CHAPTER 65

88.3K 1.4K 21
                                    


"Tulog kalang baby, malapit na tayo." Ani ko kay Cristine nang magising ito mula sa mababaw na pagkatulog. Nasa sasakyan na kami ni Cyrus. Lumapag ang sinakyan namin private jet na pag-aari ng aking asawa sa Hellipad ng Brazil Empire.

Pagkababa ng building ay sinalubong agad kami ng limousine ng kompanya.

Hindi ako nalula sa byahe ng private jet, mas nalulula ako sa mga nakikita kong yaman na nakapaligid samin ngayon.

Humimpil ang sasakyan sa pamilyar na mansyon samin harapan. Kahit sa labas na kinaroroonan nami'y nakikita ko ang karangyaan ng aking pamilya.


Pumasok ang sasakyan sa loob ng bahay kasabay ng pagkagising ng tatlo.

Huminga ako ng malalim. Kumakalabog ang aking puso.

Nakakaramdam ako ng takot sa di ko malamanang dahilan.


Sino ba ang dapat na makaramdam ng ganito?

ako nga ba?

Ako na nang-iwan at nagkait ng kapatawaran?

O sila na nanakit at naghahabol ng aking pagpapatawad?


"Wow !! is this you're house mommy, it's soooo BIGG.." Manghang saad ni Carlo habang nililibot ng paningin ang buong kabahayan.


"Are we going to stay here?"


Umiling ako. Sinulyapan ko si Cyrus na nakatangin lang rin samin.

" We will be staying in our own house." Aniya ng ama at inabot ang kamay ni Cristine.


"Wow!! ang dami naman bahay natin." Amaze na saad ng mga bata habang ginagala ang mga mata sa magarbong bahay ng mga Veloso.


Yes this is mine. I'm part of undying legacy of the Veloso Family.


"Daddy Cyrus!!! Daddy Cyrus!!!" Natuon ang atensyon ko sa batang nagtatakbo papunta sakin asawa. Wala itong suot na pang-itaas maliban sa superman na underwear. Nasa likod nito ang medyo kaidaran ni Tyrang dalaga. Siguro iyon ang katulong nito. Pero teka, kanino anak ang batang ito? hindi kaya?


"Tristan!!" Masayang sinalubong ni Cyrus ang bata at bahagyang nabitawan si Cristine. Tumalon ito sa tinatawag sa daddy at nagtatalon pa rin sa tuwa kahit naikulong na ni Cyrus ito sa mga bisig.


"Wow. Bigat na ni Superman ah." Pinugpog nito ang halik ang bata at animo'y nawala kami sa larawan pinipinta ngayon.

Naramdaman ko ang pagkapit ni Cristine sakin kamay ganundin si Carlo na nakatuon sa dalawa.


"Daddy!! daddy!! you are home now!! Daddy!! daddy!!" Paulit ulit ito sa mga sinasabi at parang kinakanta nito ang mga salita.


"I miss you Daddy, mama told me last night that you're going home.. aren't you go anywhere?" Inosenteng tanong nito habang nakahawak ang mga kamay sa pisngi ng lalaki.

Ayaw kong kumpirmahin pero may kutob akong ito ang batang dinadala ng aking kapatid noon.


"No buddy, I'm staying here, with my family." Aniya ni Cyrus. Tumingin ang dalawa sa gawi namin at nang makita kami ay parang naalala kami nito.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon