KABANATA 11 - Bahagi 2

Start from the beginning
                                    

"Bakit mo ito ginagawa?" malungkot na saad ni Scarlett.

"Gusto lang kitang makitang magdusa at mamatay, hahaha!," saad naman ni Valentina.

"Ang sama mo Valentina ... maraming madadamay sa iyong kasamaan. Naaawa ako sa iyo," saad ni Scarlett.

"Scarlett huwag kang maawa sa akin. Dapat kaawaan mo ang iyong sarili. Tingnan mo kung nasaan ka ngayon. Dapat kasi matuto kang lumugar," pangiwing saad ni Valentina.

"Isa pa pala ... matagal ka ng kinalimutan ng kapatid ko. May bago na siyang mahal," dagdag pa ni Valentina.

"Hindi ka pa rin magtatagumpay Valentina," saad ni Scarlett.

"Wala ka ng magagawa Scarlett, hahaha!," patawang saad ni Valentina sabay alis.

               Umalis si Valentina sa selda. Dahil sa narinig ni Scarlett tungkol kay Great Thorn ay parang nanghina siya. Naramdaman niya na nawasak ng buo ang kanyang puso. Dahil doon ay napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa sakit na nararamdaman. Sumandal siya sa pader at umiyak ng nag - iisa.

"Mahal ... nakalimutan mo na ba ako?," mangiyak na saad ni Scarlett.

"Siguro mas mabuti na rin 'yon upang hindi ka na masaktan pa," dagdag pa ng dalaga.

                 Mula sa kanyang kinaroroonan ay may dalawang kawal na pumasok sa loob. May dala itong malaking timba na may tubig. Pinilit nilang ilabas si Scarlett sa kanyang selda at nilublob ang kanyang ulo sa tubig.

"Hmmmm ....," saad ni Scarlett.

"Kaya mo pa ba! Hahaha!," saad ng isang kawal.

"Hindi lang ito ang mararanasan mo!," saad pa ng isang pang kawal.

              Nilublob nila si Scarlett na halos mapakapit ito sa timba para kontrolin lang ang ginagawa. Dahil sa mas malakas ang mga bampirang kawal kaysa  sa dalaga ay hindi pa rin umubra ang ginawa ni Scarlett. Halos hindi na siya makahinga sa ginagawa ng mga kawal. Napapikit na lang si Scarlett at napaluha. Luha na hindi makikita dahil sa tubig na umaagos sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung ano pa ang ipaparanas sa kanya. Tanging nasa isip ni Scarlett ay malapit na siyang mamatay.

              Napahalakhak muli ang mga kawal sa kanya na animo'y naglalaro lamang sa ginagawa kay Scarlett. Siguro ay na aaliw sila sa paglublob sa dalaga.

"Oh ano kaya mo pa ba!," saad ng isang kawal.

"Kaya ko pa ba? Siguro ay hindi na," saad ni Scarlett sa isipan.

              Nawalan na ng pag - asa si Scarlett upang mabuhay. Hindi na niya kaya pa at gusto na niyang tapusin ang kanyang paghihinagpis. Matapos ng paglublob sa kanya ay kinuha  ng mga kawal ang latigo. Inihampas ito sa bawat parte ng katawan ni Scarlett. Napakalakas nito dahilan ng pagsigaw ni Scarlett sa sobrang sakit. Nagkasugat - sugat ang kanyang katawan at umagos din ang dugo. Ilang parusa pa kaya ang mararanasan ni Scarlett. Ilang pagpapahirap pa kaya ang gagawin sa kanya upang sumuko siya sa kanyang buhay. Naglaho na ang pag - asa ni Scarlett sa sarili. Naglaho na iyon dahil sa kanila.

"Sampo!," sigaw ng isang kawal na binibilang ang paghampas sa dalaga.

"Labing - isa!," pasingit na saad ng isa pang kawal.

"Labindalawa!," sigaw ulit ng isang kawal.

                 Makailang beses na hinampas ng mga kawal si Scarlett ng latigo. At sa bawat hampas nila ay ang pagsigaw ni Scarlett sa sakit. Kahit sumigaw siya alam niyang walang tutulong sa kanya. Ngayon ay hahampasin ulit siya ng mga kawal at sisigaw ulit siya sa sakit
hanggang sa may dumating na isa pang kawal.

"Huminto muna kayo. Bukas ay ibang parusa naman ang gagawin niyo sa kanya," saad ng kawal na dumating.

               Tumigil ang mga kawal sa ginagawa. Ibinalik nila si Scarlett sa kanyang selda. Hinagis nila ito sa loob na animo'y isang kagamitan na sira na at hindi na magagamit. Sa pagsara nila sa pinto ay ang pag - iyak ni Scarlett kasabay ng panginginig ng kanyang katawan. Magkagano'n man ay iniisip pa rin niya si Great Thorn. Mas masakit pa rin sa kanya ang paglimot ng binata.

"Patawad ... hindi ko na kaya pa. Hindi ko na kaya ang pasakit na nararanasan ko mahal. Hindi na magtatagal ang aking buhay," mangiyak na saad ni Scarlett.

                Sa kabilang dako kung saan naroroon si Great Thorn ay humahalakhak ito sa katuwaan. Nasa kanyang harapan ang babaeng nagbibigay kaligayahan sa kanya. Siya ay si Venus. Ang sinasabing pinakamagandang babae sa kalupaan. Nireto ito ni Valentina sa kanya upang siya ay makalimot. Iyon naman talaga ang gusto ni Great Thorn, ang makalimot kay Scarlett. Si Venus ay isang bampira. May malaginto itong buhok katulad ng binata. Mahaba ang buhok ng dalaga na hanggang dibdib ang sukat.  Mayroon din itong maladagat na mga mata na katulad pa rin ng binata. Malarosal ang labi nito na tumutugma sa kanyang kagandahan. Kareplika nga ito ni Great Thorn na kinagustuhan naman ng binata.

 Kareplika nga ito ni Great Thorn na kinagustuhan naman ng binata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento.)

                 Kakaiba si Venus mula kay Scarlett. Palaban ito na hindi pa niya pinapakita sa binata. Ang hindi alam ni Great Thorn ay kakampi ito ni Valentina. Ito ay parte din ng plano ng kanyang kapatid. Napatitig si Great Thorn kay Venus kasabay din ng paghimas niya sa pisngi ng dalaga. Hindi niya maipahiwatig kung siya ba ay totoong masaya sa piling ni Venus. May kulang pa rin sa binata na hindi niya maipaliwanag kung ano. Kakulangan na kahit tingnan pa niya si Venus ay hindi pa rin ito matutumbasan ng dalaga. Napangiti si Venus sa kanya. Nakikita niya ang malungkot na mga mata ni Great Thorn na kabaliktaran sa mga ngiting pinapakita nito. Kalungkutan na gusto niyang mawala. Iyon naman ang misyon ni Venus, ang paibigin si Great Thorn at makalimot na kay Scarlett.

"Thorn ayos ka lang?," tanong ni Venus.

"Oo," maikling sagot ng binata.

"Dapat lang. Kalimutan mo na siya at mahulog ka na sa akin," saad ni Venus sa isipan.

"Ngunit nalulungkot ka kaya yayakapin kita ngayon," saad ni Venus kay Great Thorn.

               Niyakap siya ni Venus ng mahigpit. Kahit papaano ay nawala rin ang lungkot ni Great Thorn. Niyakap din ito ni Great Thorn bilang sukli sa dalaga. Di naglaon ay naghalikan silang dalawa. Nabulag na nga ang binata sa kamay ng kanyang kapatid. Papaano na ngayon si Scarlett?

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now