Chapter 8

620 235 136
                                    

Rainne's Point of View.

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nandito sa library simula nang simulan namin ang gawain dito. Hayst. Sa dami kasi ng kailangang ayusin ay hindi ko na alam kung ano pa ang uunahin. Ang daming kalat na tulad nang mga librong nakalagay kung saan-saan. Kung sino man ang huling batch na tumira dito ay wala silang kwenta! Mga burara!

"Itapon mo nga 'to sa labas." Utos ko sa kasama ko na walang iba kung hindi ang mayabang slash bastos na si Drei. Idagdag pa natin na siya ang kasama ko. Sinong hindi mae-stress?

"Bakit hindi na lang ikaw? Busy ako dito. Parehas lang tayong may ginagawa." Pagmamasungit nito. Aba naman kanina pa sya sa kinatatayuan n'ya. Hindi pa ba din sya natatapos?


Tapos sasabihan niyang parehas lang kami ng ginagawa? Kung titingnan, ako ang may pinakang maraming nagawa saming dalawa, where in fact dapat siya kasi siya ang lalaki!

"Kanina ka pa d'yan 'di ba? Ang daming ko nang nalilinisan dito oh. Tapos, ikaw hindi ka pa din nakakaalis sa kinatatayuan mo kanina pa!" Sermon ko sa kan'ya. Pinapainit niya lalo ang ulo ko!

"Ikaw na lang ang magtapon nyan. Ikaw naman nag ipon lahat ng 'yan. Ako na lang magtatapon ng sakin dito." Sagot n'ya sakin. Nagmamatigas talaga siya! Ewan ko pero parang duduguin ata ako sa isang 'to!

Lumabas na lang ako para itapon yung kalat. Hindi kami matatapos kung iintindihin ko lang ang ka-abnormalan nang isang 'yon. Nakakainit siya ng dugo!


Pagkalabas ko ay naabutan kong nag-aayos si Philippe at Winter sa sala. Pawis na pawis si Philippe habang si Winter naman ay ang fresh-fresh. Wow huh? Mabuti pa siya ang swerte niya sa nakasama niya.

Napunta yata sakin ang lahat ng kamalasan. Wala pang nangyayaring maganda sakin simula nang tumira ako dito!

"Where are you going?" Nakangiting tanong sakin ni Winter.

Napairap naman ako sa isip-isip ko. May hawak akong garbage bag na punong punong nang basura? Where did she think I'm going? Isn't it obvious na magtatapon ako ng basura? Nahawa na rin yata kay Aviana.

Ngumiti na lang ako.

"Somewhere." Kaswal na sagot ko. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko habang buhat-buhat ang plastic ng basura. Nagmumukha na akong basurera sa lagay kong 'to. Ang lagkit-lagkit na rin ng pakiramdam ko dahil sa pawis.

Naabutan ko naman sa labas sina Thunder at Aviana na nagwawalis ng mga dahon sa harapan ng bahay.

Sa likod naman ay sina Derek at Volt na mga nakahubad at halatang nahihirapan na rin sa ginagawa nila. Habang hindi ko naman nakita kung nasaan si Snow at Cloud. Saan kaya sila in-assign ni Ms. Quinta?

Hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan namin dito. Gusto ba talaga 'to ng mga magulang namin para samin? Ang mahirapan kami dito?

Inilagay ko na lang sa gilid ng daan ang basurang dala ko at muling pumasok sa bahay.

Napailing na lang ako ng makitang nandun pa rin siya sa pwesto niya. Kung ipako ko kaya siya sa kinatatayuan niya? Para diyan na lang siya hanggang sa bawian siya ng buhay?

"May balak ka pa bang umalis diyan?" Singhal ko sa kaniya. Masyado na niya yatang tinatake advantage ang sitwasyon namin. Hindi niya magugustuhan kapag napuno ako sa kaniya.

Bigla naman siyang humarap sakin. "Why don't you just mind your own business? Bakit lagi mo akong napapansin?" Naglakad siya palapit sakin hanggang sa halos magkadikit na ang mukha naming dalawa. "Siguro, may crush ka sakin nuh?"

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now