CHAPTER 6

126K 2K 22
                                    

 PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.


-ANNA'S POV-


Mabigat ang talukap ng aking mga mata ng pilit ko itong buksan. Bumungad sakin ang nakakasilaw na ilaw na nanggagaling sa kisame at ang di pamilyar na lugar ang aking kinagisnan.

Nakaramdaman ako ng mahigpit ng paghawak sakin kamay. Lininga ko ang kamay na iyon and then I saw my mom. She is crying.

"Anna, Thank God you're awake." bungad nito sakin. Sandali kong ininda ang pananakit ng aking likod dahil siguro sa mahabang paghiga. 

Lumapit sakin si papa. I tried to face his gaze pero walang emosyon itong pinapakita maliban sa pag-igting ng panga.

"Sandali, tatawagin ko lang ang doktor." Dali daling lumabas ng kwarto si Mama at naiwan kami ng aking ama sa loob. 

"Pa." Hindi ko alam kong tama ba itong nakikita ko but disappointment is written on his face.

"Papa I'm..." hindi ko maituloy ang aking sasabihin. Ramdam ko ang lamig ng kanyang  palad at ngayon, napagtanto ko nang alam na nang lahat ang aking sitwasyon.

"Tapatin mo ako Anna." Tumitig ito sakin at wala akong magawa kundi ang iyuko ko ang aking ulo. Ang boses nito ang siyang nagpapadagdag ng kaba sakin.

"Sino ang ama ng batang dinadala mo?" malumanay pero ramdam ko ang awtoridad sa bawat salitang binibigkas nito. 

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kong sasabihin ko sa kanila ang totoo. Pano ako magsisimula? Ni hindi ko pinaghandaan ang sandaling ito.

"SUMAGOT KA!!" napapitlag ako sa pagsigaw ni papa. Nag-angat ako ng tingin at kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Galit na alam ko,wawasak samin relasyon bilang mag-ama. 

"I'm sorry Papa.. hindi ko.." umiling iling ako. "Hindi ko sinasadya papa." nahihirapan ako sa pagsasalita dahil sakin paghikbi.

"SINO ANG GAGONG GUMAWA NYAN SAYO?" wala akong ibang maisagot sa kanya. nauunahan ng lungkot at takot ang aking damdamin. patuloy lamang ako sa paghagulhol.

"ANNA SUMAGOT KA!!" naramdaman ko ang mariin nitong paghawak sakin braso.

"Ako po.." Parang isang bombang sumabog sa buong paligid ang sinabi ng lalaking ama ng aking dinadala. 

Awtomatik na napalingon si Papa rito na nasa sulok. Hindi ko ito agad nakita kanina dahil kala mama.

"Cyrus." hindi makapaniwalang sabi ni papa. Bumalik ang tingin nito sakin at kay Cyrus. Magkahalong pagkabigla at pagtataka ang mababasa sa mukha nito. 

"Sir, I know hindi dapat na mangyari ito. Ako ang may kasalanan, humihingi..."

Hindi na naipagpatuloy ni Papa ang kanyang mga sasabihin at agad nitong kinuwelyuhan si Cyrus. Nanaig ang galit ni Papa at alam kong mas matindi na ito kesa kanina.

Siyang pagpasok ng aking ina at ang kasama nitong nurse.

"Bernardo, bitawan mo si Cyrus." pag-aawat nito. nakahawak si mama sa braso ng aking ama.

"WALANGHIYA KA!! PANO MO NAGAWA ITO SA MGA ANAK KO?" hindi umimik si Cyrus at hinayaan lamang si papa sa pagdiin ng mga kamay nito sa kanyang kwelyo.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon