KABANATA 9 - Bahagi 1

Start from the beginning
                                    

"Kahanga - hanga," saad ni Apollyon.

"Ikaw na nga ang sinasabi nilang umana (Human Bird)," saad naman ni Lorcan.

"Hindi tayo makatitiyak kung siya talaga kapag hindi natin marinig ang kanyang awitin," saad naman ni Great Thorn.

"Kailangan mong kumanta upang makatiyak kami na ikaw nga ang hinahanap namin," saad naman ni Kieran.

"Natitiyak kong hindi ako ang hinahanap niyo. Isa lamang akong binuhay kaya siguro ay hindi niyo mabasa ang aking isipan," sagot naman ng babae na napangiwi ang labi.

"Ngunit kakantahan ko pa rin kayo upang katibayan na hindi ako iyon," dagdag pa ng babae.

              At ginawa nga  ng babae. Kumanta siya sa harapan ng apat na hari. Boses na halos mapaiyak si Scarlett dahil sa narinig niya. Iyon ang nag - udyok kay Scarlett upang pumasok sa loob ng bulwagan. Sa pagpasok niya sa bulwagan ay nakita niya ang babaeng nakatalikod. May malaniyebe itong buhok na hanggang dibdib ang haba. Makikita din ang maputing balat nito na halos hindi nabiladan ng araw. Narinig niyang kumakanta ito sa harapan ng apat na hari.

"Lay down your head and I'll sing you a lullaby
Back to the years of loo-li lai-lay
And I'll sing you to sleep and I'll sing you tomorrow
Bless you with love for the road that you go

May you sail fair to the far fields of fortune
With diamonds and pearls at your head and your feet
And may you need never to banish misfortune
May you find kindness in all that you meet

May there always be angels to watch over you
To guide you each step of the way
To guard you and keep you safe from all harm
Loo-li, loo-li, lai-lay -----," pagkanta ng babae na bigla lamang naputol.

"Tita  Sophia," mangiyak na saad ni Scarlett.

              Napahinto ang babae at tumingin kay Scarlett maging ang apat na mga hari. Hindi nila aakalain na tatawagin ni Scarlett na tita ang babaeng dinakip nila. Lumuha si Scarlett nang makita ng harapan ang babae. Nakita niya ang malaniyebeng magugulong buhok nito na kabaliktaran sa kulay na meron siya. Nakita niya ang maladagat nitong mga mata na noon ay puno ng ekspreyon ngunit ngayon ay wala na. Alam ni Scarlett ang wangis ng tita niya. Ang tita na unang kumupkop sa kanya. Ang tangkad nito maging ang kakaunting galaw ng tita niya ay alam na alam niya.

 Ang tangkad nito maging ang kakaunting galaw ng tita niya ay alam na alam niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento.)

              Agad lumapit si Scarlett sa tita niya at niyakap ito. Sa pagyakap ni Scarlett ay ramdam niya ang malamig na katawan nito. Tila ito ay bangkay na ngunit buhay pa. Maputla ito at may mapupulang mga mata. Kutob ng dalaga na naging bampira na ang kanyang tita.

"Tumahan ka na," saad ni Sophia.

"Tita salamat dahil buhay ka," mangiyak na saad ni Scarlett.

"Nabuhay ako dahil sa may bumuhay sa akin," saad naman ni Scarlett.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now