KABANATA 9 - Bahagi 4

Start from the beginning
                                    

Wala pa siyang kinain ng kahit ano maging ang pag - inom ng tubig upang mapawi ang kanyang uhaw. Nanghihina na siya ngunit inisip ng dalaga na magiging maayos din ang lahat. Sa maliit na porsyento ay inisip niya iyon dahil umaasa siya.

Nang dumating ang tanghali ay pumasok ang dalawang kawal bitbit ang mga kagamitan pangparusa. Nanlilisik ang mga mata nila na parang nananabik silang parusahan ang dalaga. Agad kinaladkad si Scarlett papunta sa labas ng selda. Hinawakan siya ng isang kawal ng mahigpit sapat na para hindi makagalaw ang kanyang mga kamay. Matapos no'n ay iginapos ang kanyang kamay ng kadena at isinabit ito paitas ng dingding. Ngayon ay nakatayo siya at tanging ang kanyang mga paa lamang ang nakakagalaw. Mabilis na kinuha ng isa pang kawal ang latigo. Hinampas niya ito sa likod ni Scarlett. Masakit iyon para kay Scarlett. Malakas ang pagkakahampas ng kawal. Sobrang lakas dahilan upang mapaiyak si Scarlett at mapasigaw dahil sa masakit na hinaing.

"Ah! Ta ... tama na ... pakiusap," mangiyak na saad ni Scarlett.

Kahit anong pagmamakaawa ni Scarlett ay hindi siya pinakinggan ng dalawang kawal. Patuloy lang sila sa paghampas ng latigo sa likod ni Scarlett. Nagkasugat - sugat ang likod ng dalaga. Dumanak ang dugo sa kanyang damit maging sa sahig. Ang kanyang sigaw ay nadidinig sa bawat sulok ng palasyo. Inutosan kasi ni Apollyon ang mga tagasilbi at kawal niya na maging tahimik upang marinig ang hinagpis ni Scarlett. Ito rin ay paraan upang mapaghigantihan ang kamatayan ni lola Swara.

Patuloy pa rin sa paglatigo ang dalawang kawal. Punong - puno ng sugat ang likuran ni Scarlett. Ramdam niya ang kirot na nararamdaman. Halos nanghina siya at naghihingalo. Kahit sumigaw siya ng malakas ay wala pa ring makatutulong sa kanya. Mistulang naging bingi ang lahat. Naging bulag din sila sa katutohanan. Kahit narinig ni Great Thorn ang hinaing ng paghihinagpis ni Scarlett ay wala siyang pakialam. Galit ang nararamdaman niya. Ang kanyang narinig na sigaw ay hindi pa sapat kay Great Thorn. Gusto niyang mas masaklap pa sa sigaw. Nangangati ang kanyang kamay na saktan si Scarlett kaya mabilis siyang pumunta sa selda na pulang - pula ang mga mata. Nang makapasok siya ay napakunot noo siya sa mga kawal dahil ordinaryong latigo lamang ang ginamit nila.

"Iyan lang ba ang gagamitin niyo? Walang kwenta 'yan. Tumabi kayo dahil ako ang hahampas sa kanya," pangiwing saad ni Great Thorn.

Tumabi ang dalawang kawal at hinayaan si Great Thorn. Kinuha ni Great Thorn ang kakaibang latigo. Ito ay yari sa bakal na may mga matutulis na tinik at ang hawakan nito ay yari sa kahoy.

 Ito ay yari sa bakal na may mga matutulis na tinik at ang hawakan nito ay yari sa kahoy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento.)

Agad hinampas ni Great Thorn ang latigong bakal sa paa ni Scarlett. Nasugatan si Scarlett dahil sa pagkakahampas ng malakas ng binata. Tumagos ang tinik sa laman ng dalaga. Dahil doon ay lumabas ang dugo at dumaloy ito sa sahig. Ilang beses na hinampas ng binata ang latigong bakal sa dalaga. Parang nawala sa isipan si Great Thorn. Mas ginusto pa niyang pahirapan si Scarlett. Sobrang nawasak ang puso ni Scarlett sa kanyang ginawa. Hindi akalain ni Scarlett na magagawa ito sa kanyang iniirog.

"Ah! Ma ... mahal pakiusap tama na ....," mahinang pagmamakaawang saad ni Scarlett.

"Ngayon nagmamakaawa ka na? Pagdusahan mo ang ginawa mo!," pagalit na saad ni Great Thorn.

Napaluha si Scarlett. Nakita niya ang masayang mukha ni Great Thorn. Kasayahan sa pagpapahirap sa kanya. Kasayahan na makita ang dalaga na nagdudusa. Iyon nga ba ang gusto ni Great Thorn? Nawala na ba ang pagmamahal niya sa dalaga?

Kahit ano pa lang pagmamakaawa ni Scarlett ay hindi pa rin ito pinakikinggan ng binata. Ang nakita lang ni Scarlett kay Great Thorn ay ang mga matang puno ng pagkamuhi. Napasigaw siya sa hapding nararamdaman. Hindi na talaga nakayanan ni Scarlett ang pasakit sa kanya. Parang nararamdaman na niyang mamatay na siya ngunit pinilit niyang magsalita sa harap ng binata.

"Nagmamakaawa ako sa'yo ... hindi ko siya pinatay! Bakit hindi ka naniniwala sa akin ... mahal ... bakit ....," mangiyak at panginginig na saad ni Scarlett habang nakatitig sa binata.

Tiningnan ni Great Thorn si Scarlett. Nakita niya ang dalagang punong - puno ng sugat na halos maligo na ito ng dugo. Nakita niya ang senseridad ng mga mata ni Scarlett. Para bang nagsasabi ito ng totoo sa kanya. Para bang hindi siya natutuwa kahit nasaktan na niya ang dalaga. At katulad ni Scarlett ay nadudurog ang kanyang puso. Ngunit hindi maiwaglit sa isipan ng binata ang sinabi ni Scarlett kay lola Swara. Hindi niya matanggap na hindi siya mahal nito at siya ay ginamit lamang. Dahil sa kanyang naalala ay nanumbalik ang kanyang galit sa dalaga. Agad niyang tinapon ang latigong bakal at sinampal ng malakas si Scarlett sa pisngi. Sampal na may bahid na pagkamuhi.

"Mapanlinlang!," pagalit na saad ni Great Thorn.

"Ipasok niyo na siya sa kulungan!," dagdag pang saad ng binata.

Inutos ni Great Thorn ang dalawang kawal na ibalik si Scarlett sa kulungan. Agad inalis ng mga kawal ang kadenang nakagapos kay Scarlett at pinasok na ito sa selda. Tumalikod si Great Thorn upang umalis. Nang papaalis na siya ay nadinig niya ang bulong ni Scarlett na parang inilapit sa kanyang tenga.

"Bakit hindi mo ako pinaniniwalaan ... bakit ....," pabulong na saad ni Scarlett habang umiiyak.

Napahinto si Great Thorn. Ramdam niya ang bulong ni Scarlett na parang nawalan na ng pag - asa. Tila may konsenayang nag - uusig kay Great Thorn na dapat hindi niya sinaktan ang dalaga. Pag - uusig na dapat pinaniwalaan na niya sa simula si Scarlett. Ngunit ano pang pag - uusig iyon ay binaliwala lamang iyon ni Great Thorn. Tumuloy siya sa paglalakad at tuluyan ng umalis sa kinaroroonan ni Scarlett.

Napayakap si Scarlett sa sarili. Hindi siya makagalaw dahil sa mga sugat. Naaawa siya sa kanyang sarili. Tila ba pinaglalaruan ang kanyang buhay. Naramdaman niya tuloy na siya ay mahinang nilalang na walang puwang sa mundo. Lumuha siya ulit at napapikit na lamang habang naririnig ang pagsara ng mga kawal sa silid. Kinandado nila ang silid upang hindi ito makatakas. Ngunit hindi naman talaga makakatakas si Scarlett dahil sa kanyang dinanas ngayon.

At nang oras na iyon sa selda kung saan nag - iisa si Scarlett ay may sumilip sa kanya mula sa bintana ng selda. Ang selda kasi ay may bintana ngunit ito ay hinarangan ng bakal. Tyempo din kasing walang nagbabantay sa labas ng palasyo kung saan makikita ang bintana dahil oras na din kasi para uminom ng dugo ang mga tagasilbi at kawal. Sumilip si Sophia sa bintana. Nakita niya doon si Scarlett na duguan. Nagulat si Sophia sa kanyang nakita. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng mga hari sa dalaga. Marahan niyang inalis ang mga bakal na nakaharang sa bintana. Tiniyak din niya na walang ingay na maririnig sa selda upang hindi mapansin ng mga kawal. Mabilis siyang pumasok sa loob at marahang inalis si Scarlett sa kulungan. Gising si Scarlett ng oras na iyon at sininyasan siya ni Sophia na huwag mag - ingay. Inalalayan niya si Scarlett papunta sa bintana. Doon rin ay may tumulong kay Sophia. Inabot niya si Scarlett at hinatak ito palabas ng selda. Ngayon ay nakalabas na din si Scarlett sa piitan kasama si Sophia at ng isang kasamahan niya. Binuhat ni Sophia si Scarlett at mabilis silang umalis sa palasyo.

Nagpakalayo - layo sila sa lugar na malayo sa Bezna (Dark World). Tiyak na tutugisin sila ng mga kawal ng apat na hari. Gano'n na nga ang nangyari. Natuklasan ng isa sa mga kawal na wala na doon si Scarlett. Sinumbong niya ito sa apat na hari dahilan upang magalit sila lalo na si Great Thorn.

"Hanapin niyo siya! Natitiyak kong kasabwat niya si Sophia," pagalit na saad ni Great Thorn.

Tuluyan kayang mahahanap nila si Scarlett? Ano na ang mangyayari kay Scarlett sa paghihiwalay ng kanilang landas ni Great Thorn? Malalaman ba nila kung sino ang taksil? Ano kaya ang susunod na plano ni Valentina laban kay Great Thorn?

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now