KABANATA 6 - Bahagi 1

Magsimula sa umpisa
                                    

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento.)

           Kalmado itong nakatitig sa kanya na kanina pa naghihintay sa dalaga. Umupo din si Alexa at napangiwi ang bibig. Nagbigay ng nakapanlilisik na tingin ang lalaki sa kanya at nagsalita ito sa dalaga.

"Buti naman at dumating ka," saad ng lalaki.

"Inaasahan mo pala ako, hmmmm...huwag na tayong magpaligoy - ligoy pa," prangkang sagot ni Alexa.

"May kapalit ang impormasyong hinihingi mo," saad naman ng binata.

"Hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinag - uusapan nila Roscoe.. pwede namang ibang nilalang di ba?," saad naman ni Alexa.

"Hindi ko rin alam kung bakit gustong - gusto mong malaman ang tungkol doon, ano ba ang gusto mong mapatunayan?, kapangyarihan?..... posisyon?," saad ng lalaki.

"Papaano kung sasabihin ko sa'yo na gusto kong maging reyna ng Nordic Deces (Death in North) at ang maging kapantay sa mga namumuno sa ibang direkyon ng Bezna (Dark World), saad ng dalaga na napangiwi.

"Palihim ka pa ring gumagawa ng masama Alexa," saad ng binata.

"Kilala mo ako Roscoe, ngayon...sabihin mo na ang gusto kong malaman," direktang saad ni Alexa.

"Makikita mo siya sa Recondita Silva (Hidden Forest) na matatagpuan lamang sa gitnang bahagi ng Silvic Vila (Mansion Forest),"  sagot ng binata.

"Alam ko ang lugar, na 'yan, lugar 'yan ng matandang impakta," saad naman ni Alexa.

"Ano ang gusto mong kapalit?," dagdag pa ni Alexa.

"Babae," maikling sagot ng binata.

"Babae?, ilang parausang babae ba ang gusto mo at bibigyan kita agad," pangiwing saad ni Alexa.

"Mali ang iniisip mo, gusto ko 'yong babaing nakatakda sa iyong hari," saad naman ng binata.

"Nakakapagtaka kung bakit siya ang gusto mong makuha, pero mas natutuwa ako sa hiling mo, kung mawawala siya....wala ng hahadlang pa sa mga plano ko," saad ni Alexa.

"Palihim kang pumunta sa likuran ng palasyo bukas ng umaga at doon ay makukuha mo ang hinihiling mo," dagdag pa ng dalaga.

             Agad umalis si Alexa sa lugar kung nasaan ang binata. Mabilis siyang nawala na parang bula. Bumalik siya sa palasyo na parang walang nangyari. At sa paglalakad papunta sa kanyang silid ay naabutan niya si Scarlett. Nginitian niya ito ng ngiting may gagawing masama. Gayon na lamang ang pagkataka ni Scarlett kay Alexa. Alam ni Scarlett na hindi rin maganda ang pagtrato nito sa kanya. Gabi na rin ng araw na iyon. Iyon din ang oras ng pamamahinga ni Scarlett. Pumasok si Scarlett sa kanyang silid. Halata sa kanyang mukha ang pagod dahil sa mga utos ng hari sa kanya. Hindi niya mawari ang ugali nito dahil kung minsan ay mabait ang binata sa kanya at kung minsan naman ay masungit.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon