KABANATA 7 - Bahagi 2

Magsimula sa umpisa
                                    

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento.)

              Napakunot noo na lamang si Apollyon dahil hindi niya magawang basahin ang dalaga maging si Lorcan na sobrang angas kung makatingin. Agad tumayo si Valentina at lumapit kay Scarlett. Magaan ang loob niya kay Scarlett nang una niya itong nakita. Umupo ang dalawang dalaga ng magkatabi palayo sa apat na hari na tila ay masama ang timpla kapag nagtatabihan. Hinihintay nila si lola Swara sa hapag kainan. Minsan lamang silang  nagsasalo sa hapag kainan ng sabay - sabay. Ang apat na hari ay magkatabi habang ang dalawang dalaga ay dalawang upuan lamang ang layo sa kanila. Tahimik lamang ang mga ito maging si Scarlett maliban kay Valentina na sobrang ingay. Gusto niyang makipag kwentohan sa mga ito upang maiba naman ang awra ng lugar. Sa pagkakaupo ni Scarlett ay may tagasilbing pumunta sa kanyang kinaroroonan. Inilagay nito ang pagkain ni Scarlett sa harap niya. Doon ay nagdadalawang isip si Scarlett na kainin ang pagkaing inihanda sa kanya dahil sa tuwing kakain siya ay inaalis niya ang kanyang bandana.  Palihim siya kumakain sa palasyo ni Great Thorn upang hindi makita ng iba ang kanyang tinatagong lihim. Nahihirapan din siyang kumain kapag may bandanang nakaharang.

              Tiningnan lamang ni Scarlett  ang pagkain. Nais niyang kumain pagkat gutom din siya ngunit natatakot siyang malaman ng mga kasamahan niya ang kanyang sekreto. Napansin ito ni Apollyon maging ang mga pinsan niyang hari. Napakunot noo siya dahil hindi man lang ginalaw ni Scarlett ito.

"Bakit di mo ginalaw ang pagkain?," malamig na saad ni Apollyon.

"Ha...ka....kasi...hindi ako...kumakain...pag...may mga kasama...," saad naman ni Scarlett.

"Kumain ka baka sabihin ni Thorn na hindi ako marunong trumato ng mabuti sa'yo," pangising saad ni Apollyon na tila ay inaasar si Great Thorn.

               Nanlilisik ang mga mata ni Great Thorn nang marinig ang pinagsasabi ni Apollyon. Napakunot noo siya sa kanyang pinsan. Tila naghahanap yata ng away si Apollyon. Hindi niya magawang tingnan ni Great Thorn si Scarlett dahil kapag ginawa niya iyon ay nawawalan siya ng kontrol sa sarili lalo na't katatapos lang ng asul na buwan. Dahil kapag natapos ang asul na buwan ay ilang araw din ang mga bampirang lalaki na mawala sa kaisipan na uminom ng dugo at sumiping ng mga babae. Iyon din kasi ang araw na sila ay naging agresibo. Iyon din ang panahon ng pagpaparami ng kanilang lahi. Buti nalang ay tumagal ang mga hari sa mundo kung kaya't kaya na nilang kontrolin ang sarili.

"Ba't di mo na lang alisin ang iyong bandana upang hindi ka mahirapan sa pagkain," saad naman ng isang babaeng lumapit sa hapag kainan.

              Lumapit si Beatrice, ang kapatid ni Kieran. Nakakrus ang mga braso nito habang nakatingin kay Scarlett. Ang tingin niya ay parang nagtataray sa dalaga. Hindi niya gusto si Scarlett dahil sa karibal niya ito sa pag - ibig. Simulat sapul ay gusto niya si Great Thorn.

"Alisin mo ang iyong bandana upang makakain ka, tao ka di ba?, ang tao kapag hindi makakain ay manghihina...baka ano pa ang mangyari sa'yo at kami pa ang sisisihin sa huli," pagtataray ni Beatrice.

"Hoy!, huwag mo ngang awayin si Scarlett," pakunot noong saad ni Valetina.

"Oh nandito ka pala Valentina, hindi kita napansin," pagtataray ni Beatrice.

"Aba!, maldita talaga 'to!," saad naman ni Valentina.

            Nagkainitan ng tingin sina Valentina at Beatrice. Hindi sila magkasundo. Ang totoo ay magkalaban sila katulad na lang nina Lorcan at Great Thorn. Kahit magpinsan sila ay hindi nila gusto ang isa't isa. Napakunot noo rin si Kieran. Ayaw niya ng gulo lalo na sa hapag kainan dahil bastos ang ganitong gawi kaya ang ginawa niya ay pinagalitan ang dalawa.

"Tumahimik na kayo, nasa hapag kainan kayo kaya matuto kayong romispeto," pagalit na saad ni Kieran.

"Ba't di nalang kasi niya alisin ang bandana upang wala ng away," saad naman ni Beatrice.

"Alisin mo na ang bandana," saad naman ni Lorcan na maangas ang tingin kay Scarlett.

             Napatingin silang lahat  kay Scarlett habang si Great Thorn naman ay tahimik lang. Gusto ding malaman ni Great Thorn ang katotohanan tungkol kay Scarlett kung bakit ito laging nakatakip ang mukha. Nagdalawang isip si Scarlett na gawin iyon. Alam niya kung ano ang  mangyayari sa kanya kaya kinailangan niyang magsinungaling kahit hindi man sila maniwala.

"Ha...ka...kasi...nahihiya...akong alisin ang aking bandana... may peklat kasi ako sa mukha," saad ni Scarlett.

              Napayuko si Scarlett matapos niyang sabihin iyon. Humiling siya ng taimtim na sana ay mapaniwalaan siya ng mga ito. Ngunit sadyang hindi marunong magsinungaling si Scarlett. Napansin kasi nila na nagsisinungaling ito maging si Great Thorn. Nagkaroon ng koryusidad sila sa pagsisinungaling ni Scarlett. Mayroon talagang lihim ang dalaga.

"Ano ba ang sekretong tinatago mo?," saad ni Great Thorn sa isipan.

"Hay! Tama na nga 'yan..., hali ka na Scarlett sa ibang lugar na lang tayo kumain....hayaan mo na sila diyan," saad ni Valentina na napakunot noo sa kanyang kuya at maging sa kanyang mga pinsan.

             Hinatak ni Valentina si Scarlett palayo sa kanila dahil naging magulo na ang sitwasyon. Iyon na rin ang paraan upang malayo si Scarlett kay Beatrice. Tumungo ang dalawa sa tore ng palasyo ni Apollyon. Wala kasing mga nilalang na nandoon. Napatingin lamang si Valentina sa kanya. Naiintindihan niya si Scarlett sa sitwasyong may pinaglilihiman ito.

"Scarlett alam kung may lihim kang tinatago, napansin namin iyon, ayos lang kung hindi mo man sabihin," pangiting saad ni Valentina.

"Patawad Valentina kung nagsinungaling ako kanina, ang totoo ay wala akong peklat sa mukha" saad ni Scarlett.

"Kung gano'n bakit ka nakatakip ng bandana?," tanong ni Valentina na nagtataka.

"Valentina pwede bang huwag mong sabihin ito...," saad ni Scarlett.

"Kung ano man 'yan...pangako hindi ko sasabihin," pangakong saad ni Valentina.

             Dahan - dahang inalis ni Scarlett ang kanyang bandana. Dahil doon ay nakita ang buong mukha ni Scarlett. Ang kaakit - akit na mukha nito. Nang makita ito ni Valentina ay napanganga siya at napamangha sa nakita. Iyon kasi ang kauna - unahang pagkakataon na makakita siya ng ganoong kagandang wangis.

"Napakaganda mo Scarlett...para kang diyosa," saad ni Valentina na napamangha.

"Ang swerte talaga ka ng kuya ko sa'yo, kaya dapat umayos siya," dagdag pa ni Valentina.

"Ngunit dahil dito ay napapahamak ako," malungkot na saad ni Scarlett.

"Bakit mo na sabi iyan?," pagtatakang saad ni Valentina.

"Dahil simula bata ay lagi na lamang akong tinutugis ng mga kalalakihan upang maging asawa nila...lagi akong nagtatago dahil sa kanila," malungkot na saad ni Scarlett.

"Patawad sa tanong ko, heto....kumain ka ng tinapay...alam kong gutom ka," paanyayang saad naman ni Valentina kay Scarlett.

              Kumain si Scarlett ng tinapay dahil sa gutom na siya. Hindi kasi siya kumain ng haponan noong pagsapit na asul na buwan. Ang hindi nila alam sa kanilang pag - uusap ay nandoon si Beatrice na nakikinig sa kabilang pader na sinasandalan ni Scarlett. Matapos marinig ang pinagsasabi nina Scarlett at Valentina ay umalis ito na nakangiwi ang labi.

"Humanda ka Scarlett....malalantad ang lihim na iyong tinatago," saad ni Beatrice na may masamang plano.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon