Chapter 58

97.1K 1.5K 25
                                    




Nakita ko ang pagpikit ni Cyrus nang ginagamot ko ang galos na likha ng pagkasagi ng braso nito sa sasakyan kanina.

"I'm sorry." Ani ko nang nakatuon ang mga mata sa sugat niya.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kanyang opisina.

Ang dalawang bata'y nakaupo sa couch kasama si Tyra habang kumakain.

Mabuti nalang at natigil na sa pag-iyak si Cristine nang bilihan siya ng ice cream ni nilo pagkaakyat namin sa opisina.

"It's okay mommy." Tiningala ko ang naakawang na labi ni Cyrus. Titig na titig ito sakin at hindi ko alam kong sasagot ba ako sa kanyang sinabi.

Since nung maakyat kami rito ay inasikaso ko na ang maliit na sugat nito. Wala naman sugat si Cristine at hindi naman natrauma sa nangyari.

Inakyat kami ng nurse sa clinic pero pinaiwanan lamang ni Cyrus ang mga gamot dahil siya nalang daw ang gagamot sa sarili.

Pero hindi ako pumayag. Meron din naman akong konsensya at utang na loob sa kanyang ginawa sakin anak.

Narinig ko ang mumunting hagikhikan nila Carlo habang nilalaro ni Nilo. Wala na si tyra at hindi ko alam kong san na naman nagsusuot ang babaklitang yun.

"Okay na ba si Cristine?" Nilingon kong muli si Cyrus na niluluwagan ang pagkatali ng kanyang neck tie, napalunok ako habang pinagmamasdan kong ginagawa niya yun.

Jezz.

Bakit ang seksi niyang tingnan habang niluluwagan ang Neck Tie? Sa simpleng galaw nito, maging sa pagtanggal ng ilang butones sa suot na polo, nakakamura.

I nod at pinagpatuloy ko ang naudlot kong ginagawa kanina.

Narinig ko ang kanyang pagtikhim, hindi ko yun pinansin dahil nilalagyan ko ng benda ang sugat. Nang matapos na'y bigla niyang hinawakan ang aking kamay.

Wala akong nagawa kundi ang makipagtutukan sa kanya.

His eyes are unreadable.

Hindi ko mabasa kong ano ang nasa kanyang isip at kong ano ang plano niyang mangyari.

He is inscrutable at sa sobrang lalim niya'y hindi ko mahanap ang sagot sakin mga tanong.

Ano ano nga ba ang mga tanong na yun?

Hindi ko rin alam..

Sa sobrang dami'y wala akong maisip na sagot.

"Yung nangyari kanina sa elavator..."

"I'm sorry nabigla ako.." Pagpuputol ko sa kanyang mga sinabi and that word came to my mouth without hesitation.

"Hindi ko sinasadya na sabihin yun sayo." I looked to his eyes and I see hope. Pag-asa na hindi ko alam kong kelan ko huling nakita.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nito sakin kamay. This time dalawang kamay na niya ang bumabalot sakin kanan palad.

"We're not yet okay Cy.." Patuloy ko pa.. bumagsak ang balikat niya at yung pag-asang nakikita ko kanina'y tila nabago ng matinding lungkot.

Para akong nagbigay ng isang laruan sa kanya at binawi ko naman agad ito.

"Mommy, I want to go the bathroom." Aniya Carlo habang lumalapit samin.

Natigil ito at natuon ang mga mata kay Cyrus na nakatingin din naman sa kanya.

Nginitian siya nito pero nginusuan lang siya ng bata,

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon