CHAPTER 2

154K 2.4K 34
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...


-CYRUS POV-


"Cyrus tama na yan." Panay ang saway ng kaibigan kong si anthon. Kanina pa ako umiinom sa kanyang bar para kalimutan ang mga nangyari nitong nakaraan.

"Pabayaan mo ako pare." naiinis na ako dahil kanina pa niya inaagaw sakin ang alak na babayaran ko naman.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na kami ng babaeng apat na taong kung nakasama. Ang masakit pa'y pinagpalit niya ako sa pangarap na kaya kong abutin sa kanya.

May tiwala ako kay tricia, hindi ko lang kayang mawalay ng matagal sa kanya lalo pa't malapit na ang aming kasal.

Tapos ngayon pa, ngayon pa kami naghiwalay.

Ang nagpapasama pa ng aking loob ay parang balewala lang kay tricia ang pag-iwan niya sakin. Masakit maiwan lalo na kung todo todo kang nagmamahal.

Ayokong matulad sa iba ang aming relasyon na pagkatapos ng mga pagsubok na pinagdaanan ay maghihiwalay rin kalaunan.

"I'm just thinking about my dreams Cyrus, pagbigyan mo naman ako." iyon ang paulit ulit na mga salitang sumasagi sakin isip.

at pakiramdam ko, hindi ako parte ng kanyang mga pangarap sa buhay, samantalang siya, All I want is her.

Naiintindihan ko na may pangarap siya, na may gusto siyang maabot.

napamura ako.

apat na taon..

apat na taon katumbas ng mga salitang tumibag samin pagsasama.

Ganun lang ba kadali ang lahat? Ang ibasura nalang ang lahat ng mga masasaya namin pinagsamahan.

Nagbago naman ako. Siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ko, pero san ako nagkulang? bakit niya ako iniwan?

Kung tutuusin, napakababaw na dahilan iyon kumpara sa mga problema at maraming selosan nangyari samin noon and I want to fix everything. Pero pano? ayaw niya akong kausapin.

"Pare tama na yan.."

"Umalis ka nalang Anthon. Iwan muna ako rito." Pero mapilit ang isang ito. Inagaw niya muli ang alak na tatangkain ko sanang inumin at naubos ang pisi ng aking pasensya.

Mas lalo akong nagalit. Wala ba akong karapatan na uminom? sunod sunod ang ginawa kong pagmumura.

"SINABI NANG IWAN MUNA AKO EH!!" hindi na ako nakapagpigil at sinunggaban ko na ito suntok.

Wala akong pakialam kahit ito pa ang may ari ng bar. Gusto ko lang ay mailabas ang galit ko sa mundo, at sa kanya ko ibubunton ang lahat.

"Eh gago ka pala eh." hindi ko namalayan ang suntok nito na tumama sakin pisngi. napasubsob ako sa mesa at sinubukan kong tumayo pero may humawak sakin mga kamay.

"Paalisin niyo na yan." sabi ni Anthon na nakahawak rin sa pisngi. naramdaman ko ang mainit na daloy ng dugo sakin labi pero hindi ko iyon ininda. Mas nananaig ang emosyonal na sakit na iniwan sakin ni tricia.

"Bwesit." sabi ko habang pasuray suray ang aking paglakad papunta ng sasakyan.

Sinubukan kong ibalanse ang aking lakad subalit kahit ang pagtingin ko sa daan ay dumudoble.

"Tricia." napahawak ako sa pinto ng aking sasakyan. hindi ko alam kung kelan ang itatagal ng aking katawan. Pakiramdam ko ay umiikot na rin ang aking mundo.

Kinapa ko ang susi subalit hindi ko magawang mabuksan. Hinang hina ako.

Hinang hina na ako sa sobrang sakit.

Hindi ko maunawan si tricia. Sabi niya mahal niya ako, pero bakit niya ako iniwan?

Hindi ba kapag mahal mo ang isang tao, kahit na anong mangyari, hinding hindi mo ito iiwan?

Napamura uli ako at napaupo sa sobrang kalasingan.

Hindi ko napansin ang babaeng lumapit sakin.

"Cyrus anong nangyari sayo?" tiningnan ko ang babae sakin harapan.

Tricia?

bumalik ka?

"Halika iuuwi na..." Nang iabot nito ang kamay sakin ay agad ko itong hinila at siniil ng halik.

Halik na parang libong taon ko nang hindi natikman.

Halik na nagdidilig ng tuyo kong damdamin.

Naramdaman ko ang kanyang pagtugon. Hinaplos ko ang kanyang braso at diniin ko ang aking sarili sa kanya.

I miss her..

"Cyrus..." she moaned. napangisi ako. pinulupot nito ang kamay sakin leeg at nagpatuloy ako sa paghahalik sa kanya kahit nasa loob na kami ng sasakyan.

"Cyrus baka mabangga tayo." hindi ko siya tinitigilan. Patuloy ako sa pagbibigay ng init sa kanyang katawan.

Baliw na nga ako siguro. baliw na baliw na ako sa kanya.

at gusto ko ganun din siya sakin.

Gusto kong kabaliwan niya rin ako na hindi na niya ako magawang iwan pa.

Hindi ko alam kong anong lugar ang napuntahan namin, pikit na ang aking mga mata dahil sa tama ng alak.

Nang makapasok kami sa kwarto ay muli ko siyang siniil ng maalab na halik, and she responded to my kiss like I was her life.

Bawat pagdikit ng aming mga katawan ay pawang malalakas na alon sa dalampasigan na nagdadala ng matinding sensasyon at kumakalat sa buo namin katawan.

Hanggang sa mangyari ang hindi dapat..


THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon