Chapter 36

117 10 0
                                    

Philippe's Point of View.

It's Friday at last day na rin ng audition para sa lahat ng Club. Hinawakan ko ang batok ko nang maramdaman ko ng pagkirot nito dahil sa ngalay. Hindi katulad nitong mga nakaraang araw. Kakaunti ang nag-audition ngayon pero nand'un pa rin 'yong pangangalay dahil sa matagal kaming nakatingala habang nakikinig sa kanila.

This job is quite tiring.

Tiningnan ko ang listahan ko. Thirty plus rin ang nakapasok ngayong araw. At sa tingin ko, sa isang linggong paghahanap namin ng magiging bagong member ng club ay nakakuha kami ng halos one fifty plus. Not bad.

Pagkatapos kong usisain ang listahang hawak ko ay kay Winter naman napadako ang panigin ko na kasalukuyang hinihilot ang kaniyang sintido.

Natawa na lang ako sa biglang pumasok sa isip ko. Naalala ko kasi na gustong-gusto niyang makapasok sa lahat ng club. Nagyayabang pa siya na kaya niyang salihan lahat cause she's talented. Pero bakit ngayong iisa pa lang ang sinasalihan niya'y mukha na agad siyang stress?

Naglakad ako papunta sa kaniya at umupo sa tabi niya. Medyo lumayo pa siya sa'kin nang makita ako. Mukha ba akong may sakit na kailangang layuan?

"What do you want?" May mataray na tono niyang tanong.

"You looked so stress and yet nakukuha mo pang magtaray. Is that one of your so called 'talent' of yours? Kasi kung oo, nakaka-wow siya kung iisipin."

Nangunot ang noo niya siguro dahil sa sinabi ko. "At lumapit ka talaga sa'kin para sabihin 'yan? Alam mo? Kung wala kang sasabihing matino at mang-aasar ka lang. Please, huwag ka na lang magsalita or much better huwag mo akong kausapin."

Umiling-iling ako. "Hindi mo ba talaga kayang maging mahinahon kahit isang araw lang?"

Tinaasan niya ako ng kilay at saka umayos ng upo. "Actually, I can. Pero dahil ikaw ang kausap ko. Hindi ko kayang huminahon." Inirapan niya pa ako.

"Galit na galit ka talaga sa'kin nuh?" Natatawang tanong ko sa kaniya. "Bakit nga ba galit ka sa'kin?" Actually alam ko naman kung bakit. Hindi ko lang alam kung anong pumasok sa isip ko at gusto kong dagdagan ang stress niya ngayon.

"You know what, Philippe? You're unbelievable! Nagagagawa mo pa talagang itanong sa'kin 'yan nuh? Where, in fact. Alam mo naman kung bakit ako galit sa'yo." She raised her eyebrows, mas tumaray pa ang mukha niya kesa kanina. She's pissed. Really pissed.

"Saka baka nakakalimutan mo. Binabaan ko ang pride ko sa'yo. Nagsorry ako dahil ayon sa kaibigan mo, nagagalit ka raw sa'kin dahil sa pang-aasar ko sa'yo. Na dapat hindi ko ginawa kasi hindi mo naman tinanggap! Tapos ngayon? Kinakausap mo ako? Ano bang trip meron ka?" Napapalakas na ang boses niya. May ilang staff na rin ang tumitingin sa gawi namin. "Bakla ka ba talaga?!"

Dahil sa huling sinabi niya ay nakaramdam ako ng inis at hiya. Sa lakas kasi ng boses niya ay sigurado akong maraming nakarinig.

"How many times do I have to tell you that I'm not a gay? Sige nga." Umayos ako ng upo. Naramdaman ko rin ang biglaang pag-init ng ulo ko. Shit! Mukhang mapapasabak na naman ako sa babae 'to. "Paano mo nasabing bakla ako? Do you have proof? Tell me. Kasi alam mo? 'Yan ang ayaw na ayaw kong itatawag sa'kin!"

Tumayo siya kaya mas lalong nakatawag 'yon ng pansin ng ibang tao dito sa loob ng Music Hall. "Ang alin? Ang tawagin kang bakla? C'mon, Philippe. Hindi ka magagalit sa'kin ng ganyan kung hindi totoo." Ngumisi pa siya na mas lalong nakapagpainit ng ulo ko."G A Y, gay!"

"Bawiin mo 'yang sinabi mo!"

"No! Bakit ko babawiin? Sinimulan mo ako kaya ikaw ang magtapos. Make me stop." Mas lumapad ang ngisi niya.

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now