CHAPTER 20

104K 1.5K 32
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...



Cyrus POV


"Totoo ba ang narinig ko."
Pagkumpronta ko kay Ana.

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko sa kanilang usapan ni Jocel.

I thought lahat ng pinaniniwalaan kung mali ay totoo, pero bullshit lahat pala ng mga nangyari ay nakaplano at plinano niya ang lahat.

"Cyrus.." Binaba niya ang tingin sakin.

Ayaw kung paniwalaan ang aking mga narinig.

Pero lahat ng yun nag-eecho pa rin sakin isipan. Nag-iwan ito ng mga bakas na parati kong nakikita.

"Mabuti nalang friend at success ang plano mo, talagang nakatali na sayo si Cyrus ha.,"

Si jocel, papanhik na sana ako sa sala subalit natigil ako ng nakita ko silang seryusong nag-uusap.

"Ano ka ba, baka may makarinig sayo." Biglang saway ni Anna.

Mas lalo tuloy akong nacurious sa kanilang pinag-uusapan.

"Sorry, pero seriously, sure ka na ba na di ka iiwan ni Cyrus sakaling bumalik si tricia?"

nagdesisyun akong manatili sa likod ng pinto papunta ng sala. doo'y mas klaro at mas rinig ko ang kanilang pag-uusap.

"I don't know, pero yun ang sabi niya sakin. hindi niya kami iiwan. at nararamdaman ko naman na kahit papanu, unti unti niya na akong minamahal."

"Alam mo friend, kahit sa umpisa mali ang ginawa mong pagpretend na hindi mo sinasadya ang nangyari, kahit papanu, natuto ka na rin sa ginawa mo."

Nakunot ang aking noo. hindi ko mapagtanto kung ano ang sinasabi ni Jocel. Pretend? Who's  Pretending?

"Tsaka friend, yang baby, palakihin niyo ng maayos. Bigyan niyo ng bongacious na family." 

"Thank you friend. alam ko naman sa umpisa palang ay mali na ang ginawa ko. Oo aminado ako na plinano ko na may mangyari samin. I dressed like her and looked like her, at kahit mali ginawa ko pa rin. then nag end sa ganito, pero sabi nga nila lahat may purpose, lahat may rason. at sana yung rason na yun, magpaunawa samin lahat kung bakit nangyari samin ito."

Namilog ang aking mga mata sa huling sinabi ni Anna.

So all this time pinaniwala niya akong nagkamali lang kaming dalawa ng may mangyari samin noon.

Na hindi sinasadya ang nangyari samin dahil pareho kaming nasa impluwensya ng alak.

Na walang pwedeng sisihin kundi ako lang.

Napangiwi ako dahil ayaw kung tumulo ang luhang walang basehan para lumabas.

Bakit ako nasasaktan ng ganito?

Bakit ako pinaglalaruan ng taong to?

Hindi ko na kaya pang pigilan ang aking nararamdaman at nagtuloy na ako samin kwarto.

Galit na galit ako!!

Galit na galit ako sa ginawa ni Anna!!

Sinira niya ang buhay ko!!

ang samin ni tricia!!

Bakit ko nga ba hindi naisip na planado ang lahat!!

"Nasan ka nung gabing may mangyari satin? Nasa Bar ka rin ba? Sino mga kasama mo? " Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon