang luha niya. I was about to come near her, pero pinigilan niya ako. Nakita na lang namin siyang tumakbo palabas ng room.

We were all shocked. Maging 'yong ibang grupo at si Prof ay nagtataka kung bakit bigla na lang siyang tumakbo palabas.

"This is all your fault!" Singhal ni Winter bago niya sinundan si Aviana. She was referring Philippe. Gulat na gulat naman ang reaction nito.

"H-hindi ko naman alam." Umiling na lang ako sa kaniya nang tingnan niya ako.

Malapit na ako sa gate nang maabot siya ng mga mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Nakaupo siya sa bench na malapit lang din sa gate. Hindi na ako nagdalawang isip pa na lapitan siya.

Umupo ako sa tabi niya. Hindi niya siguro ako napansin agad kasi hindi siya tumingin sa gawi ko, or maybe her mind was occupied by the thoughts of something.

"Why are you still here?" I asked. Without even looking at her. Nakatuon ang pansin ko sa mga estudyanteng naglalakad palabas ng gate.

Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam kong tumingin siya sa'kin pero agad niya ring binawa 'yon. "Hinihintay ko si Winter."

Tumango-tango ako, "Ako rin. Hinihintay ko si Philippe."

Natahimik kami. Nang maramdaman kong medyo awkward na ay nagsalita na ako.

"Ahm, Aviana. 'Yong nangyari sa library n'ung nakaraan. Hindi ko sinasadya," I started. Kahit medyo kinakabahan ay nilaksan ko ang loob ko. "Alam ko na hindi magandang biro ang ginawa kong 'yon. H-hindi ko lang talaga alam na mauuwi sa gan'un. I'm sorry."

Bigla siyang natawa, "May magagawa pa ba ako? Nangyari na. Pero, sige. I'll forgive you."

"S-sigurado ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Napaharap na rin ako sa kaniya. I was expecting na magiging mahirap ang pahingi ko ng tawad sa kaniya just like what happened to us before. "Wala ka bang gagawin sa'kin? Hindi mo ba ako s-sasampalin, sisigawan o tatarayan?"

When Brats Meets The Badass Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ