CHAPTER 41

104K 1.6K 252
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..



Cyrus POV.....



Tiningnan ko na lamang ang higaan kinalalagyan ni Anna habang tinutulak ito patungo sa emergency room.

Tuluyan na akong nawalan ng lakas ng mawala si Anna sakin paningin.

Nagpatuloy ang aking paghikbi at hindi ko alam kung hanggang kelan mauubos ang luha sakin mga mata.


Ako dapat ang nakakaranas ng paghihirap na hinaharap ni Anna ngayon.


Ako dapat ang nasagasaan,


Ako dapat ang nasaktan.


Ako sana ang namatay.


Bakit?


Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ay samin pa naglaro ng ganito ang tadhana?


Bakit sa dinami dami ng masasamang tao, bakit hindi sila ang nakakaranas ng ganito?


Bakit kami pa, bakit ang asawa ko pa?


Hanggang ngayon, ang punyal na ako mismo ang nagtarak sakin puso ay nanatiling naruon at unti unting dumudurog sa lahat ng aking sistema.


Daig ko pa ang paralisadong tao na hindi magawang makatayo dahil sa kalugmukan.


Ako ang umalis ng karapatan na maging masaya ang pamilyang meron ako.


ako ang siyang nagtulak kay Anna para kamuhian ako.


At ang pinakamasakit sa lahat,


Ako ang nagdeisyon para pagkaitan mabuhay ang aking mga anak.


Wala akong kwentang Ama.


Wala kong kwentang tao.


Pano ko nagawa sa sarili kong pamilya to?


Pano ko nagawang pabayaan at panuurin nalang ang aking asawa na naghihirap at nagdurusa.


Wala akong pwedeng sisihin sa mga nangyari kundi ako lamang.


Wala akong pwedeng pagbalingan ng aking galit, sakit at hinanakit kundi sa sarili ko lamang.


Nilinga ko ang mga taong bagong dating.


Isa isa nila akong nilapitan.


Pano ko sasabihin sa kanila ang lahat?


THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Where stories live. Discover now