CHAPTER 42

102K 1.5K 37
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT



Anna's POV....




Kawalan....


Ito ngayon ang nakikita ko sa mga sandaling ito.


Ramdam ko ang lamig ng paligid. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa isang kawalan walang mundo.


Walang mga tao, wala akong makita kundi ang kawalan.


Kawalan ng hangin,


kawalan ng kulay,


kawalan ng buhay.


Sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa.


Bawat pagtapak ko ay nagkakarun ng alon.


Hinakbang ko uli ang aking paa at ganun muli ang nangyari.

Nagpatuloy ako sakin paghakbang sa di ko malamang dahilan.


Nakakita ako ng isang liwanag.

Ito na marahil ang sukdulan ng kawalan kinaroroonan ko ngayon.


Hinakbang kong muli ang aking paa subalit naagaw ang aking atensyon ng mga sanggol na umiiyak.



Bumalik ako sa daang nilalakaran ko kanina.

then, I saw babies crying out loud.

I gasp nang makita kong walang mukha ang dalawang bata.


Bigla akong kinabahan, pero nilabanan ko ang takot.


Habang lumalapit ako ay pakiramdam ko nama'y lumalayo sila sakin.

Sinubukan kong bilisan ang paglalakad, pero kung gaano kabilis ang aking paglakad ay ganoon rin kabilis ang paglayo ng mga bata sakin.


Nakaramdam ako ng pagtulo ng aking mga luha at hindi ko alam kung ano ang dahilan niyon.


Nakaramdam ako ng mainit na pagtulo ng likido sa pagitan ng aking paa.

at ang kawalan ay tila nilalamon ng dugong nanggaling sakin.


Unti unti itong nagkalat sa buong kapaligiran.

Inabot pati ang sanggol na ngayo'y inaanod papalayo sakin.


"Mommy.."


Napasinghap ako ng makita ko si Cyrus, duguan ang katawan nito at may karga kargang mga bata.


Binalikan ko muli ang dalawang bata pero wala na ito roon,


THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon