KABANATA 11 - Bahagi 4

Start from the beginning
                                    

                 Agad na umatake si Venus papunta sa kalaban ngunit mas malakas ang mga hari sa kanya kaya madali na lamang siyang pinatumba nito. Hindi nag - atubiling hugotin ni Lorcan ang puso ni Venus. Pinutol din ni Apollyon ang ulo nito. Dahil doon ay lalong nanlisik ang mga mata ni Valentina sa kanila hanggang sa siya na ang sumugod dito. Sa pagsugod niya ay ang pagsaksak naman ng nakakamatay na punyal sa kanyang puso. Punyal na ginamit niya sa pagsaksak sa matanda. Lumingon siya sa kung sino ang sumaksak sa kanya. At doon ay nakita ni Valentina si Sophia. Si Sophia ang sumaksak sa kanya. Galit ito dahil sa pagkawala ni Scarlett kaya gusto niyang maghigante rito.

"Dapat lang sa'yo ito!," pagalit na saad ni Sophia.

"Hahahaha! Mabubuhay pa rin ako. Babalik ako at maghihigante ulit sa inyo," saad naman ni Valentina.

                 Nanigas si Valentina at hindi na siya makagalaw pa. Kumalat ang lason sa kanyang dibdib dahilan ng pagtigil ng kanyang hininga. Nanghina siya at nanlabo ang kanyang paningin. Tuluyan ng namatay si Valentina. Hinagis siya ni Sophia at lumagapak ang kalaban sa lupa.

"Hindi na dapat siya mabuhay upang hindi na siya makagawa ng kasamaan," saad ni lola Swara.

                Agad na gumuhit ng bilog ang matanda sa paligid ni Valentina. Mula doon ay bumulong siya ng ritwal. Ritwal ng mga mangkukulam sapagkat siya ay kalahating mangkukulam. Doon sa bilog na guhit kung saan naroroon si Valentina ay agad lumiwanag ang kalangitan. Nagkaroon ng sinag ng araw sa hugis bilog na iyon. Agad nasunog ang katawan ni Valentina at naging abo siya. Ang tanging naiwan mula doon maliban sa kanyang abo ay ang punyal. Sinigurado talaga ng matanda na hindi na babalik pa si Valentina. Wala na nga ang kontrabida. Wala na ang bampirang nagpaikot sa kanilang lahat. Magkagayon man ay nalulungkot pa rin ang matanda dahil sa pagkawala ni Scarlett. Hindi niya nabigyan ng hustisya ang dalaga. Wala itong kasalanan. Wala itong nagawang mali upang parusahan siya. Tiningnan ng matanda si Great Thorn. Kitang - kita niya ang kalungkutan nito at ang pagsisisi. Iyon naman talaga, ang pagsisisi ay nasa huli. Hindi inakala ng mga hari na traydor pala si Valentina maging si Great Thorn ay nagulat rin. Napaikot nga sila ni Valentina. Lumapit ang matanda kay Great Thorn at tinapik ito sa balikat.

"Thorn buhayin mo siya. Alam kong kaya mong gawin siyang katulad natin," saad ng matanda.

"Sana makayanan niya ang aking vero (venom) dahil wala ng saysay ang aking buhay kapag hindi siya magising," malungkot na saad ni Great Thorn.

                Agad niyang kinagat ang kanyang dila dahilan ng pag - agos ng dugo nito. Itinipon niya iyon sa kanyang bibig at mabilis na inilagay sa bibig ni Scarlett. Matapos no'n ay mabilis siyang pumunta sa silid kung saan may puting kama. Ang kama ay tama lamang sa isang katao. Simple ito at walang kung anong desinyo. Puti din ang mga kagamitan ng silid maging ang pader. Napatingin si Great Thorn kay Scarlett. Kitang - kita ang lungkot sa kanyang mga mata. Kalunos - lunos ang nangyari kay Scarlett. Kung minsan talaga kahit gumawa ka ng kabutihan ikaw pa rin ang masama sa paningin ng iba. Kahit nagsakripisyo na ang dalaga ay ganito pa din ang kinahangtungan ng kanyang buhay.

                 Hindi napansin ni Great Thorn na may pumasok sa silid. Tulala siya at nakatitig lamang sa dalaga. Tinapik siya ng nilalang na ito dahilan upang lumingon si Great Thorn. Naramdaman ni Great Thorn ang kirot sa kanyang damdamin. Sa isip niya ay no'ng una palang ay pinaniwalaan na niya ito. Dapat iyon ang ginawa niya dahil sa isang relasyon dapat ay may buong pagtitiwala.

"Thorn, gigising din siya," saad ni Kieran.

"Sana," maikling saad ni Great Thorn.

"Kailangan niyang kayanin ng kanyang katawan ang vero (venom)," pasingit na saad ni Apollyon na pumasok din sa silid.

"Kung hindi niya kakayanin ay tuluyan na siyang mamamatay," pasingit na saad din ni Lorcan na pumunta din doon sa silid.

                Sa kanilang kinaroroonan ay malaya ng nakakalakad sina Sophia at Alaia. Sila ay mabilis na pumunta din sa silid upang makita si Scarlett. Ang walang buhay na si Scarlett. Kitang - kita ni Sophia ang pagsisisi sa mukha ni Great Thorn. Hindi niya mawari ang lalim ng kanyang galit dito at maging sa tatlong hari na nabulag sa kasinungalingan at katangahan. Dahil sa kanila ay namatay si Scarlett. Dahil sa kanila ay nagdurusa si Scarlett sa mga parusang pinataw nila. Nag - uusig ang kanyang isipan na sumbatan sila sa lahat ng nangyari kay Scarlett. Kaya nanlisik ang kanyang mga mata sa mga hari.

"Nasa huli ang pagsisisi di ba!," pagalit na saad ni Sophia.

"Ikaw Thorn! Kayong lahat! Tingnan niyo si Scarlett ... hindi ba kayo nagsisisi sa ginawa niyo!," dagdag pa ni Sophia.

"Sophia maghunos dili ka," saad ni Alaia.

"Hindi niyo alam ... buntis siya no'ng araw na nagkita kami. Hindi ko akalain na gagawin niyo ito sa kanya. Kinaya niya lahat ng pinaggagawa niyo sa kanya kahit may dala - dala siya sa kanyang sinapupunan," mangiyak na saad ni Sophia.

                   Nagulat si Great Thorn sa kanyang narinig. Hindi niya iyon alam. Hindi niya alam na buntis si Scarlett. Napahawak siya sa kanyang noo at napapikit dahil sa pagsisisi. Kung buhay pa siya ngayon di sana ay buhay pa din ang kanyang anak. Di sana'y may bagong pamilya na siya. Di sana'y sa hinaharap ay naging ama na siya.

"Scarlett, patawad," pagyukong saad ni Great Thorn.

"Kung mabubuhay siya ... hindi ko masisisi na gigising siyang may pagkamuhi sa inyo. Gigising siyang mas halimaw pa sa inyo," saad pa ni Sophia.

"Hindi ko alam kung mapapatawad pa kayo ni Scarlett," mangiyak na saad ulit ni Sophia.

                  Agad na umalis si Sophia. Hindi niya kayang makita ang mga hari. Hindi pa niya kayang patawarin ang mga ito. Gulat din sina Kieran, Apollyon at Lorcan sa narinig mula kay Sophia. Noong araw pala na pinarusahan nila ang dalaga ay mayroon na palang laman ang tiyan nito. Ang bata na siyang mamumuno sana sa Nordic Deces (Death in North). Ang batang magmamana sana sa lahat ng ari - arian ni Great Thorn. Ngayon hindi na iyon mangyayari. At kung gigising man si Scarlett ay alam nilang mag - iiba na ito. Alam nilang maraming mapapatay si Scarlett dahil  sa sobrang pagkauhaw lalo na ito ay buntis. Ngayon tatlong araw ang kanilang hihintayin upang magising si Scarlett. Tatlong araw lamang ang taning upang maiproseso ang pagiging bampira. Magigising pa kaya ito?

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now