Chapter 29

215 31 2
                                    

Rainne's Point of View.

"Had you texted her?" Medyo naiinis na tanong sakin ni Cloud.

Tumingin ako sa relo ko. It's already midnight. Nasaan na kaya siya? We are waiting for Carla. Siya lang ang nakakaalam ng mga pasikot-sikot sa school kaya hindi siya pwedeng mawala ngayon.

"Oo, baka nandiyan na rin siya mamaya."

We are all wearing a black long sleeve and leggings. May suot din kaming black bonnet para hindi kami makilala ng kung sino mang makakakita samin. Sa lagay namin ngayon. Para kaming mga member ng mga akyat bahay.

"Siya na 'ata 'yon?" Sabay-sabay kaming napatingin sa paparating. Finally dumating din siya.

"Bakit ang tagal mo naman?"

"I'm sorry. Alam niyo namang tumakas lang ako kay Mama sak--

Hindi na namin siya pinatapos sa sasabihin niya at saka sumakay na sa na-rent naming trike. Mabuti na lang at may pumayag na magpa-arkila ng ganitong oras kasi kung wala hindi magiging successful ang plano namin.

Hindi namin sinama 'yong tatlong lalaki. Maliban sa kaya naman naming gawin 'to ng wala sila. Ayaw din naming sabihin ang tungkol dito kay Derek. Magagalit kasi 'yon.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa malaking gate ng school. Bumaba na kami nang trike saka naglakad papasok sa loob ng school. Mabuti na lang tulog 'yong guard kaya madali kaming nakapasok sa loob. Hindi rin naka-lock ang gate.

According to Carla. Tuwing may party daw na nagaganap dito sa school. Dito na daw pinipiling mag-ayos ng mga Queens. Dito nila dinadala ang damit na gagamitin nila for that party.

Dahan-dahan kaming naglakad sa hallway ng school.

"Which room?" Pabulong na tanong ko kay Carla.

"In her office. Dun nila madalas ilagay."

Mabilis pero maingat kaming naglakad papunta d'un. Obviously, nakalock ang pinto ng office nila nang makarating kami kaya naman agad kong ipinalabas kay Carla ang mga susi.

Inabot naman niya agad sakin ang mga 'yon.

"Gotcha."

Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng mabuksan namin ang pinto. Hindi nga kami nagkamali. Tumambad sa harapan namin ang kulay red na gown. Ang ganda naman nitong gown na 'to. Mala-Catriana Gray ang datingan. Well, sadly. Hindi niya 'to magagamit kasi magiging basahan na lang 'to sa gagawin namin.

"Let's go girls." Ngumisi si Cloud. Siya na ang unang gumupit ng gown. Sumunod na kaming tatlo habang si Carla ay nanonood lang.

"Okay na siguro 'to." Sabay-sabay kaming tumawa nang matapos kami sa ginawa namin. Nagkagutay-gutay ang gown at parang naging instant pamunas.

"Makakabili pa rin naman sila ng bago bukas kahit nasira natin ngayon. Mayaman sila Caye kaya agad ding mapapaltan 'yan," sabi ni Carla.

"It's okay. At least kahit papaano magagalit natin siya. I just can't imagine kung anong magiging itsura niya bukas kapag nakita niya 'to." Tumawa ulit kami sa sinabi ni Cloud.

When Brats Meets The Badass Where stories live. Discover now