CHAPTER 50

109K 1.5K 34
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT


Anna's POV

"Do you know each other?" Nagpalipat lipat ng tingin si Joel samin tatlo habang nanatiling nakangisi si Nilo.

Sunod sunod ang aking paglunok sa ginagawa ng kaibigan ni Cyrus.

nakakainis ang pagmumukha nito.

halatang may binabalak na hindi maganda at nakatoon pa rin ang mga mata sakin.

Walang sumasagot ni isa samin at ang magaling na si Cyrus ay nandon lamang at nakikita ko na ang pagpuyos ng kanyang galit.

Hindi ko alam kong tatanggalin ko ang mga kamay ni Joel sakin balikat dahil kaharap ko ang aking asawa at alam kong hindi nito kayang itago ang nararamdaman.

Handa nitong ipakita ang kanyang galit sa harap ng ibang tao kahit sa ganito kainit na sitwasyon.

Liningon uli ako ni Joel at hindi na maikaila ang katanungan sa mukha nito.

"Do you know them?"

Napamura ako.

Pano ko sasagutin ang stupid question ni joel?

napalunok akong muli.

Para akong kandilang sinindihan sa magkabilang dulo at wala akong paglalagyan.

Unti unti akong mauupos at mamamatay nalang.

Pero mas nabigla ako nang lumapit sakin si nilo at walang pasabi sabing hinalikan ako sa pisngi.

Nakita ko ang paglaki ng mata ni Joel.

Madiin ang pagkakalapat ng labi nito sakin pisngi habang nakangisi pa rin ito.

Sa gilid ng aking mga mata'y nakikita ko ang unti unting pagkalma ng kasama.

"I'm happy to see you Anna, sooo Happyy.." at binalingan nito ng nakakalokong ngiti si Cyrus. Namalayan ko nalang paalis na ito sakin harapan ng tapikin ako.

Hindi pa rin ako gumagalaw.

Hanggang sa naglakad na rin si Cyrus. hindi ko alam kong tatakbo ako o mananago sa paglapit nito.

Bawat hakbang ng paa nito'y sumasabay sa paglagabog ng aking puso.

Para itong nahuhulog, at nahuhulog nang nahuhulog. Naririnig ko ang paglagapak pero wala itong tigil sa pagkahulog.

Nagpigil ako ng hininga at ang naririnig ko nalang ay ang pagmute button ng TV. yung tipong straight line ang naririnig mo.

Naamoy ko ang pamilyar na pabango na lagi nitong ginagamit.

It's been along time pero bakit siya pa rin ang dating siya.

Naramdaman ko ang hangganan ng nakakabinging kalabog sakin puso.

but to my disappointment, para lang itong hangin dumaan sakin harapan.

Huminga ako ng malalim habang nanatili akong tuod sakin kinaroroonan.

Bakit ganito?

Ano ba ang iniexpect kong mangyari?

Iniexpect ko ba na yayakap ito sakin, luluhod sakin harapan.. maghahabol muli..

Sunod sunod ang pagmumura ko sakin isipan. 

Stop those nonsense Anna..

Galit ka sa kanya!!!

Napopoot ka sa kanya!!

Wag kang mawala sa tamang step ng sayaw kundi mapapahiya ka!!

Magkakamali kang muli.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Where stories live. Discover now