Chapter 1: Troubles

10.3K 253 8
                                    

Third Person's POV:

Mabilis na naglalakad sa isang diretsong hallway papunta sa pangngatlong palapag ng mansion ang isang babae habang inaayos ang colar ng kaniyang damit.

"Late nanaman ako! Ano ba yan!" inis na bulong niya sa sarili habang papa-akyat sa paikot na hagdanan.

Muntikan na siyang matalisod sa kaniyang mga hakbang dahil sa kaniyang suot na heels kaya minabuti niyang tanggalin muna ito at bitbitin. Isang pahabang corridor ang sumalubong sa kaniya sa dulo ng hagdan. Dumiretso siya at sinuot muli ang kaniyang heels habang papalapit sa dulong kwarto sabay kumatok ng tatlong beses.

"Miss Axelle. Handa na po ba kayo?" medyo kinakabahan niyang tanong.

Walang sumasagot.

"Miss Axelle?" kahit na nanginginig ang kamay ay tinulak niya ng konti ang pintuan at sumilip sa loob.

Sa isang malawak na kwarto nananahimik ang paligid. Walang ingay na mapapakinggan. Pumasok ang babae sa loob, dahan-dahan habang pinagdarasal mentally ang kaniyang bawat hakbang.

"Miss Axelle?" tanong niya muli.

Isang malakas na hangin ang umihip mula sa bintana sa may kabilang dulo ng kwarto. Madali siyang lumapit dito at nakita ang isang kumot na naka tali sa may bintana at pinagdugsong-dugsong na kumot pababa hanggang sa maka abot ito sa damuhan.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at agad kinuha ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang security.

"Hello."

"Si Miss Axelle naka labas nanaman!!!"

"Magpapadala ako agad ng search and patrol."

"Salamat."

[End call.]

"Asan naman kaya yung butler non?" tanong niya na nag-aalala. "Mr. Harold?" tawag niya.

May kumakaluskos mula sa may closet nung tumawag siya kaya madali niya itong nilapitan. Pagkabukas niya nakita niya ang butler na si Mr. Harold ay naka gapos ng maraming sintoron at may pasak na medyas sa bunganga habang naka suot ng cat ears na headband.

"Mr. Harold!" madaling tinanggal nung babae si Mr. Harold  sa pagkaka gapos.

Pagalit na tinapon ni Mr. Harold ang medyas na nasa bunganga niya nong oras na makalasan siya at tumayo bago lumabas ng closet.

"Anong nangyari?" tanong nung babae.

Pinapagpagan ni Mr. Harold ang kaniyang damit at inayos bago humarap sa babae nang may kunot noo at nagliliyab na inis/galit.

"Walang tatagal ng isang linggo dyan sa babaeng iyan! Anak ng demonyo!" sabay lakad papunta sa pintuan. "Mataas nga ang sweldo pero marami pa akong pinapakain at hindi ako papayag na dito magwawakas ang buhay ko! Humanap nalang kayo ng ibang butler! I quit!"

*bang!*

Sabay sara ng pinto.





Samantala...




"It's sooooo nice to be in outdoors!" sigaw ng malaya nanamang si Axelle habang naglalakad sa tabing daan sumasalubong sa maraming tao na sige lakad doon at lakad dito din papunta sa kani-kanilang trabaho at etc. May ibang pinagtitinginan lamang siya pero wala di niya ito pinapansin kasi di rin naman siya kilala ng mga taong iyon.

Isang buwan na ang naka raan nang muli siyang maka labas ng mansion na tinuturi niyang isang napaka laking prison cell. Kaya naman ay anong tuwa niya nang makalabas muli.

Mula sa bulsa ng kaniyang paboritong blue hooded jacket kinuha niya ang kaniyang pocket notebook na may mga tara ng pangalan.

"Good bye Mr. Harold... Maging masaya ka sana." masaya niyang sabi sabay cross out ng pangalan ni Mr. Harold na kaniyang butler,... Noon.

Ibinalik niya ang kaniyang pocket notebook sa kaniyang bulsa at may may naamoy na isang masarap na pagkain. Sinundan niya ito hanggang sa maka rating siya sa isang kainan na kung saan naaamoy niya ang masarap na niluluto ng isang ale.

Hindi na siya nagdalawang isip pa na pumasok, total di pa naman siya nakakapag-agahan kaya kumakalam na ang tiyan niya sa gutom.

"Ano po ang sa inyo?" tanong sa kaniya nung ale.

"Pabili nga po ako niyang niluluto ninyo." turo ni Axelle.

"Sige po. Teka lang at sasalinan kita. Maupo ka muna don."

Tumango si Axelle at sumunod sa instruksyon nung ale.

Time Skip...

*barf*

"Nabusog ako don ah..."

Matapos maka ubos ng ilang mangkok, naging masaya ang sikmura ni Axelle nung maka kain ng agahan. Kinapa niya ang kaniyang mga bulsa para hanapin ang kaniyang wallet.

"Hala! Asan na 'yon!"

Patuloy siyang naghanap pero wala siyang makapa. Panandalian siyang nag-isip ng gagawin at lumapit don sa ale na nagbenta sa kaniya.

"Ate... Pwede po ba mamaya ko nalang po bayaran? Naiwan ko po ata yung wallet ko eh..."

"Ay anak ng tinapa! Kakain-kain ka tapos wala ka palang pambayad?! Hindi! Magbayad ka!"

"Ate, pramis naman po magbabayad ako, babalikan ko lang po sa bahay yung wallet ko. Sige na po..."

"Aba at ang lakas ng loob mong magsabi ng ganiyang palusot! Hindi na uubra yan! Magbayad ka nga! Ang dami mong nakain!" galit na sabi nung tindera.

"Ate sige na please. Hindi man po ako nagsisinungaling. Magbabayad po ako kahit doble pa." paki-usap ni Axelle don sa ale.

"Ikaw talaga–"

"Ale... Ako na po ang maga bayad nung inorder niya."

Sabi ng isang lalaki na may kulay gray na buhok, naka suot ng black hooded jacket na may grey shirt at tattered jeans. Gwapo at may dating just to be added.

Inabot niya ang bayad don sa ale sabay kinindatan si Axelle. Sa may banda roon lang na mesa kung saan may naka upo na puros mga babae ay kinilig. Pero si Axelle... Dead ma. Patay malisya na walang pake.

Tumalikod si Axelle don sa lalaki at naglakad papunta sa pintuan palabas, nang tawagin siya nong lalaki na sumabay sa kanya palabas.

"Wala man lang bang salamat?" tanong nung lalaki.

"Wag kang mag-alala babayaran kita." sagot ni Axelle sabay huminto sa may abangan ng sasakyan sa may labas lang ng kainan.

"Saan ka ba umuuwi? hatid na kita." sabi pa nung lalaki.

Umirap ng palihim si Axelle na naiinis sa lalaki. Ilang saglit pa ay may huminto na isang itim na kotse sa harapan nila at bumaba ang isang lalaki.

"Mam! Kanina pa po namin kayo hinahanap." anunsyo nung lalaki.

Hindi na umimik si Axelle at sumakay nalang.

"Kuya, paki bayaran nga yung lakaking nasa labas ng isang libo." utos ni Axelle at kaagad sumunod yung lalaki at madaling kumuha ng pera sa bulsa at inabot ito don sa grey-haired guy.

"Hindi man po ako nagpapabayad." sabi ni Gray-haired guy.

"Tanggapin mo na alang-alang sa akin." sabi nalang nung lalaki.

"Ang tagal!" sigaw ni Axelle mula sa loob.

"Aalis na po tayo!" anunsyo nung driver sabay sakay niya sa loob at umalis na sila. Si Gray-haired guy naman ay naka sunod lang ang tingin sa kanilang sinakyan hanggang sa mawala na ito sa kaniyang paningin at lumiko pakanan.

"Grabe naman 'yong babaeng 'yon. Tinulungan na nga."

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon