Chapter 69

75 8 3
                                    

Aviana's Point of View.

All I can do was to cry. Patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko.

"H-hey, bakit ka umiiyak?"

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Tumambad sa 'kin ang nakakunot noong mukha ni Snow. S-she looks worried? Nawala ang kaninang matapang niyang mukha.

"A-anong nangyayari sa 'yo? Bakit bigla-bigla ka na lang umiiyak? M-may nagawa ba ako? Tell me?" Umupo siya sa tabi ko. Mukha pa rin siyang nag-aalala.

"Sorry medyo natagalan kami..." Natigilan si Cloud nang bumaling ang tingin niya sa 'kin. "Anong nangyari? Bakit parang umiyak ka?" Lumapit na rin silang dalawa ni Rainne at tumabi sa 'kin.

"I don't know," Snow said, her voice's still worried. "We were just talking, nagulat na lang ako nang bigla siyang umiyak."

Hinaplos ni Cloud ang likod ko. "Pagod ka na ba? Gusto mo na bang umuwi?"

Umiling ako. "M-madami lang tumatakbo sa isip ko." Hinarap ko si Snow. "S-sorry sa nangyari."

Tumango siya pero hindi pa rin nawawala sa ka kaniya ang pag-aalala. "Kung ano man 'yang gumugulo sa isip mo. I hope you can get over it. Ask me kung may maitutulong ako ha?"

Pinilit kong ngumiti.

Unti-unti nang gumagaan ang pakiramdam ko. What had happened was just in my mind. Hindi ko akalaing darating sa point na kailangan kong mag-burst out dahil lang sa labis na pag-iisip ko.

"Kung may problema ka. Huwag kang mahiyang mag-open up sa 'kin ha?" Wala tigil sa pagpapaalala sa 'kin si Snow. Mas lalo akong kinain ng konsensya ko dahil sa sinabi niya. All this time, nag-iisip ako ng hindi maganda sa taong itinuturing akong kaibigan.

Naghintay pa kami ng ilang oras bago nakatanggap ng text kay Thunder na ready na ang lahat. Tumayo na rin kami at lumabas na ng Mini-mall.

Way back home, tuluyan nang naging maayos ang pakiramdam ko. Unti-unti na ring nawala sa isip ko ang mga pagdududa kay Snow. Nakakatawang isipin, pero nakatulong ang kaninang nangyari. Atleast, napatunayan kong kaibigan pa rin si Snow at mali ako ng iniisip sa kaniya.

The celebration went well. Sobrang saya ni Snow nang makauwi kami sa bahay at makita ang lahat ng inihanda namin sa kaniya. She cried, saying that it was one of her best birthday. But something about the plan didn't happened. Hindi namin alam kung bakit hindi nagpakita si Volt. Alam kong may alam ang apat na lalaki about dito pero hindi na kami nagtanong pa. Hanggang sa dumating ang gabi ay hindi namin siya nakita. I wonder kung nasaan siya ngayon.

Habang nagpapatuloy ang party sa loob ng bahay. Lumabas muna ako para magpahangin. Nakakita ako ng maliit na upuan kaya hinila ko 'yon at doon naupo. Nagtayuan ang balahibo ko nang dumampi  sa balat ko ang malamig  na hangin kaya napayakap ako ang sarili ko.

Nagulat na lang ako nang may maglagay rin ng bangko sa katabi ko. Tumaas ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makaupo siya tulad ko. She was just staring at the front while drinking her canned beer. It was against by Ms. Quinta pero hindi na rin niya kami napigilan. Besides, ngayon lang naman namin ito gagawin simula nang tumira kami sa bahay niya.

"I'm glad he didn't shown up." I heard her said. She was a little bit of tipsy. I can sense it the way she speak.

"Volt?"

"Sino pa ba?" Tumawa siya. "Huwag na nga natin siyang pag-usapan." Muli siyang uminom sa hawak niya.

"You really hate him that much?" Hindi ko maiwasang magtanong.

Ilang minuto bago niya rin ako sinagot. "Really hate."

"Alam m--

She stopped me from what I am about to say. "Hey, sabi ko huwag na natin siyang pag-usapan hindi ba?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now