Chapter 50

114 8 0
                                    

Aviana's Point of View.

"Sa tingin mo seryoso sila sa gagawin nilang pagbawi kay Snow?"

Parehas kaming nakaupo ni Philippe sa isang mahabang upuan na nasa tapat ng kwarto ni Snow. Nang dumating kasi ang mga magulang niya ay napagpasyahan naming lumabas muna para makapag-usap sila ng maayos.

I shrugged. "Hindi naman siguro nila ipapakuha ang mga gamit niya kay Thunder kung hindi 'di ba? So, I think, yes."

"She's our first evictee if that's the case." Tumawa ito ng bahagya."Siyam na lang tayo sa bahay. I wonder who will be the next big winner of this edition." Natawa si Philippe pero halatang pilit lang ang tawang 'yon.

Nalulungkot kaya siya dahil aalis na si Snow?

Of all the girls, Snow is the only person we barely know. Wala kaming alam sa kaniya maliban sa pagiging mataray at palaban na ugali niya. Siya kasi itong sobrang malayo sa 'min. Wala man kaming maayos na pagsasama sa loob ng bahay. Malaking adjustment pa rin na mawawala siya. Na hindi na namin siya makikita pagkatapos nito.

That thought saddened me. Hindi sa nagiging plastic akong tao, but I'll surely miss her. Nakakapanghinayang lang na hindi kami nagkaroon ng time para mas kilalanin pa siya.

"Do you miss your family, Aviana?" Philippe suddenly asked.

Kung mabigat ang pakiramdam na mawawala si Snow. Mas bumigat ang naramdaman ko ng itanong niya sa 'kin ang bagay na 'yon.

"There's no way I can't miss them, Philippe. Matagal na rin tayong wala sa poder nila," I responded and heave a weighty sigh. "How about you?"

"Since day one." He then again let a fake chuckled. "Kaya nga naiinggit ako kay Snow ngayon dahil uuwi na siya. Makakasama na niya ang pamilya niya."

Ito pala ang ibig sabihin kung bakit malungkot siya.

I patted his shoulder and gave him an assuring smile,"Mabilis lang lumipas ang oras at panahon, Philippe. Makakauwi rin tayo."

Napatayo kaming dalawa nang makita na naming dumating na si Thunder. Dala na nito ang maleta ni Snow. Ang hindi namin inaasahan ay kung bakit kasama niya si Volt.

"What is he doing here?" I asked as I approached them, confused.

"I just wanted to see her before she leave," si Volt na hindi makatingin sa 'min ng deretso.

"Seriously?" I can't help but to rolled my eyes. Bakit parang nag-aalala siya ngayon kay Snow "Are you aware of what you are doing? Baka atakin na naman siya ng hika kapag nakita ka niya. Saka nasa kasama niya ang mga magulang niya sa loob. Gusto mo bang mapatay ka nila kapag nakita ka nila?"

"I know but---

Naputol ang pag-uusap namin nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Snow. Lumabas mula doon ang nanay niya. Kapansin-pansin ang pamumula ng mga mata nito nang makalapit siya sa 'min.

She suddenly hugged Thunder. Kahit naiilang ay nakita naming yumakap si Thunder pabalik dito. "Thank you for saving my daughter," sabi nito. Ilang sandali lang ay humiwalay na ito sa kaniya. Tiningnan niya sa mukha si Thunder. "You remind me of your father."

Nagkatinginan kaming tatlo. "Ano pong ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Thunder. Tanging ngiti lang ang isinagot nito sa kaniya at itinuon na ang tingin sa 'ming dalawa ni Philippe. "Salamat din sa inyo sa pagbabantay niyo sa kaniya."

"It's a pleasure. Tita."

Ito pala ang pakiramdam ng may nagpasalamat sa 'yo dahil may nagawa kang mabuti sa kapwa mo. Hindi maipaliwanag. Nakakataba ng puso.

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now