CHAPTER 11

115K 1.9K 28
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..


-ANNA'S POV-

Lumipas ang isang linggo, lumipat na rin kami sa bagong bahay namin sa Paranaque.

"Namin" kasi gusto ni Cyrus na pag-aari ko rin ang bahay na iyon.

Medyo nasasanay na ako sa araw araw na routine ko bilang Mrs. Brazil.

Maaga akong nagigising para magluto. Bago matulog ay hinahanda ko na ang mga susuutin niya para sa kinabukasan sa opisina. Nagpaplantsa rin ako at naghuhugas ng mga pinggan kahit na ayaw na ayaw niyang gawin ko iyon.

Aminado ako na sa una mahirap lalong lalo na ang mag-adjust sa ganitong klase ng set up. Hindi ako kumakain ng dinner ng hindi siya kasabay ganundin ito sa agahan.

Bago umalis para magtrabaho ay sinisigurado kong maayos na ang lahat ng kanyang mga gamit. Maging sa pag-uwi ay palagi akong nakasilip sa bintana sa sala para tingnan ang pamilyar na kotseng sinasakyan nito.

Minsan naman, nakakaramdam ako ng pagkabore, pero imbes na iukopa ko ang aking pag-iisip sa mga problema, nag-iisip ako ng gawain na pwede kong pagkaabalahan.

Kasalukyan kung hinahanda ang mga damit ni Cyrus. Nasa C.R siya't naliligo. Kakauwi niya lang galing ng trabaho at tapos na rin kami kumain.

Maya maya lang ay lumabas itong tanging tuwalya lamang ang tumatakip sa pang-ibabang katawan.

Hindi ko naman maiwasan hindi mapatingin sa kanyang katawan. I have this feeling na parang tumutulo ang laway ko tuwing nakikita ko ang abs niya.

Binasa ko ang aking labi lalo pa't para akong asong naglalaway sa karneng naglalakad sakin harapan.

Napailing ako sakin sarili at nag-iwas ng mga mata. I'm deffinetly sure na iyon ang pinaglilihian ko sa kanya. Kahihiyan man isipin pero hindi ko magawang pigilan ang aking sarili na hindi hawakan iyon tuwing nahihimbing ito sa pagtulog.

"Enjoying the view huh?" umangat ang gilid ng labi ni Cyrus ng magsalita. tumalikod ako sa kanya at kunwari hindi ko narinig ang kanyang sinabi.

Sana man lang ay hindi nito alam ang pinaggagawa ko sa kanya. Kapag natutulog lang kami nagkakaron ako ng pag-asa na pagnasahan ang katawan nito.

Hindi ko malubos maisip kung pano ko halik halikan iyon. Para akong bampirang uhaw sa dugo nito.

Umigham siya at bahagyang nahulog ang hawak kong tuwalya.

Aabutin ko na sana subalit nauna na itong magpulot.

Nakangisi pa rin ito at ako nama'y pinamumulahanan ng pisngi.

"Ako naman ang maliligo." halos magkanda mali mali ako sa pagsasalita. Heto na naman ang pakiramdam ko na nag-iinit.

Amoy na amoy ko ang body wash na kanyang gamit at napanguso ako. Mas lalo lamang tumitindig ang aking balahibo sa tuwing naaamoy ko siya.

Nagtuloy ako sa CR pero hinahataw pa rin ang aking puso ng kalabog at hindi ko magawang pumirme.

Para mawala ang di kaaya ayang pakiramdam na ito ay minabuti kong maligo na rin. Kinuskos ko ang dapat kuskusin at nagsabon ako ng mabuti.

Nang matapos ay nadako ang tingin ko sa salamin at napansin ko ang maliit na umbok sakin tyan. Napangiti ako.

Aminado ako na kinawiwilihan ko ang buhay may asawa at kaunting panahon nalang ay magiging ganap na akong ina.

Pinutong ko ang aking buhok at kinuha ang towel subalit natigil ako ng mapansin wala nga pala akong dalang pamalit.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon