Chapter 19

370 87 18
                                    

Thunder's Point of View.

Nag-aayos ako ng mga gamit ko sa kwarto ng sabihin sakin ni Volt na hinahanap ako ni Aviana sa labas. Napangiti ako. Baka pumapayag na siya sa pinag-usapan namin. I hope so. Ito lang kasi ang nakikita kong paraan para makalapit kay Snow. I wanna know everything about her kahit magmukha pa akong alila ni Aviana.

"Asensado ah? Babae na ang naghahanap sayo. Sana all." Pabibiro ni Volt. Tinawanan ko lang siya at tinapik sa braso bago umalis sa kwarto.

Pagkalabas ko ay nakita ko kaagad siyang nakatayo sa tapat ng kwarto namin habang nakapamay-awang pa. Naka-pajama at sando lang siya. Sandali akong napatitig sa kaniya. Sexy din pala 'to si Aviana.

"Tititigan mo na lang ba ako?" Mataray niyang tanong sakin.

"Ito naman. Akala ko peace ba tayo?" Kinindatan ko siya.

"What? At sinong may sabing peace tayo?" Tinaasan niya pa ako ng kilay. Mga babe talaga. Ang hilig nilang magtaray.

"Sa library," narinig kong sabi niya. Nakita ko na lang na naglakad na siya papuntang library. Sumunod naman ako. Naabutan ko siyang nakaupo sa couch na nakalagay dun. Umupo na din ako.

"Ano? Pumapayag ka na ba?" Excited na tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa." Nginisian niya ako.

"Ano?! E, bakit pa tayo nag-uusap dito?" Iritado ko siyang tiningnan. Akala ko pa naman pumapayag na siya.

"I have one condition."

"Ha? Kondisyon? Andami ko nang ginawa simula kanina, a? Kulang pa ba lahat ng 'yon?" Madrama akong lumapit sa kaniya. "Kulang pa ba?"

Lumayo siya sakin na parang nandidiri dahil sa ginawa ko. "Eww, yuck! Hindi bagay, Thunder. Mukha kang trying hard actor sa ginawa mo. Nakakasuka." Tapos pinagtawanan niya ako.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit nga kasi? Bakit ayaw mo pang pumayag?"

"Kung ang isang lalaki ay talagang seryoso sa babae. He will do everything just to have her," Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Sa nakikita ko. Mukha ka namang hindi seryoso. Wala pa sa kalingkingan ng mga suitors ko ang mga ginagawa mo."

Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. "Excuse me. Hindi naman kita liligawan." Ang tingin niya yata ay siya ang liligawan ko dito.

"What the fvck, Thunder? Anong sinasabi mo?"

"You said earlier that I was nothing compared to your suitors. Ano sa tingin mo? Ikaw ba ang liligawan ko dito?"

Nagulat na lang ako ng bigla na naman siyang tumawa, "A-anong nakakatawa?"

"Pfft. What a slow mind you have, Thunder. Hay." Nagpipigil pa rin siya ng tawanin. Ano naman kayang nakakatawa sa sinabi ko?

"What I mean is. Tulad ng mga nanligaw sakin 'non. You have to make some efforts para mapasagot mo si Snow. Work for it. Gets mo na ba?"

Ah, ganun pala ang ibig niyang sabihin. Sorry naman. Akala ko ay kung ano na. Pero teka? Bakit sa panliligaw agad napunta ang usapan namin? "Teka nga. Bakit nasa panliligaw na agad tayo?"

"Doon din papunta 'yon." Inirapan na naman niya ako.

"So, pumapayag ka na nga?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Pumapayag ka na din ba sa isa ko pang kondisyon?"

Tss. Ano pa bang gustong mangyari ng babaeng 'to? Kulang pa ba 'yong ipapagtabo ko siya ng panligo niya tuwing umaga? Ako na rin ang maghuhugas ng lahat ng pinggan kapag kami ang naka-assign para maghugas. Oh baka naman gusto niya pang ako ang magpaligo sa kaniya? Natawa na lang ako sa iniisip ko.

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now