CHAPTER 22

103K 1.7K 21
                                    

 PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

 

Nilo's POV...



"WHAT!!! Ginawa niya yun para makuha lang si Cyrus!" Gulat na wika ni Tina. nandito kami sa isang restaurant at sinundo ko siya sa kanilang opisina para maglunch.

"Oo, tsaka pwede ba wag mo ngang lakasan ang boses mo." mariing sabi ko sa kanya.

Napabuntong hininga ito, Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa ni Annang manloko sa kanilang lahat. higit kay Cyrus at Tricia.

"Pano niya nagawa yun sa kanyang kapatid at kay Cyrus, I mean masyado naman siyang desperada para mamalimos ng isang gabi kay Cyrus. Talagang plinano niya ang lahat ng yun para magkasiraan ang dalawa."

I understand kung bakit ganito nalang magsalita si Tina laban kay Anna. Kaibigan nito si Tricia at nandun ang loyalty nito.

"Baby, Oo nga't ganun ang nangyari, plinano ni Anna ang lahat, but it doesn't mean na ginusto niya talagang makasal kay Cy. As we all know tumanggi si Anna sa kanilang kasal noon."

"But she still marries Cyrus. Kung sana ganun ang nangyari eh di hindi sana siya nagpakasal sa tao. Alam naman niyang fiancée nito ang kapatid tapos kekeringking siya."

She has a point. Kung alam ni Ana ang kasalanan niya, Sana hindi na siya nagpapilit. I was wondering kung ano ang naging basehan nito para di tanggihan si Cyrus.

"She hurt my friend. at hindi ko siya mapapatawad dun." sabi pa nito.

Napailing na lang ako. Alam ko naman concern lang ito kay tricia.

" Wag tayong maghusga agad. You never hear the side of Anna, Kaya wala pa tayong basehan para magjudge."

"What proof do you need Nilo para paniwalaan ang kalokohan na yan!" napalingon kami sa gawi kung san nanggaling ang boses na yun.

at parehong nanlaki ang mga mata namin ng makilala kung sino yun.

"Tricia!!" Ani Tina sabay lingon sakin.

Nag-iwas ako sa matalim na mga mata niya.

Napamura ako

"Now tell me, totoo ba ang mga narinig ko ha!!" Lumapit ito samin. 

Binalingan ko siya, kasunod ay si Tina.

"Trish, my god, how are you?." Hindi nito pinansin ang aking girlfriend at sakin parin nakatuon ang paningin.

Napalunok ako. I know na hindi dapat manggaling sakin ang mga bagay na yun dahil wala ako sa lugar. 

Sunod sunod muli ang ginawa kong pagmumura.

"Anak, halika na umuwi na tayo." Ani ni Mrs. Veloso.

Kung suswertihin ka nga naman sa mga nangyayari.

"Mamaya na mama, may tinatanong pa ako kay Nilo, at mas mabuti't nandito kayo." nakataas ang mga kilay nito habang nakatingin sakin.

"Ano ba yun anak." ani naman ng papa niya.

Oh great, this is really great.

Lumingon ako kay tina para humingi ng saklolo.

"Tita, kamusta po." Dumaan ito sa gitna namin ni tricia pero hindi pa rin nawawala ang tingin niya sakin.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon