KABANATA 11 - Bahagi 1

Magsimula sa umpisa
                                    

              Sa kabilang dako kung nasaan ni Scarlett ay pinilit nitong tumakas habang abala ang lahat sa paglalabanan. Ngunit hindi siya makatakas dahil sa sobrang tibay ng metal. Sa kanilang kinaroroonan ay may mga lobong hinagis papunta sa kanila hanggang sa natagpuan sila ng mga bampirang kawal. Sila ay inilabas sa piitan dahilan ng pagbalik ng lakas ng mga bampirang nakukulong doon.

"Scarlett tumakas ka," saad ni Sophia.

               Mula sa narinig ni Scarlett sa kanyang tita ay napatigil siya.  Hindi siya umalis kung saan siya naroroon. May plano siya. Gusto niya iyong gawin.

"Scarlett ano bang ginagawa mo?, kailangan mong tumakas dito," saad ni Sophia.

"Tita ... hayaan mong gawin ang sa tingin ko'y tama. Buong buhay ko ay naging duwag ako. Mahina ako sa paningin ko pagkat hindi ko kaya ang mga bagay na nakakapahamak sa akin. Pakiusap tita ... gusto kong makatulong kahit buhay ko ang kapalit," saad ni Scarlett na napangiti sa kanyang tita.

"Scarlett ano ka ba, huwag mo ngang sabihin 'yan," pag - aalalang saad ni Sophia.

               Umatras si Scarlett sa harapan ng kanyang tita. Gusto niyang lumihis ng direksyon. Ngumiti lamang si Scarlett papalayo kay Sophia. Nalungkot si Sophia sa desisyong ginawa ni Scarlett. Alam niyang ano mang oras ay hindi na rin magtatagal si Scarlett. Kitang - kita niya sa mga mata ni Scarlett ang pamamaalam nito kahit hindi man nito sabihin. Ayaw na ni Scarlett na maging duwag pa. Ayaw na niyang maging mahina kaya gusto niyang isakripisyo ang kanyang kaligtasan para sa lahat.

                 Nang makalayo si Scarlett sa kanyang tita ay tumakbo siya patungo sa pader. Pinilit niyang tumakbo ng mabilis kahit hinahabol siya ng mga ilang lobo upang lapain. At doon ay hindi alam ni Great Thorn na papalapit na sa kanya si Scarlett na tumatakbo. Sa harapan ni Great Thorn ay nakita niyang nakangiwi ang mukha ni Ismael. Gustong - gustong lapain ni Ismael ang binata. Gusto niyang ubusin ang lahat ng mga bampira upang makaganti. Si Great Thorn ay handa na ring sumugod. Ang mga mata nito ay pulang - pula. At 'yon nga ang nangyari. Sila ay naglabanan na animo'y silang dalawa lamang ang nandoon. Agad na tumakbo si Ismael papunta kay Great Thorn at kinagat niya ang balikat nito. Walang inindang sakit si  Great Thorn. Hinawakan ni Great Thorn ang ulo ni Ismael na naging anyong lobo at hinagis niya ito sa lupa. Napangiwi lamang si Great Thorn sa lobo habang unti - unting gumagaling ang kanyang sugat.

"Hahaha! Sa tingin mo ba Thorn ay matatalo mo pa rin ako," patawang sagot ni Ismael.

"Bakit hindi," pangiwing saad naman ni Great Thorn.

"Hindi mo ba alam na may traydor sa grupo mo," patawang saad  ni Ismael.

"Talaga?," pangiwing saad ni Great Thorn.

                 Sumugod si Great Thorn papunta kay Ismael. Ang hindi alam ni Great Thorn ay may kung anong nilalang sa kanyang likuran. Ito ay mga kasamahan ni Ismael. Sinunggaban nila si Great Thorn dahilan ng pagtumba ng binata sa lupa. Tumawa si Ismael sa kanyang nakita. Kinagat ng isa pang lobo si Great Thorn mula sa  balikat ulit at sa braso nito. Nagkagutay - gutay ang braso ni Great Thorn.

"Oh ano Thorn!," saad ni Ismael.

              Sa kanilang kinaroroonan ay ang pagpunta ni Scarlett sa kanila. Mabilis na hiningal si Scarlett dahil sa mga lobong humahabol sa kanya hanggang sa maabutan siya nito.

"Parang may kasamahan ka pa Thorn," pangiwing saad ni Ismael.

"Ano kaya ang gagawin ko sa kanya? Di bale na dahil wala namang pakialam ang mga bampirang katulad mo," dagdag pa ni Ismael.

              Napatingin si Great Thorn sa nilalang na nakasuot ng kapa. Sa pagtingin niya ay hindi niya maipaliwanag ang mabilis ng pagpinting ng kanyang puso. Sobrang bilis nito na parang gusto niya itong yakapin. Nakita din ni Scarlett si Great Thorn na nahihirapan. Kitang - kita niya ang malalim nitong sugat mula sa kanyang balikat at braso habang nilalapa siya ng mga lobo. Nag - alala si Scarlett. Hindi niya makayanang makita ang binata na gano'n. Halos mapunit ang kanyang damdamin. Mula sa likuran ni Scarlett ay ang mga lobong humahabol sa kanya. Bigla na lamang siya nitong hinagis sa lupa dahilan ng pagpikit niya. Alam niyang sa oras na ito ay lalapain na siya ng mga lobo. Kaunti na lang siguro ang natitirang porsyento ng kanyang buhay. Hanggang sa na alala niya ang dapat niyang gawin. Ang natitirang pag - asa na siyang makapagtitigil ng digmaan. Kailangan niyang kumanta. Kantang maalamat para sa mga umana (Human Bird). Kaya bago pa man makalapit ang pangil ng mga lobo ay may narinig silang kakaiba na siyang nagpahinto sa kanila maging si Ismael ay napahinto sa pagtawa.
____________________________________

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon