CHAPTER 59

97.9K 1.6K 61
                                    

Pinagmasdan ko ang payapang pagtulog ng kambal habang nakakanlong sa magkabilang bisig ni Cyrus. Nakapikit rin ang mga mata ng lalaki at mahigpit na nakahawak sa dalawang bata.

Mag-aalas dyes na nang gabi. Hindi na nakauwi si Cyrus dahil ayaw siyang pauwiin ng dalawa. Akala ng mga ito ay dito na talaga siya matutulog.

Nakasuot pa rin ito ng polo na bahagya lang inalisan ng ilang butones.

Nakasapatos at nakaitim na slacks.

Lumapit ako para ayusin ang pagkakahiga ni Carlo.

Naalala ko na naman ang tatlo habang masayang naglalaro sa loob ng opisina ni Cyrus. Wala silang ginawa maghapon kundi ang magkwentuhan at maglaro.

Panay ang tanong ng dalawa kung anong klaseng trabaho meron siya, kung ano ang mga kinahihiligan niyang gawin, lalong lalo na si Carlo lalo na't nalaman nitong siya ang may ari ng Jeep Commander na sinakyan nito kanina.

"I'll buy you more cars tomorrow and you baby princess, we'll buy castle to your Barbie."  Hindi mawala ang hanggang tengang ngiti ng dalawa at nagtatalon talon ito sa mamahalin couch sa opisina ni Cyrus.

Magpoprotesta sana ako pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil ayaw kong kwestyunin ako ng mga mata ng kambal at mawala ang kasiyahan naidudulot sa pagkikita nila ng kinikilalang ama. Sa halip, nanatili akong nanahimik lamang at nakikiayon sa kung ano ang kanilang gustong gawin.

"Daddy you haven't answer my question, why did you leave us?" Si Carlo habang pinapagulong gulong nito ang laruan dala na transformer sa braso ni Cyrus. Ngumunguso ito at binibigyan ng sound ng bibig ang bawat galaw ng laruan.

"Oo nga daddy, are you still having a fight with mom?" Tumingin si Cristine sakin. 

Bigla akong nakaramdam ng pagkataranta sa mga tanong na hindi ko alam kong pano sasagutin.

lumapit ako sa kanila at lumuhod para abutin ang dalawang bata.

Tumikhim ako at nag-isip ng mga paliwanag na hindi ko alam kung san ko hahagilapin.

"Daddy and I have a sort of misunderstanding and kailangan niyang umalis para magtrabaho." I looked at Cyrus. Kalmado lamang itong nakikinig sa mga paliwanag ko.

"Then why ngayon lang po siya bumalik? Bakit ngayon lang po siya namin nakilala? Are you still mad at him mom? Are you still having a fight? Please mom, forgive na daddy, forgive our daddy so that we will not be bullied in our school." Naapawang ang aking bibig sa pakiusap ni Cristine. Pakiramdam ko ako ang pumipigil ng kanilang kasiyahan.

Oo ako nga, dahil sa oras na malaman nilang hindi kami ang tunay nilang mga magulang, paniguradong mawawala sila ng tuluyan sakin.

Hindi na naman ako nakasagot. Nawawalan ako ng mga salita.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon