Na makukuha ko ang pagiging Valedictorian kagaya ni Tricia.

Na aakyat sila ng stage na taas noong ipagmamalaking anak nila ako.

But it turned out na umalis sila ng bansa nila mama for other business trip. kasama si tricia, regalo ni papa sa kanya dahil nanalo siya sa national competition.

I felt like I'm outcast. wala sa pamilya ng mga Veloso. sampid, pahirap, walang kwenta, mahina...

Hindi ko alam kong aattend ako ng graduation at kukunin ang medalyang hindi sapat para sakin.



Ang iba kong mga kaklase ay masayang masaya dahil nakatapos sila ng high school. they are ready to face college life kahit walang karangalan natatanggap.

Samantalang ako, simula nung tumungtong ako ng high school ay sinikap kong mag-excel. Sinikap kong manguna, sinikap kong makita, mapansin, but at the end of the day, ako pa rin ang nawala, ako pa rin ang naging invisible, ako pa rin ang natalo, ako pa rin ang nahuli at ako pa rin ang nadaya.



Iniwas ko ang aking mga mata kay papa. Wala na ang matapang nitong mga mata. yung matang kinatatakutan kong tingnan.

Lumubog na iyon ng bahagya at namumutla ang kanyang balat.

"Hanna , Hanak,,(Anna Anak)." His tears are flowing in his eyes. He was wailing. Dahilan para mas lalo siyang mahirapan magsalita.

Inabot ko ang kanyang kamay na nagpupumilit na abutin rin ako.

Naramdaman ko ang init at higpit ng kanyang palad.


"Pa, kamusta na po?" Pinahid ko ang luhang hindi ko napigilan ilabas.


Mas lalo kong naramdaman ang mahigpit na pagkapit nito sakin kamay. Hinihila nito ako papalapit sa kanya.


"Hanna, forrgive papa, I'm sorry Hanak..patawarrrrin mo..hako...." Iyon lang ang naintindihan kong mga salita na pilit nitong binibigkas ng deristo sa kabila ng paghikbi.

Hindi ako makasagot. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Pinaramdam ko sa kanya ang pagpapatawad na hinihingi niya sakin,

Ang pagpapatawad na matagal ko nang binigay sa kanila.

Ang pagpapatawad na pinakaaasam nito..


Walang dahilan para ilayo ko sa kanila ang isang bagay na pwede kong ibigay.

Walang dahilan para paikutin ko sila sakin mundo at ipaalala ko ang lahat ng mga mga insecurities na naramdaman ko nung bata ako.

Walang dahilan para ipamukha ko sa kanila ang lahat ng pangungumparang natanggap ko sa kanila.



He is my Father. Sa pananaw ko ay malaki ang pagkukulang nito para sakin bilang ama, bilang kapamilya.


"We are trying to protect you princess." Isang beses na napalo ako dahil nahuli kaming umakyat ni Jocel sa puno sa likod ng bahay para kumuha ng mangga.


" We love you at hindi kami mapapalagay kung hindi ka namin makikita araw araw." Nung mga panahon pinipili kong mag-aral sa New York dahil mas alam kong madami akong matutunan don.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Where stories live. Discover now