Chapter 11

477 193 80
                                    

Derek's Point of View.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng buksan ko ang pinto ng bahay. Sino ba naman kasing tao ang hindi matatakot sa pagmumukha ni Ms. Quinta? Mukha talaga siyang mangangain ng tao kapag nagagalit.

"SAAN KAYO GALING?!" Pag-uulit niyang tanong.

"S-sa labas lang."

"In my office! Now!"

Wala na kaming nagawa kung hindi ang sundan siya papasok sa tinatawag niyang office niya. Naupo kaming dalawa ni Rainne sa unahan habang siya ay nasa harapan naming dalawa.

"Kanina pa kayo wala. Saan ba kayo pumunta?"

"Gumala lang kami Ms. Quinta. You know, gusto lang namin makita ang ganda ng lugar niyo. Naboboring kasi 'tong si Rainne kaya sinamahan ko muna siya sa labas." Pagdadahilan ko. Baka kasi magulat siya kapag sinabi ko ang tunay na nangyari. Hindi ko rin naman alam kung bakit umiiyak si Rainne n'ung nakita ko siya. Maliban na lang sa namimiss niya 'yong Dad niya.

Mula sa gilid ay nakita kong tumingin sakin si Rainne pero nananatili akong nakatingin kay Ms. Quinta.

"Gan'un ba? Sa susunod, magpapaalam kayo nang hindi ako nag-aalala. Malalagot ako sa mga magulang niyo kapag may nangyaring masama sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tumango na lang kaming dalawa. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa. Mukhang hindi niya kami mapaparusahan dahil obviously, may nalabag kaming isa sa mga rules ng bahay niya.

Pagkatapos niya kaming kausapin ay pinalabas na niya kami ng office.

"Thank you, Derek." Pagpapasalamat sakin ni Rainne.

"Welcome," sagot ko sa kaniya. Nakita ko na lang na umakyat na siya papasok sa kwarto nila habang ako ay dumeretso sa kusina. Naabutan ko dito sa Drei na nakaupo sa harap ng long table kung saan kami kumakain.

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Silang dalawa ang naka-assign na maghugas kanina ng mga pinagkainan. Siguro ay may alam siya sa dahilan kung bakit umiiyak kanina si Rainne.

Or baka siya 'yong dahilan?

"Pare," naagaw ko ang pansin niya.

"Si Rainne kanina, umiiyak. May alam ka ba kung bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"That crying baby? Wala naman. Basta na lang siya umiyak." Sagot nito.

"Pero ikaw lang 'yong kasama niya kanin--

Naputol ang sasabihin ko ng tumayo siya at lumapit sakin. "Sinasabi mo bang may kasalanan ako d'un?" Nakakatitig siya sakin. Para bang anytime ay susuntukin niya ako sa mga titig niya.

Pinanatili ko ang sarili kong maging kalma habang nakatitig rin sa mga mata niya. Kung gulo lang din naman ang gusto niya ay hindi ko siya uurungan.

"May problema na naman ba?" Sabay kaming napalingon sa pintuan. Nakatayo doon si Ms. Quinta habang nakatitig saming dalawa.

"No, Ms. Quinta. May tinanong lang ako kay Drei." Sagot ko dito.

"Good." Sabi nito kasabay ng pag-alis niya.

"Hindi mo kailangang maging mayabang. Nagtatanong lang ako. Be aware of your action bro." Sabi ko kay Drei. Tinapik ko pa ang balikat niya bago tumalikod at saka naglakad palayo.

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now